Humor - Top Blogs Philippines

Monday, January 31, 2011

Sumbong: Kalsada

style niyo bulok
laos na ang ganyang gimik
dito sa isumbongmo.blogspot.com
ibubunyag namin ang inyong trip

ang sumbong natin today ay  tungkol sa kalsadang laging baha, maputik, traffic, butas butas in short nakakabadtrip. halikayo at pakinggan ang sumbong nang ayaw magpakilalang residente ng reparo,baesa ,caloocan city

ANG SUMBONG
"nakakainis dito sa amin.  lagi na lang ganito, paulit-ulit, unlimited.
 Aayusin ng pamahalaang panlungsod ang kalsada.
pagagandahin at bubuhusan ng bagong asphalto
makikta mo ang mga streamer at poster ng pinunong nag paproyekto
nakangiti at ang laki ng mukha at nakasulat ang pangalan niya
akala mo tuloy sarili niyang pera ang ginastos.
maganda sana. yun nga lang...

ilang buwan lang darating ang tropa ng taga Maynilad Water District Services Incorporated.
maglalagay ng mga poster streamer na may naksulat
"dadaloy din ang ginhawa"
ang mga taga maynilad ay bubungkalin ang kalsada na bagong aspalto.
aayusin daw ang linya ng tubig?
anak ng tinola, ang resulta pagkatapos
butas butas at tagpi tagpi ang aming kalsada
na nagiging sanhi ng maraming aksidente't aberya.
ganito ang nangyayari, tapos bubuhusan uli ng asphalto then magaayos uli ng tubo.
ganun ganun ang nangyayari.
ginawa na nilang libangan ang pagbubungkal ng lupa
na nagiging dahilan din ng traffic sa mga motorista.
bakit ganyan lagi na lang maputik at lubak lubak ang aming kalsada
ganyan ba talaga gumastos ang pamahalaan?"

ANG AKSIYON
Ang isumbongmo.blogspot.com ay  agarang kumilos at pinuntahan ang nasabing kalsada.
nagdisguise kami, nagpalit kami ng tsinelas para di makilala
gamit ang cellphone na may built-in camera
kinuhaan namin sila ng litrato, klik!
mala james bond na maysakit,  lumapit pa kami nang kaunti at kumuha ng larawang ibedensiya

kitang kita niyo ang aksiyon? anong sinabi ni mike enriquez, gus avelgas o tulfo brothers diyan?

ANG SOLUSYON 
suhestiyon ko lang, bakit di niyo na lang gawing de butones yang kalsada
o di kaya eh may zipper, para nang sa ganoon pwedeng buksan kahit anong oras niyo nais.
pero alam ko namang hindi nila ito gagawin dahil kung walang project, walang katkung.

bilang solusyon din,  ipinost ko agad ito sa aking blog at para malaman ng mga kababayan ko kung paano ginagasta ng ilan ang pondo ng bayan.
hindi kaya merong sabwatan dito ang maynilad at ilang pinuno ng bayan,
"para kasi kung may project,
may rocket.
at kung may rocket,
solve ang pocket."

pinagiisipan ko pa kung ipapasa ko ito sa youscoop o imbestigador. ano sa tingin niyo?

ano kayo ngayon? alam kong maynakahanda na kayong palusot at madali lang sa inyo yan.
pero hindi ba kayo nakukusensiya?
naghihirap ang marami sa atin
habang kayo, mga kurakot
walang hiyang nagsasayang ng pera.
                                                                              o0o
puro kayo rocket, 
iniisip niyo lang ay ang inyong pocket
nagtatanong ako baket
wala ba kayong malasaket
o0o

Wednesday, January 26, 2011

Sumbong: Massacre

Dito sa isumbongmo, isumbongmo.blogspot.com
wala kaming pinipiling kalaban
wala din kaming pinipiling tulungan
basta nagsumbong ang bayan
aksyon ng  isumbongmo.blogspot.com  asahan!




Ang ating sumbong ngayon ay tungkol sa kawawang sisiw.
pakinggan ang kanyang kwento

Kawawang Sisiw: "isang araw, habang maligaya kaming kumakain kasama ang  aking ina
nang bigla na lang pumasok ang may ari ng apartment na aming tinitirhan


dinampot nila si nanay, " parang awa niyo na , may mga anak ako!" ang pagmamakaawa ni ina.
hindi na sila naawa, nagdadalantao ang aking ina,
hindi na ako nakasunod dahil nakakandado ang pintuan.
wala na akong magawa kundi umiyak  hanggang mapaos".

"hindi pa sila nakuntento, pati ang aking mga kapatid, ang aking kapatid na walang kamuwang muwang dinampot din nila, huhuhu pinatay nila sila mama! (humagulgol)"
45 days akong umiiyak at natatakot galit na galit ako sa mga kahayupan este katauhan nila
mga mamatay hayop, magbabayad kayo!"

Ben 2Lfowh: "huwag ka matakot, maitanong ko lang eto ba ang unang pagkakataon na ginawan ka nila ng ganyang uri ng karahasan?."

Sisiw: "(hingang malalim) hindi po, ang aking ama ay namatay dahil isinali nila ng sabong, namatay ang aking ama. di kami nakapagsumbong dahil natatakot kami huhuhu "

B3n 2Lfowh:" huwag kang mag-alala kasangga mo ang isumbongmo.blogspot.com.
at hindi kita pababayaan, kung tuwing naghahanap kami ng hustisya
at pinapatong namin kayong mga sisiw sa kabaong bilang kahulugan ng paghahanap namin ng hustisya.
ngayon kami naman ang babawi sa inyo"

---------

ang bikitimang itago na lang natin sa pangalang sisiw ay nasa pangangalaga na ng kinauukulan.

agaran pong kumilos ang isumbongmo.blogspot.com 
panis ang bitag, xxx, soco, at imbestigador sa aming aksyon, 
ilang araw lang ang nakalipas dahil sa masusing pagiimbestiga at matiyagang paghahanap ng ibidensiya, natagpuan po namin ang bangkay ng mga biktima.


upang mailibing ng maayos, 
tinabunan namin ng kanin at softdrinks nang sa ganoon 
matahimik na ang kanilang kaluluwa.
pinaghahanap na ng pulisya ang suspek sa karumal dumal na krimen na nakilala sa pangalang alyas KFC


kung may nalalaman po kayong impormasyon na makakatulong sa agarang pagdakip sa  akusado
maari lamang ay mag comment kayo, mag follow, mag message, mag post sa chat box ko, o kung trip niyo magclick sa mga ads ko baka sakaling interesado kayo :)
hanggang sa muli.
dito sa isumbongmo.blogspot.com
ang iyong sumbong ay di dapat ibulong
dapat sinusumbong
at sasamahan ko ng aksiyon!

