Humor - Top Blogs Philippines

Friday, February 7, 2014

Sumbong: Nasaan si Pina?


Umabot sa  kaalaman namin ang kalunos-lunos na pangyayari. Isang ale ang nasisiraan nang bait. ani ng mga residente roon. si Aling Maria ay madalas magwawala, tumatakbong nakahubo, nagtitinikling sabay i-split, nagpo-pole dancing sa cactus at iba pang nakakahindik na stunts ang ginagawa niya.
Sabi ng impormante ay nagsimula ito nang mawala ang mahal niyang unica hija.

AKSIYON...............


Kami ng isumbongmo team ay agad pumaroon sa  nasabing ale. sa mismong tahanan... doo'y napagpasyahan naming kaming dalawa lang ng kasama kong psychiatrist ang papasok sa bahay. and the rest ay maiiwan sa labas.

Cameran
(nayayamot kase di makakameryenda)
sige ganyan kayo!

Psychiatrist
(pindot sa door bell: "ding dong")


(bumukas ang pinto. iiiiieeeeeeeengk....)
bumungad ang isang ale, na sa tingin ko ay si aling Maria na. meron kasi siyang name tag (atsitse)
ang katinuan ni aling maria ay malayo sa mga tsismis sa bayan. okay naman siya at walang problema I guess.

B3n 2Lfowh
ako po si b3n 2Lfowh mula sa isumbongmo.blogspot.com

Aling Maria
Oo, kilala kita. sa harapan lang yang bahay mo diba.

B3n 2lfowh
(tumatawa: "hahahaha")
bueno aling Maria, Nagsadya kami rito dahil may nais lang kaming ayusin. kasama ko rin po ang friend kong si Sam (Psychiatrist) siya ang ating gabay sa buhay for the day.

Sam
(nahulog ni sam ang dala niyang puso ng saging, na pasalubong namin)
ayyy!!! puso ko nahulog
(malagkit na nakatingin kay aling maria. pinulot niya ito at ibinigay sa manang. 
(sabay ngiti )

Aling Maria
Ahihi!

Tibay rin talaga ng sikmura ni Sam. MILF (Moro Islamic Liberation Front)  pa talaga ang gusto <---joke yan. mabilis naman akong nakai-isip ng segway..

B3n 2lfowh
Maari po bang pumasok?

pumasok na kami ng bahay. maganda ang istruktura ng bahay. pagbukas ng pinto ay bubungad ang inidoro.. dahil pagpasok mo ay nasa banyo ka na. may nakapaskil pa roon "magbuhos pagkatapos gamitin" at "DOWNLOAD HERE, 3 pesos only". naroon din ang pinto papunta sa salas. hahakbang ka nga lang sa inidoro. pinatuloy kami at pina-upo sa sala set nila.

B3n 2Lfowh
ganda naman ng layout ng bahay niyo.

Aling Maria
hahaha thanks. gusto niyo po ba ng tubig?

Sam
ay di na nakakahiya naman... softdrinks na lang.

Naupo kami sa komportableng upuan na yari sa kawayan. medyo sumasabit yung pantalon ko sa mga nakausling ulo ng pako. pero masarap pa rin ang pakiramdam sa presko at maaliwalas na bahay. matagal naming naubos ang RC Cola dahil paunti-unti lang ang sipsip namin at nilalasahan namin talaga.
pagkatapos, sinenyasan ko si Sam na gawin na ang pagtatanong.

Sam
(pinagkikiskis ang palad niya)
okay ma'am, maari po ba naming malaman ang edad niyo?
(seryosong nakatitig sa ale)

Aling Maria:
ah 51 na ako. bakit?

Sam
okay 51. sir ben 51 raw.

B3n 2lfowh
(nagte-takenote)

may ginagawang ritwal si sam. pagdating diyan ay "out-of-hands" na ko dahil siya ang experto. ang role ko na lang ay magmasid. parang pinupukpok ng kamao niya ang palad(kaliwang kamay) niya. nagbibilang siya hanggang 51 tapos may sinilip siya sa kamay niya.

Sam
(buntong hininga) 
madilim pero naaninag ko ang kulay pink. pink ang kulay ng p_nty mo
(sumenyas uli sa akin para i-write down ko ang sinabi niya)

Aling Maria
Tama! paano mo nalaman.
(namamangha at napaiyak)


-----sundan ang susunod na pangyayari, ngayon.


Aling Maria
(namumugto ang mga mata)
bakit niyo ako pinapaiyak ng ganito. sino ba talaga kayo?
(sumisinghap)

Sam
(bumubulong kay b3n)
sir b3n postive!

B3n
(kay aling maria)
didiretsuhin ko na. meron kayong problema. kami po ay narito upang tumulong. nabalitaan namin ang pagkawala ni Pina.

