Humor - Top Blogs Philippines

Sunday, February 17, 2013

TULI

by Benjie Cantuba and Robin Estores

Ang sarap  sigurong  maging tuli,
maka-iwas sa panlalait at pambubuli.
sana'y tuli na ng sanggol pa lamang,
para nang mula noo'y wala ng ikailang.

Gusto kong magpatuli,
ang panalanging masidhi.
ayokong mamatay na supot,
kaya't pipiliting matagpos

Pag hindi... anak ko raw ay magiging mutain,
at never raw akong magkaka-girlfriend.
kung di raw ako bading?,
ang tuling pukpok ay subukin.

Pag natuli... ako raw ay tatangkad,
mawawala 'yung sticky and stinky  sa balat.
di na raw ako mabubulol,
at  magkakaroon na ng bul. 
("bul" as in bulak)

This papalapit na bakasyon
daraan na ako sa 'sang orasyon
ritual ng mga tunay na lalake,
sa kamay ng doktorang mayumi.

Next na me, ay naku kinakabhan ako!,
moral support naman diyan mga pare ko.
pahigop naman niyang halo-halo,
"oh my gosh! Dugo!"

Sa wakas ako'y natuli rin,
buong sanlibutan, proud sa akin.
indemand  ang dahon ng bayabas,
sa bakuran nila crush pa namin pinitas.

Bawal niya itong masilayan,
nang pangangamatis ay maiwasan.
so girl, don't be short-patient,
'til im no longer a patient.

Gamot, kalinisan at kailanga'y pahinga,
gayak pa ng maluwang na palda.
maglakad man ay paika-ika,
problema ko ay natapos na.

oOo

Wala ka bang natutunan? akala mo meron, pero meron din naman talaga.
ang nais ikuwento ng nonsense na tula na ito ay
ang mga tungkol sa kultura nating mga pinoy tungkol sa pagtutuli.

hindi ba't naalala mo pa nung tinutukso ka sa pagsupot mo?
sa Pinas ay iba ang pananaw natin dito, kaiba sa ibang bansa na di naman issue ito.
trivia: si Leonardo Di Carpio supot!  ahihi
(Jack ng peliklang Titanic)
eeww

yuck

Gross!

Sadnu?

supot supot supot! LEONARDO SUPOT!

hanggang dito na lanag po. salamat sa pagbabasa, mag-iwan na lamang po ng reactions, comments, suggestion, question, o anumang mensahe sa comment box ko.

Ang mga Extra-ordinary Projects Ni Ma'am

Ang Sampung Extra-ordinary Project Ni Ma'am

1. Scientific Calculator
eto ang project mo kung may back subject ka. may kamahalan nga lang

2.Mangga at Fish Paste(bagoong)
para pirmahan ni ma'am yung clearance mo, ibili mo siya nito sa labas ng school. oops pwede mong gamitin yung bintana. di na kailangan lumabas ng school, pasabi lamang sa tindera sa labas at gamit ang panungkit iaabot nila ang inorder mong mangga. Bayad muna system is in effect.

3.Halo-Halo
Kwits na kayo ni sir sa mga pagkukulang mo. sagot ka pa niya sa guidance 

4.Tarpaulin
okay class, sa mga may bagsak, pwede kayong mag project ng tarpaulin para makabawi.
sa mga may-ari ng mga tarps. sa mga nagkabit ng tarpauline, pagkagat ng gabi wag na kayong magtaka kung nawala ang ikinabit ninyong nasabing tarpaulin

5. Diyaro
di ko alam kung bakit sa math subject namin ipana-special project ito.
dagdag points daw yan.

6.Tin Can

tulad ng diyaryo bonus grade din ito. matututunan mong marealize ang halaga ng bawat bagay. matutunan mo ring mamili sa junk shop.

7. Wood Crafts
naalala ko noon sinubukan kong bumili direkta mismo sa pagawaan nito para makatipid, yun nga lang may minimum na dami at hindi pwedeng tingi-tingi.
wala ring silbi kasi kailangan kay ma'am ka bumili ng bubuuhing woodcraft. kailangan may pirma niya at nakalista na bumili ka sa kanya para may grades ka. kabaligtaran naman pag hindi.




sa totoo lamang nagdalawang-isip akong i-post ang topic na ito.
'wag ho sanang seryoshohin ang aking katha. ito po ay produkto lang ng aking magulong imahinasyon, bunga lang din ng walang magawa. kesa naman gumawa ng wala. naisipan kong sariwain nung school days.ganito ang buhay sa public schools.
hindi naman po lahat ng guro ay ganito ang pinagagawa. marami parin sa mga pangalawang magulang na kahit karampot lamang ang sweldo ay taos-pusong naglilingkod sa mga itinurin nilang anak.
hindi matatawaran ang sakripisyo nila.
maituturin silang bagong bayani.
malaki ang utang natin sa mga guro.
 kung tutuusin pwede silang mag-abroad, roon ay may napakalaking oportunidad.
ngunit hayan sila't maitututring na martir.

(hayan! sana bati na kami ng sinumang gurong na-hurt)


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...