Sumbong: Fake Money

para sa bayan...
para sa tao...
para sa lahat...
mahalaga ang sumbong mo
isumbongmo.blogspot.com

Isang sumbong ang aming natanggap.
ayon sa nagsusumbong, sinusumbong niya ang pagkalat ng pekeng pera.
sa una di mo aakaling peke, pero pag tinitigan mo ay malalaman mo na.
 kinuha namin ang sample nito at ipanasuri sa mga eksperto.
ang resulta; dekalidad naman ang papel na ginamit dito at katulad din ng pera na totoo
ang problema  lang
napalitan ang value ng pera
(tingnan maigi ang larawan)

agarang umaksiyon ang isumbongmo.blogspot.com team,
nahuli namin ang suspek at napaamin sa kanyang pakana
napag-alamang isa siyang chinese nationals na nagbebenta ng mga murang calculator, abacus, jomath at iba pang uri ng pangkwenta
nalaman namin ang kanyang totoong motibo.
"kung mauuso ang perang yan, mauuso din ang paninda kong mga calculator, tatalunin nito ang smart at globe"
"may balak din sana akong ubusin ang mga baryang (1 peso, 5 pesos at 10 pesos) hanggang sa wala nang magamit ang mga pinoy "dagdag pa niya,

salamat na lang tayo at napigilan natin sila,
kung hindi, lalaki ang kaguluhan at mahihirapan pati ang mga henyo sa math.
nasa pulisya na ang nasabing suspek
isang patunay lang na.
"kung tayo ay magtutulungan
kasamaan ay mapipigilan"

hanggang sa muli, kung mayroon kayong nakitang ganyang pera ipagbigay alam lamang sa isumbongmo.blogspot.com
salamat sa pagbabasa ng maikling post na ito ngunit makasaysayan

Saturday, January 22, 2011

Machete Diet



Gusto mo bang maging 
mala machete ang iyong katawan? madali lang yan!
sundin lang ang machete diet na ituturo ko ngayon, at pagkatapos ilang linggo lang mala istatwang inukit na ang iyong pangangatawan, maglalakihan ang iyong mga pandesal at mga daga sa braso.
walang sinabi sayo si aljur, dingdong, enchong dy at sinupamang hunks ngayon.
----------------------------------------------


Ang mga nasa larawan ay mga binatang naimbitahang sumailalim sa machete session.
yan ang before kung baga.
pero laking galak nila ng makamit nila
ang kanilang pangarap na katawan sa
pamamagitan ng machete formula
eto ang mga naging comments nila pagkatapos

 o0o

After Undergoing the Machete Diet


"s0vrha aqOunG nAgfAfAzALamhAt zAh mAchEtE diEt.
iN twO wikzS LhanG q
itAnG qitAh nAh aNg reZsuLtA..
mArHaminG ZsaLamhAt mAchEte diEt!"
                                  ----rhejie carballo
                                      19 years old
                                     Baesa, Caloocan City


"aqALa qOu nuNq unhA Ndi tO2o sAbeH nAnq kAibiqAn qoUh "qivE iT a tRy mHen". cnUnOd qoUh aNq iNstRuCtiOn aT ovErwHeLming hApPii aqOu sA nAginG rEsuLtA. I'm sO gRatEfuL mAchEte dieT, ibAng ibA nAh aNq bhOdy qoUh,  tUmiNdi aNq aLindoq qOu, nAqinq phisicALLy fiT aqOu.
dUmAmi diN aNq cOmmErciAL offEr sAh aqiN.
hYnd3 n nLa Aq ynaAsar n Fayat o PatFatIn
pErO "qaLbO" nA Lang..
 "mAchEtE diEt" thE bEst diEt."
                                       ---benjie cantuba
                                         20 years old
                                Bagong Barrio, Caloocan City


"Sing Machete Diet, bilik doo eh eh!
tamina mina eh eh eh
waka waka eh eh"

In english
 the Machete diet, is very effective hehehe!
and affordable hehehe
try it hehehe
                        --- tedi john de guzman
                         20 years old
                                                                  pacific ocean


oOoOoOoOoOoOoOoOo

Instructions:
madali lang ang instruction, as easy as abc, sundin lamang ang 10 steps

1. umiwas sa mga bisyo, di makakatulong ang pagiging alcoholic.uminom na lang ng green cross isoprophyl alcohol pamalit sa alak na redhorse o gin

2. kumain ng mga gulay, iwasan ang kamatis at talong dahil ito ay prutas at hindi gulay

3. huwag magpuyat sa gabi, sa umaga na lang, ( funny!)

4. umiwas sa mga pagkaing maraming fats, chalories, carbohydrates,
ugaliing kumain na lang ng "Thunder Bird Laying Mash" epektibong pampatatag ng mga maskels.

5. uminom ng vetracin pamalit sa tubig

6. papakin ang revicon

7. huwag maligo

8. umiwas sa mga bading, kung sakali mang lapitan ka ng mga bading sabihin mo lamang ay
"swiper no swiping, Swiper no swiping"
"ohh men"
at aalis na ang mga iyon

9.magehersisyo araw-araw, panoorin ang "Machete Video Guide Stabuney Katawan" para sa mga steps


10. ang pinakahuli, gumamit ng adobe photoshop para ilipat ang mukha mo sa katawan ng iba, yan ang pinakaepektib.