Aling Maria
(tumayo sa kinauupuan)
ah eh! hindi ho nawawala ang anak ko, nasa labas siya't naglalaro. 
Oho at nagkatampuhan kami ng nakalipas na taon. tandang-tanda ko pa, gabi noon. inaapoy ako ng lagnat at di ako makakilos. inutusan ko ang anak ko na ikuha ako ng sandok. sa una ay ayaw niyang sumunod at puro palusot na "hindi niya raw makita". pero sa huli ay hindi naman siya sumunod. nasabi ko sa sarili na "anak magkaroon ka sana ng maraming mata" pero joke lang yun.
kaya nga pag-gising ng umaga ay agad hinanap ko ang anak ko pero di ko siya mahanap. huntikan akong mabaliw salamat na lamang at may nakita akong bagong halaman na may bunga na maraming mata. magkahair-style sila ni Pina. kaya nasisiguro ko na naging yon ang anak ko. naalala ko ang nasabi ko " magkaroon ka sana ng maraming mata". Pinya ang pinangalan ko sa bagong specie. halaw sa pangalan ng anak ko na "Pina".
very creative diba? huhuhu

tumingin si aling maria sa amin na nakangiti na parang baliw. kami naman ay napatayo.

Sam
(bumulong kay b3n)
 sir b3n epekto ito ng sobrang pangungulila, sir b3n wala na siya sa hulog,

Aling Maria
(nagpatuloy si aling maria. sa pagsasalita.)
hala! kung gusto niyo ay isasama ko kayo sa anak ko. nariyan lamang siya sa bakuran. tena!

wala kaming nagawa kundi sumunod...

Aling Maria
follow me boys! (senyas)

bumaba kami ng hagdan. sa may bakuran naroon ang mga crew ko.
naroon yung sosyal kong friend na Fil-am na ngumunguya ng nga-nga. naroon si Pics na cameraman at si manong driver, at yung impormante na kasama namin ----masayang kinakain yung pinya.


Aling Maria
(nagalit sa nasaksihan)
MGA HAAAAYOP!!!

Crew 
(laking gulat)
WAAAAHH!!!

Aling Maria
(bumunot ng itak sa cleavage niya)
at tinagpas ang leeg ng cameraman ko.)
CULLING BLADE!!! (ulti ni aling maria)

Cameraman:
f*ck

bumunot yung iba ng cellphone at imbes na tulungan yung kasamahan nila ay nag-unahan pang mag-upload sa youtube.

Crew
eew! gross!

buti na lang at si piccolo  ang cameraman ko at mabilis na gumaling ang hiwa.
umentra ako sa eksena. kaso ako naman ang hinabol ng itak.

Aling Maria
(umuusok ang ilong)
ginang-bang niyo ang anak ko. tuso ka b3n akala ko mabait ko yun pala ay salisi gang leader ka.
(nangagalaiti sa galit, yari ka b3n)

B3n
(nagsasalita habang umiilag)
teka maghulos dili ka mananabas este aling maria, buksan mo ang isipan mo. baka naman hindi naging pinya si pina.baka buhay pa siya!

Aling Maria
Fool me once, shame on you. Fool me twice, shame on me! kitang-kita ng dalawa kong mata na linalantakan ng mga kasabwat mo ang anak ko. Ubos na ang mga luha ko, yung sa'yo naman. Ikaw ngayon ang lalagsakin ko.
(nakalaylay ang dila)
WACHAAAAAA!!!!

B3n
(suwerteng nakailag)Sandaliiiii..
maaring naglayas lang siya, emo siya, nagdota, tumaya sa Keno ng PCSO o baka tinanan siya ni voltes V.
bakit kasi di mo man lang ipinaalam sa otoridad.

nakorner na si b3n 2lfowh ni aling maria.
aktong tatagaain na siya nang biglang may sumigaw: "ma! nakita ko na"

sa loob ng bahay ay may dumungaw sa bintana ng kusina.
si Pina habang kinakaway ang sandok, masayang nakangiti

Pina
ma! yoo hoo... eto na ang sandok na pinapahanap mo.

natauhan at binitawan ni aling maria ang taga at patakbong pumasok sa bahay. niyakap ang anak ng pagkahigpit-higpit. basa ng luha ang damit ni pina dahil talagang namiss siya ng ina.

Aling Maria
anak isang taon kitang hinanap ba't kasi di ko naiisipang hanapin ka sa kusina. akala ko naging pinya ka.  na misinterpret ko lang yung nabasa kong post sa FB.
(“Don’t grieve. Anything you lose comes round in another form.”
pero ngayon ay natuto na ako. salamat talaga! ---rumi)
pero ngayon nandito ka na. huhuhu

Pina
(walang alam sa nangyari)
?????

nakakatouch ang mga sumunod na eksena (uuuuuhhhhh). kami ay umalis na. mission completed.


:::CASE CLOSED:::
:::The End:::


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...