Humor - Top Blogs Philippines

Sunday, February 8, 2015

Sampayan Time Portal

Sa rooftop, 12:00 pm
magsasampay ako. wala ng space sa sampayan. kaya gumawa ako. may napulot akong sash. 4 nadampot ko. lumang luma na. ginawa kong sampayan. noong sasabitan ko na.
sound effects: (tsiingg...)
biglang lumiwanag. (tsing 3x) sobrang nakakasilaw. napapikit ako,
pagdilat ng mga mata ko ay nasa ibang lugar na ako. nag backward ang oras ng mabilis. dinala ako sa lumang panahon.
naging parang kaluluwa  ako. hindi nakikita o naririnig. tumatagos lang ang mga taong dumaraan sa akin. di ko rin sila nahahawakan.
ito pa ang  nasaksihan ko sa pamamalagi roon.

matagal na panahon na ang nakakalipas sa isang lupain.
may 2 kaharian ang magkatunggali. ang timog at hilaga. natigil ang pagdanak ng dugo ng magkamabutihan ang prinsipe ng hilaga sa prinsipe ng timog.
silahis lang o paminta ang prinsipe ng timog at bading na bading na retokadang crossdresser naman ang sa hilaga. di sila nagpapigil sa pagi-ibigan.
sa pag-iisang dib-dib ay napag-isa rin ang 2 kaharian. naghari ang kapayapaan.

nagalak ang mga diwata sa nasaksihan. bilang gantimpala sa pagsusulong ng kapayapaan at pagpapakita ng true love. sila ay bibiyayaan ng 4 na anak.
noong nagdadalantao ang prinsipeng transgender ng hilaga na naging reyna na. sumuka ito ng 4 na itlog na magkakadugtong na parang longganisa. naduduwal siya. pero sabi ng hilot "push".

4 na cute na prinsipe. bawat prinsipe ay biniyayaan ng 4 na magical sash. bawat sash ay kayang kontrolin ang elementong siyang nirerepresenta nito, ito ang talaan. ayon sa pagkakasunod-sunod ng magkakapatid.

prinsipe Toda (Toda fire)....... ang sash ng apoy
prinsipe Airwind.....................ang sash ng hangin
prinsipe Nawasa......................ang sash ng tubig
prinsipe Hampas......................ang sash ng lupa

sa isang masalimuot na pangyayari. namatay ng di inaasahan ang hari at reyna, ayon sa tradisyon, si prinsipe Toda ang kinikilalang panganay at ang dapat humalili. tutol dito si Airwind.  "incompetent" at wala namang ginawa si Toda kundi maglaro ng apoy. siya raw ang deserving dahil sa kanyang magandang track record, ang paghahangin  ni Airwind. may ilang sumang-ayon kaya nagkaroon ng civil war.

iba naman ang style ni prinsipe Nawasa. matubig, fluid smooth, planado, o sa kasabihang ingles "like water". una nagkunwari siyang kakampi ni Toda. ng may pagkakataon ay ninakaw ang sash ni toda. nagbuga siya ng apoy at tinosta ang kapatid. pinalabas niyang si Airwind ang maysala.
sa pangunguna ni Nawasa, kasama ng pwersa ng kaharian ay nagapi ang hukbo ni airwind. gamit ang sash ng tubig at apoy. walang nagawa ang elemento ng hangin sa pinagsamang elemento ng tubig at apoy. pinatay siya sa pamamagitan ng kumukulong tubig.

si nawasa na ang naging hari. napasakamay niya rin ang sash ng hangin. hindi siya nakuntento at nais niyang kunin ang na kay prinsipe hampas. nagkubli si hampas. tumakbo hanggang may lupa.
nahirapan si Haring Nawasa. ginagamit ni hampas ang kapangyarihan ng lupa. inuutusan ang mga bato para bagsakan ang mga tumutugis sa kanya. bumubuka ang bunganga ng lupa at nilalamon ang mga hitman ni airwind.

dumating ang salot sa kaharian. imbes na gumawa ng solusyon. inubos niya ang pondo ng bayan sa pagdakip lang kay Hampas.  sinisi niya ang kanyang kapatid. ikinalat niyang si hampas ang may kagagawan ng lahat para di siya ang mapagbuntungan ng galit. naniwala naman ang taumbayan.

habang namomroblema ang hari. natapos ang suliranin niya ng umuwi sa palasyo ang kapatid. nagbigay galang. kusang iniabot ang sash. at humingi ng kapatawaran.
napamakapagkumbaba ni hampas. ginawa niya ito para sa kapakanan ng bayan at mapokus na sa pagbangon. alam niyang papatayin siya ng ganid na kapatid. ganun nga ang nangyari. at his last breath ay ever humble pa rin si hampas. 10:30 pinatay ang bunso.

sa freetime niya. madalas niyang ineensayo ang 4 na kapangyarihan.
minamaster niya ang lahat. kumakanta pa habang nagpapraktis.
"let it go, let it go" ginagaya ni Haring Nawasa si Elsa ng Frozen.
at one time. sinusubukan niyang gamitin ang kapangyarihan ng apoy at tubig. naging favorite niya.
tubig sabay apoy, tapos tubig uli. minsan sabay. sa kaliwang kamay naglalabas siya ng apoy at sa kanan naman ay gumagawa siya ng yelo o splash ng tubig and vice versa.
payo ng mga matatanda, makakasama ang madalas na pag-gamit nito. gunit di siya nakikinig.
galing sa sobrang init tapos pupunta agad sa sobrang lamig then so on and so far.
kung ang bakal nga rurupok, yung katawan pa kaya?

dumating ang araw ng paniningil, una di niya mapigilang manginig, then namamasa na ang kamay  niya.
bumagsak ang kalusugan niya. nakaratay sa kama, ni hindi mabuhat kahit kutsarita. alagain na lang.
pinahihirapan ng sakit. "pasma" ang ikinamatay niya.

Humalili ang anak niyang si Maynilad. ngunit gaya ng ama, palalo at masamang hari siya. wala na ring kapangyarihan ang apat na sashes. idinaing ni Maynilad ito sa langit.
"GAWIN MO NA LANG SAMPAYAN" tugon ng diwata. nakakatakot na tinig na parang kulog.

at nag fast forward ang oras.
bumagsak ang kaharian. nasakop ng mga kalabang kaharian ang ilang parte. limot na ng marami ang kasaysayan. ang lupang kinatitirikan ng kaharian ay malaking gubat na lang. "lupain ng kalakihan" ang tawag ng ilan dahil sa lawak nito. "lupain ng kalokohan" ang tawag ng mga alaskador. "lupain ng kalook-lookan o kaloob-loban" ang pinaka-popular. dahil siguro sa lokasyon nito. sa kalunan ay naging "kalookan" dumami ang mga tao at naging lungsod. Caloocan City na  ito ngayon. ito ang opisyal na pangalan ng lungsod kung saan ako isinilang.  bumilis pa  ang takbo ng oras. sumakit  ang ulo ko. sa sakit ay napapikit ako at pagdilat ng mga mata ko ay nasa rooftop na uli ako. bumalik sa kasalukuyang panahon. buhay ako at hindi kaluluwa. wala na rin ang weird na sampayan.

ikukuwento ko sana sa inyo ito kaso huwag na lang.

Moral Lesson:
mag ingat sa pasma.


No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...