Salamat po sa pagbasa, sana ay may natutunan kayo dahil expected ko namang wala.
gawin lamang ang instruction at tiyak ko pag aagawan ka ng milyong milyong bela padilla o ryza cenon dahil sa kakisigan mong tataglayin.
garantisadong epektibo, subukan mo at walang kaduda-duda
ang pinapangarap mong machete body ay mapapasayo.
salamat at congratulations.

Tear Here Talent Search

greater than that American Idol or Got Talent,
heres the biggest talent search in a world history ever.
watch it! and waste your time.

Paano Malalaman kung Supot ang Boyfriend Mo.

sabi nga nila minsan masakit ang katotohanan, ngunit huwag matakot dahil ang katotohanan ang magpapalaya sa iyo.
pero paano kung nalaman mo ang sikreto ng boyfriend mo, nalaman mo na ang hinahangaan mong boyfriend ay hindi pa pala tuli,
gwapo pero supot,
macho pero takot-----magpatuli
walang ibang ibibigay ang isang "uncircumcised" kundi mga anak na mutain,
katwiran nila "sa ibang bansa hindi naman issue kung tuli ka o hinde"
pero remember nasa pinas ka at wala sa ibang bansa diba?

ang pagtutuli ay hindi lang kultura, pamahiin o isang religious ritual, ito ay para rin sa ikakabuti ng kalusugan ng kapwa lalaki at babae.
 ayon sa mga bagong pagaaral mas healthy ang hygiene ng isang tuli kumpara sa hindi (ouch)

ngunit paano nga malalaman kung supot pa ang boyfriend mo, mahirap malaman kasi sino ba namang supot ang magtatapat?
ang mga sumusunod ay mga palatandaan kung supot pa ang boyfriend mo, halina at matuto

1. ang boyfriend mo ay hindi tuli kung siya ay mutain

2. minsan mapapansin mong siya ay tulala, siguro nagiisip siya ng malalim kung ipagtatapat niya pa ba o hindi---hindi pa siya tuli

3.. galit siya sa tindera ng raincoat
"sir kapote po kayo, sir kapote"

4. galit siya sa tindera ng bonet
" sir bonet po, bagay sa inyo bonet na leather"

5. galit siya sa mga street children
" kuya bili na po kayo"
" ano ba iyang tinda mo?"
"supot po, supot po kayo?"

6. hindi siya nagkukuwento ng karanasan niya nung tinuli siya, magkuwento man siya ay parang magulo at halatang barbero lang. Yaong kaibigan ko ganyan din, ang pagkaintindi ko 3 beses yata siyang sumailalaim sa ganyang operasyon. bumalik lang daw uli, samakatuwid sungaw daw siya at hindi supot. yan ang palusot niya

7. hindi siya tuli kung siya ay nabubulol. Paano ko nalaman? tinanong ko sa doktor at ang sabi sa akin,
"tama!, ang itang tupot ay nabubuyoy". wika ng doktor

8. nagtatanong siya kung may saan may libreng tuli, at ang palusot niya ang pamangkin niya ang sasamahan niya.

9. kung hindi "leather", maong ang kanyang brief

10. tuwing pinaguusapan niyo ay tungkol sa pagtutuli, hindi siya active at parang gusto niyang ibahain ang
usapan, at kung hindi niya maiba, umaalis na lang siya.

gamit ang mga natutunan mula sa aking isinulat maari mo nang malaman ang sikreto ng boyfriend mo,
hindi ito isang diskriminasyon, hinding hindi, medyo lang.
proven na nga na mali ang pamahiing nakakatangkad ang pagtutuli, pero ito ay di sapat na dahilan para di na siya magpatuli,
kung  ang mga babae sa Latvia, Africa ay nagpapatuli bakit ang bf mo hindi,
(hindi ko lang alam kung paano basta nabasa ko lang sa ginawa kong thesis nung highschool ako.)

sana ay napatawa ko kayo kahit onti, ang post na ito ay ginawa ko hindi para manginsulto ninuman, hanggang sa muli.
 mabuhay kayo at magmahalan po tayo

Tuesday, January 18, 2011

Malapit na ang Fiesta sa Aming Baranggay!

makukulay na banderitas, sarap panoorin habang sinasayaw ng hangin,
bagong pintura ang mga poste at kalye, ang barangay ay nagbihis.
malinis at may gayak ang bawat arko ng iskinita
paliga ng basketbol ay di pahuhuli
ibat ibang paligsahan ay nagpapaligsahan
ang mga punong abala ay abala siyempre sa paghahanda
mga enteblado, bisita si meyor o kaya si kong
di rin pahuihuli ang mga nais makilala

ohh ang pagdiriwang sa baranggay 152, B. Barrio, Lungsod ng Kalookan ay malapit na

isa mga inaabangan ko, ang mga napakacute na litson (pasintabi sa ibang paniniwala)
sa sobrang kakyotan nito ay madalas ko siyang nakukurot

happy fiesta rin sa mga taga Tondo, Cebu, sa buong bansa at sa lahat ng nagdidiwang ng Fiesta.

Saturday, January 15, 2011

This Guy is Inlove with You Pare (Paminta)

maligayang pagbisita, kung gusto mong sayangin ang oras mo? halika at kwentuhan kita
ang kwento ngayon ay tungkol sa....

Palatandaan kung Bakla na ang Kumpare Mo.
(makabuluhang sanaysay)

1. bakla ang kumpare mo kung napaiyak siya o kaya naman ay pinanood niya ng paulit-ulit ang pelikulang "brokeback mountain"

2. pagnaglalaro kayo ng basketball, iba na ang pangba-boxout niya,
makiramdam ka kung dinadama niya ang bawat pagdikit ng iyong mga katawan. yung tipong iba na siya makahawak at tuwing tumatawag ka ng foul ang sinabi niya "sorry pare" sa bahay halik.
malamang siya ay bumigay na

3. tuwing kayo ay naglalasing ikaw ang gusto niyang kausap, at dahil sa kalasingan kayo ay nakatulog, siya ay dumadantay sa iyo, at tuwing aalisin mo ang pagkadantay niya, nagkukunwari siyang tulog.

