Humor - Top Blogs Philippines

Saturday, January 22, 2011

Paano Malalaman kung Supot ang Boyfriend Mo.

sabi nga nila minsan masakit ang katotohanan, ngunit huwag matakot dahil ang katotohanan ang magpapalaya sa iyo.
pero paano kung nalaman mo ang sikreto ng boyfriend mo, nalaman mo na ang hinahangaan mong boyfriend ay hindi pa pala tuli,
gwapo pero supot,
macho pero takot-----magpatuli
walang ibang ibibigay ang isang "uncircumcised" kundi mga anak na mutain,
katwiran nila "sa ibang bansa hindi naman issue kung tuli ka o hinde"
pero remember nasa pinas ka at wala sa ibang bansa diba?

ang pagtutuli ay hindi lang kultura, pamahiin o isang religious ritual, ito ay para rin sa ikakabuti ng kalusugan ng kapwa lalaki at babae.
 ayon sa mga bagong pagaaral mas healthy ang hygiene ng isang tuli kumpara sa hindi (ouch)

ngunit paano nga malalaman kung supot pa ang boyfriend mo, mahirap malaman kasi sino ba namang supot ang magtatapat?
ang mga sumusunod ay mga palatandaan kung supot pa ang boyfriend mo, halina at matuto

1. ang boyfriend mo ay hindi tuli kung siya ay mutain

2. minsan mapapansin mong siya ay tulala, siguro nagiisip siya ng malalim kung ipagtatapat niya pa ba o hindi---hindi pa siya tuli

3.. galit siya sa tindera ng raincoat
"sir kapote po kayo, sir kapote"

4. galit siya sa tindera ng bonet
" sir bonet po, bagay sa inyo bonet na leather"

5. galit siya sa mga street children
" kuya bili na po kayo"
" ano ba iyang tinda mo?"
"supot po, supot po kayo?"

6. hindi siya nagkukuwento ng karanasan niya nung tinuli siya, magkuwento man siya ay parang magulo at halatang barbero lang. Yaong kaibigan ko ganyan din, ang pagkaintindi ko 3 beses yata siyang sumailalaim sa ganyang operasyon. bumalik lang daw uli, samakatuwid sungaw daw siya at hindi supot. yan ang palusot niya

7. hindi siya tuli kung siya ay nabubulol. Paano ko nalaman? tinanong ko sa doktor at ang sabi sa akin,
"tama!, ang itang tupot ay nabubuyoy". wika ng doktor

8. nagtatanong siya kung may saan may libreng tuli, at ang palusot niya ang pamangkin niya ang sasamahan niya.

9. kung hindi "leather", maong ang kanyang brief

10. tuwing pinaguusapan niyo ay tungkol sa pagtutuli, hindi siya active at parang gusto niyang ibahain ang
usapan, at kung hindi niya maiba, umaalis na lang siya.

gamit ang mga natutunan mula sa aking isinulat maari mo nang malaman ang sikreto ng boyfriend mo,
hindi ito isang diskriminasyon, hinding hindi, medyo lang.
proven na nga na mali ang pamahiing nakakatangkad ang pagtutuli, pero ito ay di sapat na dahilan para di na siya magpatuli,
kung  ang mga babae sa Latvia, Africa ay nagpapatuli bakit ang bf mo hindi,
(hindi ko lang alam kung paano basta nabasa ko lang sa ginawa kong thesis nung highschool ako.)

sana ay napatawa ko kayo kahit onti, ang post na ito ay ginawa ko hindi para manginsulto ninuman, hanggang sa muli.
 mabuhay kayo at magmahalan po tayo

2 comments:

maenoodle said...

ayos to sir! haha :D

benjienious said...

heheh
nakatulong sana ako

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...