Humor - Top Blogs Philippines

Sunday, April 7, 2013

Operation San Andreas


Sa Lungsod ng San Andreas. Napapabalita ang tungkol sa notorious na gangster. Umabot sa kaalaman namin na madalas siyang sangkot sa mga frat war. Walang kinikilalang batas ang barumbadong black-american . siya ang suspect sa mga bugbugan, hit and run, panghohold-up, carjacking,  pagdadala ng mga delikadong armas at marami pang ibang kabalustugan na kung isusulat kong lahat ay makakagawa na ako ng libro.





Ang nanakapagtaka lang ay bakit tila takot sa kanya ang kapulisan. hindi siya hinuhuli sa kabila ng mga krimeng nabanggit. Kaya nga ang aming team ay nagtungo roon para masaksihan mismo at itigil na ang anumang mali na mahagip ng aming mga mata.
Sa Main Street ng siyudad. naglakadlakad ako roon at nagpanggap na karaniwang sibilyan. Kailangan kong itago ang gwapo kong mukha para di agaw atensyon. Maya-maya isang sakay ng isang ATV (Monster mash) ang humaharurot sa kalsada at biglang nabangga. Isang lalakeng semi-kalbo at naka-sundo ang tumilapon. Himalang hindi nasaktan ang lalake at parang walang nangyari at agad bumangon. ang taong yaon ay si CJ--- at siya na ang hinahanap namin.
Di ko alam kung paano siya nagkaroon ng Bazooka at pinasabog ang isang schoolbus. Nakaligtas naman  ang nag-iisang sakay nito. Pero di ko siya natantiya at kahit wala sa plano ay sinugod ko na.
“kapoom!” tinamaan ko siya ng lumilipad na suntok. Pero animo’y wala siyang naramdaman kahit yamot. Tumawa pa nga siya at tinutukan ako ng baril. Buti na lang at natutunan ko ang mga techniques ng mga snatcher sa Quiapo. Madaling naagaw ko ang baril. Siya ngayon ang tinawanan ko.
Ngunit siya ay naiinis at lumaki ang katawan, sinuntok niya ako.
“bangggg!” tinamaan ako sa balikat.
“aray, inaano ka ba?” ang iyak ko.
Nang akmang lalapitan ako, yumuko ako at palusob na nagpakawala ng uppercut sa maselang parte niya. Ang tawag ko roon ay “omelet punch” o “scrambling the eggs up”.
Hindi pa rin siya natinag at tumawa lamang ulit. Ano ba tong nilalang na ito at parang bato sa tibay.
Nang tumawa siya, sabi ko sa sarili ko “Sige tawa lang”.
Hinawakan niya ang ulo ko at iaangat dahil nakayuko nga ako. Pero natigilan ang loko ng nalaman niyang hindi ko basta sinuntok ang mga itlog niya.
Hawak ko ito at pinihit na parang gripo.
Pumatak ang luha sa mga mata niya at nanliit ang malaki niyang boses.
Tila maamong tupa na nagmamakaawa sa akin.
Sa habag ko ay binitawan ko na at binalaan siya.
“if you ever… do that again, I’ll do this again. Because I, you, he or she, it we they. In short don’t try me cos its not  nice try. Understand?.”

“Opo” ang magalang niyang tugon ( marunong palang magtagalog?.)

Kinutusan ko yung ungas. “checkkk”
“walang hiya ka, pinahirapan mo pa akong mag-ingles.”

Umalis na kami roon at iniwan siyang animo’y napilayang elepante o tumaob na giraffee

Makalipas ang ilang buwan. Inalam namin ang update sa pagbabago ni CJ. So far ay nagbago nga siya.
Lagi siyang uma-attend ng bible study. Nagtatanim ng mga puno. At tuwing lingo ay nagsisimba. Pag walang magawa ay nagwawalis sa kapilya.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...