4. palatandaan din na bakla na siya kung pinagmamayabang niya ang kanyang bagong tattoo
---tattoo sa kilay

5. tingnan ang kanyang bag, magtaka ka kung nakakita ka ng foundation, blush-on at lipstick,
bagamat ang kumapare mo ay nagtatrabaho sa restaurant, hindi naman siya si mcdo para maglipstick.

6. nahihilig na siya sa showbiz. ang testamento kong ito ay pilit pinabubulaanan nila sir. boy abunda, kuya germs, at arnel ignacio(mga bigatin). wala daw sapat na basehan ang aking sanaysay.

7. hate niya na ang mga movies na may barilan, mas pinipilit niya ang pelikula na may ispadahan.

8. malagkit na siya kung makatingin,

9. pag nagsasalita siya ng "hot dog" napapadila siya. ang tunay na lalaki ay napapakagat pag sinasabi ito, waring pagalit magsalita.

10. iba na ang kulay ng kanyang dugo (pink). pumupusyaw ang kanyang dugo. mali ang pananaw ng marami na "berde" ang dugo ng mga bakla, hindi naman siya uod-dagat para maging ganon.

11. madalas na siyang magpunta sa gym, hindi para magpalaki ng muscles kundi para makipagkwentuhan lamang. tsine-tsek niya rin araw araw ang improvements ng mga ka-gymmates niya.

12. Tanungin mo siya ng ganito; "kung magiging babae ka, ano ang gusto mong pangalan?"
pag nag isip muna siya ibig sabihin lalaki talaga, pero kung may sagot kaagad siya, well ibig sabihin may chance. ang landi talaga.

yun lamang po at sana ay may natutuhan kayo, bukod sa aral na ...
"walang mapapala sa pagbisita sa blog ni b3n 2lfowh"
pagkatapos mabasa ang post na ito, 'wag mailang na subukan ang iyong kaibigan. 'wag maging biktima sa huli
.

Palatandaan ng Isang Ampon

masakit ang katotohanan, gayon paman kailangan mo itong harapin kahit gaano kahurt,
minsan man masaklap ang katotohanan, lagi mong tandaan
"ang Katotohanan ang Magpapalaya Sa iyo"

10 Palatandaan kung Ikaw ay Ampon

1. wala kang picture ng baby ka.
tingnan mo kung may pictur ka nung baby ka, kung meron man, baka malabo at parang hindi mo ito kamukha.
sa panahon ngayon madali na ring malaman, kasi halos lahat ng bagong panganak may picture sa Fb o Fs

2. ang pangalan mo ay pangkaraniwan.
kung ang pangalan mo ay john, jun, cris, ryan, mark at iba pang parang hindi na pinagisipan, magduda ka na at baka isa kang aksidente, o putok sa buo (its hurts ba? meron pa!)

3. ang pangalan mo ay may ibig sabihin
kung ang pangalan mo ay milagros, blessy, angel, angelo, angelica, cristina, atbp.
itanong mo sa ina mo kung bakit ganyan ang ipinangalan sa iyo, at ang magiging sagot nila ay ganito, "hulog ka kasi ng langit anak" maghinala ka na at baka napulot ka lang nila kung saan ka man hinulog.

4. kakaiba ang pangalan mo sa mga kapatid mo
kung ang pangalan mo ay halimbawa ganito "Mike" at ang sa mga kapatid mo ay lahat ay nagsisismula sa "R". rose ann. robin. richard, rey mark. maghinala ka na!

5. pansinin ang birthmonth mo at ang pangalan mo
kung ang name mo ay "Lito" habang ang sa mga kapatid mo ay May-ann, April Joy, June Victor, Julio Cris, isipin mo kung bakit "lito" ang pangalan mo, napakasimple at parang walang koneksiyon sa birthday mo na February 30, pansinin mo rin kung may february 30 nga sa kalendaryo at kung wala maghinala ka na!

6. Hindi ka inaasar na ampon.
inaasar ka ba nilang ampon? kung hindi, maghinala ka na? bakit sila nagaasarang ampon at ikaw hindi nila binibiro?

7. Malayo ang itsura mo sa kanila
Tingnan mo kung maykahawig ka sa kanila, at kung wala, 'wag munang maghinala
at baka sila ang ampon.

8. Hindi ka nagmana ng talento nila
halimbawang sila ay marunong kumanta at ikaw ay hindi,
bagkus sa sayaw ka naman nahilig, maghinala ka na at baka ang magulang mo ay si muble ng happy feet.

9. Nunal
pansinin mo ang nunal mo, kung sa mga kapatid at mga magulang wala silang nunal, samantalang ikaw ay meron marami at malaki pa, alamin mo ang katotohan at baka foreigner ang mga tunay mong magulang (Dalmatians)

10. Parehas ng kasarian ang mga magulang.
kung ang nanay at tatay mo ay parehas babae, ok lang atleast baka isa doon ang ina mo at iniwan ka lang ng ama mo. pero kung parehas lalaki ang mga magulang mo, maghinala ka na!


Death Penalty

isang rap at hindi tula, awitin sa pamamagitan ng tono ng "happy Birthday to You"



PARUSANG KAMATAYAN
by: lady gaga feat. regine velasquez

Kaliwa't kanan ang mga masasamang balita,
massacre, patayan dahil sa lupa,
salvage, gangrape, anak ginahasa ng ama.
at kung ano ano pang krimen na,
di mo akalaing tao ang gumawa!

inutil na gobyerno, bulok na sistema,
abusadong pulis, kupal na uri ng hustisya.
kung sino ang may pera, nandoon ang awa,
bansang naging one-sided, api ang mahina.

Dahil sa karumal dumal na nagaganap sa ating bansa,
parusang kamatayan, dapat na nga ba?
maraming debate, ang pinas ay naging biyakers na,
may payag may hindi, nahati sa dal'wa.

sa pag alis nitong ng permanenteng parusa,
ang mga mokong naghahasik ng masama.
tumaas ang delito, di sila nangamba,
gumulo ang paligid, naging kulot na.

ang buhay ng tao ay hindi na mababalik pa,
kaya maging dahan dahan sa ating pag-husga.
papaano kung siya ay talagang nagsisipagsisi na,
kung ang Diyos ay nagpapatawad, magbibigay ka ba?

hindi lahat nang nakukulong ay nagkasala,
hindi lahat nang masama ay naseselda.
hanggang hindi pantay pantay ang hustisya,
inosente ang malakas, buhong ang mahina.

ang parusang kamatayan nga ba talaga?
ang magpapatigil sa mga halang ang sikmura.
o ito ay ang tsambahang pagkuha,
ng buhay ng mga may sala at wala.

Thursday, January 13, 2011

Naniniwala Ba Kayo sa Usog?



Ang pamahiin ay parte ng ating kultura na pagkakilanlan naman natin bilang mga Pilipino.
bagamat may nagsasabing ang pamahiin ay isang paniniwalang walang basehan. sa paglipas naman ng panahon ang ilan sa mga pamahiin ay sinasangayunan na nang mga eksperto at sensiya,
halimbawa nito ay ang
" ang pamboboso ay nagsasanhi ng kuliti sa mata"
ayon sa mga eksperto wala itong kaugnayan, maliban na lang kung ang butas na kung saan ka sumilip ay marumi.

" ang pagiging inlove ay nagdudulot ng tagiyawat"
ayon sa mga espesyalista ay maari.
pag ang tao ay in-love madalas hindi siya makatulog--- siya ay napupuyat, at ang pagpupuyat ay isang dahilang ng pagkakatagiyawat.

Paano naman ang Pamahiin Tungkol sa Usog?
ang taong malakas makausog ay dapat umiwas sa mga bata na siyang madali at madalas mausog, maari ring mausog ang kahit sino.
sinasabing ang pangontra rito ay ang mga sumusunod:

Paglaway:
Isang beses, nilaro ko ang kapatid ng barkada ko, ito ay isang taong gulang lamang, at pagkatapos,
maya-maya ay umiiyak na ang bata sa di-malamang dahilan, ang sabi ng nanay nito ay baka raw nausog ko daw.
lawayan ko raw para makontra ang usog!
anak ng tinola! nakakatakot, namana ko yata ang talento ng lola ko.
dati kasi tuwing may batang nausog pinapalawayan sa lola ko at pagkatapos noon ay gumagaling na.
note: available ang aking laway sa murang halaga

Pagsasabi ng Pwera Usog
kung sakaling may bumati sa'yo, halimbawa ay sinabi niyang gumaganda ang pangangatwan mo, magsalita ka ng pwera usog, para daw hindi maging kabaliktaran ang mangyari sa iyo (manghina ang pangangatawan mo).
mula noon pag may nagsabi sa akin na "ang gwapo ko", sinasabi kong "pwera usog"

Pagkatok sa Kahoy (knock on wood)
Katulad din ng "pwera usog", kumatok ka sa kahoy para di ka mausog
kumatok karin sa kahoy kung sakaling may naisip ka o may nasabi kang masamang pangyayaring ayaw mong maganap"


Pagpapakulo ng Damit sa mainit na tubig
Kung hindi mo alam kung sino ang naka-usog(suspect) sa iyo. pwede mong pakuluan ang damit mo, sa ganoong paraan makokontra mo ang usog.


Pagsusuot ng Anting Anting
Para sa mga bata magsuot ng kulay pulang parang maliit na unan,

















o parang pulang square na pin cushion para makontra ang usog.
nagsusuot din ang iba ng bracelet na kontra usog.

Anting-anting
Pag-meron ka ng ganitong anting-anting(amulet), di mo na kailangan ng ibang anting-anting.
bakit?
kase meron ka na eh.







Manghihilot, Albularyo, Faith Healer etc.
Kung sakaling hindi parin kinaya ng pangontra usog items
tawagin na ang tulong ni dandarandandan
Mang Hihilot
ang mga manghihilot o mga albularyo ang sinasabing mga eksperto pagdating sa Usog
idulog mo lamang ang iyong nararamdaman at parang mahika na malalaman nila ang karanasan mo, mahuhulaan nila kung sino ang nakausog sayo, ilang araw na ang kalagayan mo, at kung ano ano pa.
parang doktor na magtsetsek-ap sa patienta hahaplusin ka nila sa parteng masakit at mag rerekomenda,
kung nausog lang, gagamitin nila ang laway kontra usog
(saliva against flatulence ayon sa pagtranslate ng google)
kung umakyat ito ng kung saan marahil ay may sangkot na duwende, engkanto, mangkukulam, etc
pagtatawas o pagpapausok naman naman ang kinakailangan
para ding Doktor na magrereseta ng halamang gamot, ointment, o talaan ng mga dapat gawin.

Trivia: ang ingles ng albularyo ay herb doctor

Kung hindi ka naniniwala sa USOG
ganoon din naman ako, sa tutuusin sa ibang bansa ay wala namang usog-usog.
kumain ka ng masusustansiyang pagkain, sapat na tulog, alagaan ang pangangatawan, magehersisyo, tapos
kung magkasakit ka man, yan ay parte ng pagiging tao.
wag kang magtaka kung bakit may napapagaling ang mga albularyo
natural yon dahil sa kanilang karanasan, halamang gamot, teknik, kaalaman etc.

Hindi ako naniniwala sa saliva against flatulence (laway kontra usog)
sa totoo lang marumi ang laway.at maari pa nga itong makapagpasa ng sakit

kung may gumagaling man sa pamamagitan ng mahika o milagro raw.
alalahanin nating ang masamang espiritu ay mahusay magmanipula o gumagawa din ng himala
para ang maging resulta----maniwala tayo sa mali

ang masasabi ko lang bago matapos ang kwentong kong to
walang masama sa pagsunod sa pamahiin (ito ay parte ng kultura)
wag lang dumating ang puntong ang buhay mo masakop na ng mga pamahiin.

Wednesday, January 12, 2011

Marunong na Akong Gumamit ng Adobe Photoshop

Nung natuto ako ng basic ng photoshop,
sinubukan kong magedit edit. eto ang isa sa mga likhang sining ko
ayoko ng maxx lemon, ayoko ng maxx wildberry, ayoko ng maxx eucalyptus ayoko ng ibang maxx maliban dito, ito lang ang gusto ko

Hindi pa Ako Marunong ng Photoshop

maaring ang post na ito ay walang kinalaman sa iyo, pero sinadya akong ipost, wala lang
dati kasi di ako marunong gumamit ng adobe photoshop kaya ang paint ang lagi kong timbulan,


Monday, January 10, 2011

Dwarfina


salamat kay robin sa inspirasyon!

Sumbong: Google Translate Mali Mali

"Dito sa isumbongmo (isumbongmo.blogspot.com)
wala akong pinapapalagpas,
lalaban, mangangahas at di aatras
basta mga sumbong mabilis ang aking aksyon,
bayani ng internet ng makabagong panahon
di ako natatakot sa aking babanggain,
kung pader ka? akin kitang gigibain"

january 9, pangalawang linggo ng taong 2011, may isang sumbong akong natanggap mula sa aking tanggapan.----- friendster at facebook account.
ang nirereklamo niya google.com (bigatin)
sinusumbong niya ang google translator na maraming mali, akin ding sinubukan
sabi nga nila "to see is to believe"
sinubukan ko kung gaano ba kaayos ang translator ng google
sinubukan ko ang salitang SEXY
akala ko ang magiging resulta pagsinalin sa salitang tagalog ang salitang SEXY ay MATALIK
kasi ang salitang SEXY at MATALIK ay kapwa adjectives at parehas din ng root word

rootword (adjective)
sex (sexy)
talik (matalik)

pero iba ang nangyari, eto ang naging resulta
nyekkkkkkk! ano ba yang naging resulta. napagalaman kong mali mali nga ang google translate, anak ng tinapa talaga.
anglayo ng resulta (sexy = malibog/maiyag) , ok pa sana kung ang maging translate ng salitang "SEXY" ay "MAALINDOG"
bagamat malaking tulong ang google translator marami pa rin itong mali, at yan naman ang di ko mapapalagpas. ayusin niyo yang serbisyo niyo, pag ako nagalit,
tapos di ako makapgpigil, magagalit ako
basta magagalit ako.

Thursday, January 6, 2011

knock knock jokes


Corny but funny, mga koleksyon ng mga pinakanakakatwang knock knock jokes,
ginalugad ko ang internet, at humukay ng mga naalala kong knock knock jokes at nagtanong sa maraming kaibigan. sana magustuhan ninyo, fine thank you!

Knock knock.
Who`s there?
CIVIL
Civil who?
CIVIL-liar ang tunay na mahirap,
CIVIL-liar ang tunay na may malasakit.

Knock Knock
who's there?
canada
canada, who?
nakaligo canada sa dagat ng basura

Knock, Knock
who's there
New Zealand
New Zealand, who?
New Zealand ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo, at ang kamay nila ang iyong ilaw...

Knock, Knock
who's there?
FEU UST
FEU UST who?
FEU UST what i see, youre the answer to my pray

Knock, Knock
who's there?
TODA?
TODA who?
TODA fire... to the limit, to the wall


Knock, Knock
who's there?
Kinurot ko kinurot-kurot ko pa
Kinurot ko kinurot-kurot ko pa, who?
Ooh darling cause you’ll always be my baby
kinurot ko, kinurot-kurot ko pa.

Knock Knock
who's there?
Kangkong carrots lettuce tomato
Kangkong carrots lettuce tomato, who?
new york... kangkong carrots lettuce tomato

Knock knock.
Who`s there?
CASHEW NUT.
Cashew nut who?
Don`t tell me your sorry, CASHEW NUT. Baby when I know you’re only sorry you got caught…

Knock knock.
Who`s there?
JEWISH.
JEWISH who?
Don't JEWISH your girlfriend was hot like me. Don't JEWISH your girlfriend was freak like me. Don't cha... Don't cha...

Knock Knock
Who's there?
pritong sawa, pritong mane, sinigang kare-kare
pritong sawa, pritong mane, sinigang kare-kare, who?
pritong sawa, pritong mane, sinigang kare-kare, hallelu... hallelujah...

Knock knock.
Who`s there?
SOLUSYON
Solusyon who?
SOLUSYON, sa Visayas at sa Mindanao
san mang sulok ng mundo na may Pilipino..

Knock, Knock
who’s there?
RIVERBOAT
RIVERBOAT who?
RIVERBOAT young when I first saw you. I close my eyes and flashback saw you standing there.

Knock, Knock
who’s there?
GINABING KOKEY
GINABING KOKEY who?
Just dance! GINABING KOKEY! da da doo doo mmm.

Knock, Knock
who’s there?
AGATHA
AGATHA who?
AGATHA feeling! That tonight’s gonna be a good night

Knock, Knock
who’s there?
COME BACK TO ME
COME BACK TO ME who?
COME BACK TO ME bok ang puso! wala ka ng magagawa kundi sundin ito.

Knock knock
who's there?
phone na nokia
phone na nokia who?
phone na nokia di sinasadya 'Di kayang magtapat ang puso ko

Knock, Knock
who’s there?
SAFARI
SAFARI who?
got my hands up, they’re playing my song and now i’m gonna be ok. yeah! it’s SAFARI in the usa.

Knock, knock.
Who’s there?
Jhamppong
Jhamppong who?
Jhamppong mga daliri kamay at paa, dalawang tenga, dalawang mata, ilong na maganda.

knock knock
who's ther?
Mama Para taxi
Mama Para taxi who?
im your biggest fan ill follow you until you love me
Mama para Taxi

knock knock..
Whos's there
Lady GaGa
Lady GaGa who?
kung Lady Gaga ka sa piling nang iba.

Knock, Knock
Who’s there?
Pork chop masarap lagyan mo ng ketchup.
Pork chop masarap lagyan mo ng ketchup who?
Pork chop masarap lagyan mo ng ketchup. Tonight I’mma fight ‘til we see the sunlight!

knock knock
whos there
isabaw mo ang kanin sa ihi ng kambing
isabaw mo ang kanin sa ihi ng kambing, who?
isabaw mo ang kanin sa ihi ng kambing...liwanag sa dilim

Knock knock!
Who’s there?
Pikachu
Pikachu who?
Pikachu, I’mma tell you one time.

knock knock
who's there?
hayden kho
hayden kho who?
hayden kho kayang tangapin na mawawala ka na sa akin

Knock, knock.
Who’s there?
Paniki.
Paniki who?
Oh Mickey you’re so fine, You’re so fine you blow my mind, Paniki! Hey, hey! Paniki! Hey, hey!

Knock knock
Who's there?
HONDA
HONDA who?
HONDA first day of christmas my true love sent to me.

Knock knock
Who's there?
HONDA
HONDA who?
Honda randandan, hapi hapi hapi birthday, sayo ang inuman, sakin ang pulutan

Knock knock
Who's there?
DINA BONNEVIE, GARY V
DINA BONNEVIE, GARY V who?
DINA BONNEVIE my lover, GARY V my friend

Knock knock
Who's there?
sinigang
sinigang who?
sinigaaannnggg, sandal ka lang at 'wag mong pipigilan

Knock knock
Who's there?
kamuning
kamuning, who?
Kamuning get me, get me, get me. Baby i’m yours. Kaamuning get me.

Knock knock
Who's there?
soon to open Pan de Manila
soon to open Pan de Manila, who?
Uno, dos, tres, soon to open Pan de Manila.

Knock knock
Who's there?
The hill and cow
The hill and cow, who?
The hill and cow ang sigaw ng puso ko. Ikaw ang nasa isip ko.

Knock knock
Who's there?
Pacquiao
Pacquiao, who?
But it’s over now. Come on and take Pacquiaooo

Knock knock
Who's there?
lasengga
lasengga, who?
All lasengga ladies. All lasengga ladies. Put your hands up

Knock knock
Who's there?
2ne1
2ne1, who?
7 + 7 + 7.. 2ne1.. 7 x 7 x 7, yan ang hindi ko alam

Knock knock
Who's there?
Pulis may wang-wang-wang
Pulis may wang-wang-wang, who?
Pulis may wang-wang-wang! Shorty fire burning on the dance floor. Ooh

Knock knock
Who's there?
china
China, who?
Chinaaa... ika’y muling makita ko. Damhin ang tibok ng puso mo.

Knock knock
Who's there?
What can be
What can be, who?
What can be bitiw bigla. What can be? bitiw bigla. Higpitan lang ang yong kapit, maglalayag patungong langit.

Knock knock
Who's there?
Coca cola
Coca cola, who?
Coca cola na lang sana ang iyong minahal, di ka na muling mag-iisa

Knock knock
Who's there?
little manuel
little manuel, who?
I’m not crazy, I’m just a little manuel. I know, right know you can’t tell

Knock knock
Who's there?
cheesy-palaman-sa-tastyl
cheesy-palaman-sa-tasty, who?
No he can’t read my poker face (cheesy-palaman-sa-tasty). popopoker face popopoker face.

Knock knock
Who's there?
Ogre si Shrek, Mommy
Ogre si Shrek, Mommy, who?
Ogre si Shrek, Mommy... Im forever yours... Faithfully...

Knock knock
Whos there?
Lahat tayo guwapo at magaganda
Lahat tayo gwapo at magaganda who?
you are the only exception, you are the only exception
                                         -----from comedy bar

Boy: Knock Knock
Girl :Whos there?
Boy: Puso mo
Girl: Puso mo, who?
Boy: There it goes, up in the sky
There it goes, beyond the clouds
For no reason why
I can't cry hard enough
No, I can't cry hard enough
For you to hear me now 

Girl: (nagtataka) eh nasaan yung "puso mo"?
Boy: yung puso ko, diba nasa iyo
(cheesy)


->



ENDO

ang lamig ng panahon, angsarap matulog. kaninang umaga nagising ako, 7:30 na! anak ng tinapa!
male-late na ako sa trabaho, gumising ako at bumangon...
anak ng pating! naendo na pala ako. kahapon pala tinawag ako ng HR at pinapirma,
kaya bumalik ako sa pagtulog, haaayyy anong sarap maging malaya!.
sarap matulog ng unlimited, kumain pagkagising, magbasa, mag computer, at makipagkwentuhan.
ok lang naman kasi hindi naman tuluyang tanggal, 15 days layoff lang. magreport daw ako pagkatapos nito.
ayos din kasi pahinga ung 15 days. nakakamiss lang ang mga katrabaho ko
badtrip din, kasi sa panahon ngayon kailangan kumita ng pera araw-araw.
ewan ko sa mga gawa-gawa nilang dahilan kuno. ayaw pa nilang diretsohin na kailangan na nilang magbawas ng tao. hindi na ako nakipagtalo hinayaan ko nalang sila, ang mahalaga malinis ang aking puso.
hindi sa pagmamalaki, walang oras minuto na hindi ako nagtrabaho ng tapat, puno ng sipag at takot sa Diyos.

Bandang alas 3, niyaya ako ng kuya kong magdonate ng dugo para sa lola niya sa side ng asawa niya, nawa gumaling si lola, sa ngalan ni Hesus,
kasama ang 5 pang taga sa amin kasama na ang bayaw ko. pumunta kami sa
Philippine Red Cross sa may quezon city hall,
2 lang ang nakapasa, ako lagapak kasi underweight (alam ko naman, nagbabakasakali lang)
di man lang nasuri ung type ng dugo ko sayang naman.

paguwi kumain muna kami sa food court sa may sm north edsa
umuwi ako sa bahay
at binuksan ang blog ko,
at nagpost,
at binasa mo naman!

sarap ng maging malaya, akala nman ng HR nayon babalik pa ako, tinapos ko lang ang kontrata ko,



Monday, January 3, 2011

Sumbong: Sino si Perry Como?

Maligayang pagbisita sa inyong lahat,
matagal na rin ng huli akong makatanggap ng sumbong,
ngayon, May sumbong akong natanggap, tingnan ang larawan,

ang sinusumbong ay hindi ung nasa larawan kundi ung nagcomment,
ang panagalan Perry Commo. tuwing magpopost ng comment ay palaging "a mysterious message coming from nowhere". nakatanggap din ba kayo nito?
Perry Como
eduscation and work
employers: a mysterious employer
college: a mysterious college
highschool: a mysterious highschool
philosophy
religion: a mysterious religion
political view: a mysterious political view

fav. quotes:A mysterious message coming from nowhere

people who inspire perry: mysterious people
favorite sports: mysterious sport
favorite team:mysterious team
favorite athletes: mysterious athlete

puro siya mysterious kaya wala akong magagawa kundi magmysterious report na lang

pero buti nalang may naisagot din siyang kakaiba
sa arts and entertainments

Music: a perry como christmas
activities: Neo steam
mysterious activites

pagkatapos nyan bumalik na siya sa pagiging mysterious niya

Interest: mysterious interest
basic information: a mysterious individual


Aksyon ni B3n 2lfowh:
bukod sa pagreport sa mga spams niyang comments.
huwag niyo na siyang iadd, malamang nagpopromote lang siya ng kung anek anek niya, mahusay na paraan at pati ako nacurious.

nag search ako sa google at napagalamang isa pala siyang sikat na singer (bababayaran kaya niya ako, exposure kaya to)

para mapakamot ko ang ulo niya.
nag message din ako kay perry como, akala niya siya lang ahh
eto ang sinend ko...

subject: mysterious subject
message: mysterious message


Saturday, January 1, 2011

Walang Natira by Gloc9 feat. Sheng Belmonte





Walang Natira
by Gloc9 feat. Sheng Belmonte
Album: Talumpati

(Chorus)
napakaraming nurse dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila ahhh

(first verse)
yung bayang sinilangan ang pangalan ay pinas
ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas
nauubusan ng batas parang inamag na bigas
lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas
tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas
sila lamang ang nakikinabang pero tayo ang utas
mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas
para pumunta ng ibang bansa at doon magtamas
ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
Ang pahingay iipunin para magamit paguwi
dahil doon sa atin mahirap makuha buri
mapahiran ng tsokolate ang matamis na ngiting anak na halos di nakilala ang ama
o ina na wala sa tuwing kaarawan nila
dadarating kaya ang araw na ito’y magiiba
kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na

(chorus)
napakaraming inhinyero dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
napakaraming karpintero dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila ahhh

(second verse)
mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran
kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan
sasanlaan lahat ng kanilang pag-aari
mababawi din naman yan ang sabi pagnayari
ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano
o barko kahit saan man papunta.
basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
ang isa ay katumbas ng isang dakot ng mamiso
ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino
kung lilisanin ang pamilya ang amo na kahit na sino
gugutumin sasaktan malalagay sa piligro
uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo
darating kaya ang araw na itoy magiiba
kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na

(chorus)
napakaraming kasambahay dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
napakaraming labandera dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila ahhh

(third verse)
Subukan mong isipin kung gaano kabigat
ang buhat ng maleta halos hindi mo na maangat
ihahabilin ang anak para ‘to sa kanila
lalayo upang magalaga ng anak ng iba
matapos lamang sa kolehiyo matutubos din ang relo
bilhin mo na kung anong gustong laruan ni angelo
matagal pa kontrato ko titiisin ko muna ‘to
basta ang mahalaga ito’y para sa pamilya ko

(chorus)
napakaraming guro dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
napakaraming nurse dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)

napakaraming tama dito sa atin
ngunit bakit tila walang natira aahh
hindi na ito kasali
itigil ma ang pagkanta aahh
after ng Upuan isa na namang eye-opening na awitin mula kay gloc9 --- ang Walang Natira. kung ang upuan ay awiting tumutukoy sa mga pinunong pabaya, nagbubulag-bulagan, nagbibing-bingian, o pabaya sa kanyang nasasakop. ang awitin naman na ito "walang matira" ay tumutukoy sa napakalaking isyu ng bansa ----ang brain drain
Brain Drain-Ang brain drain ay ang pag-alis ng mga propesyonal sa ating bansa upang mangibang-bayan at doon magtrabaho dahil na rin sa mas malaki ang kita doon kaysa dito.
kaya ang resulta nauubusan tayo ng mga yamang tao na siyang pinakakailangan ng bansa para umunlad. nauubusan tayo ng lakas paggawa.
kahit na masakit para sa mga ofws na lisanin ang bayang sinilangan, tinitiis nila ito para sa pagbabakasakaling umunlad sa ibang bansa, sa ngalan ng perang padala.

Ang nasa picture ay si Gloc9 karga ang batang literal na blind. ang nasa kaliwa naman ay ang tito ko na IT professional at balak na ring magabroad dahil sa liit ng kita dito sa bansa.

marami sa atin, kaya pumasok sa kolehiyo at makapagaral ay para makapagtrabaho sa ibang bansa, magtratrabaho lang sa pinas para sa experience. (malungkot na katotohanan)
naalala ko tuloy ang kwento tungkol sa magkaibang payo ng mga intsik at pinoy.
"anak ikaw aral tapos negosyo tayo" ang payo ng intsik habang
"anak, magaral ka para makakuha ka ng magandang trabaho" ang payo naman ng pinoy sa kanyang anak.
saan nga ba makakakuha ng magandang trabaho, sa pilipinas? wala raw pagasa dito.

tampok din sa awiting walang natira ang tungkol sa malungkot na katotohanang inutil ang DFA sa mga kaso ng pangaabuso sa mga pilipinong nagtratrabaho sa ibang bansa. no choice sila, maubuso, pahirapan, maipit sa gera sa bansang kinaroroonan nila o magutom!
maghikaos ang buo nilang pamilya. malungkot din ang katotohanang maraming umuuwing walang dalang balikbayan box, ang tanging dala lamang ay masamang karanasang dinanas ---ang iba pa nga ay inuwing nasa loob ng "kahong binili ng di-niya alam at ginamit ng di niya nalalaman".
ano yon?
ang sagot, kabaong

ganoon pa man din, para sa pangarap na umangat sa buhay, makikipagsapalaran,
bahala na, dahil sa panahon ngayon mahirap panindigan ang pangakong ganito sa bayan

"Ang lahat ng pawis ko ay papatak lamang sa bayan ko"

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...