Humor - Top Blogs Philippines

Thursday, February 26, 2015

What is Love

What is Love 
by: Balong Bieber (UTI Patient) 

What is love? ano ang pagmamahal?,
Aray ko beh! hindi ko alam.
Kaysa pa pag-usapan yan.
Pinu-foodtrip ko na lang

Gaya ng Pag-ihi, ganun rin ang Pag-ibig.
Ikay mapapangiwi, sadyang nakakakilig.
Nakakaginhawa, minsan nakakasakit.
Napakasarap, oooh! ikay mapapapikit.

Minsan mahapdi, minsan madugo.
Minsan madalas. minsan kahit sa kanto.
Minsan di sadya. minsan pinilit ko.
Minsan bawal. may lugar para dito.

Maiinit siya sa pakiramdam,
Maalat siya sabi ng halaman.
Ito'y di mo nararapat paglaruan,
Ngunit pwede mong lagyan ng style.



Minsan di mo matiis, minsan may bato-bato.
Minsan marami, minsan onti po,
Taong nakatayo o nakaupo, nararanasan ng kahit na sino.
Depende sa iyo ang magiging kulay nito.

Friday, February 20, 2015

Oplan Hablot. Nag leak!

Natanggap ko via email ang tungkol sa sabwatan para paghiwalayin ang magkasintahang Darwin at Chelsey.
diumano'y ang utak rito ay si Jerry. nais niyang agawin si Chelsey. narito ang laman ng nasabing conspiracy plan.

------------------------------------------------------------------------------------------
(FEB. 3, 2015)
Jerry: eto yung tungkol sa plano. paghihiwalayin natin sila. .......bwuhahaha........
ganito ang plano. ikaw Eddie makikipagclose ka kay Delta (refers to Darwin). KASI BADING YUNG HAYUP NA YUN. so bale kailangan mainlove/mabading siya sayo. gumastos ka kung maari.  ikaw naman Jerby. mahalaga ang papel mo. pag naka-ipon ka ng isang kilo dalhin mo sa junkshop yung papel. bukod pa doon pogi ka, kailangan nandiyan ka pag nag taksil na si Delta (refers to Darwin) o sumama na siya kay  Eddie. Eddie wow.  then papogi pa more para mainlove siya sayo. makikita niyang may nagmamahal pa sa kanya.
yung dating pagmamahal ni "Chelsea my dear" kay Delta ay mapapalitan ng galit. .....bwahahaha....

oo panakip butas ang role mo. pero magpapakasal kayo. so doon na ako papasok  matutuloy ang kasal niyo.
pero sa marriage contract. imbes na Jerby, o pangalan mo  ang nakalagay roon. papalitan natin ng Jerry.  bwuahahaha
JERBY and JERRY, nakakadaya diba?

bwuhahaha

bwuahahaha

bwuahahaha

di niya mapapansin yon kasi magka tunog. Jerby at Jerry
magugulat na lang siya. "WHAT!".
may katibayan na ako at pirmado niya. kasal na kami hehehe.

sasabihin niya "OMG Mali."

eto isasagot mo. kunwari malungkot ka.

"huhuhu, taksil ka Che. huhuhu. pero masaya narin ako at ang pinalit mo ay deserving! wheeeW!...
dahil nandiyan na yan, pirmado na. Conrats na lang Jerry and Chelsea. more power to both of you. ... the newly wedded couple! wheeew! wheew! hooray"

malinaw yan ha brod . pagmakulit pa rin. takbuhan mo.

hehehehe

so... akin na siya. cheers!

stick to the plan team. walang ibang makaka-alam dito dahil mag-isa ko lang pinost sa fb. walang nakikinood sa likod ko kaya. sure ball to beybeh.

isa pa. tatawagin natin itong Oplan Hablot. ito ay secret masterplan. kaya secret siya.
at mananatiling secret hanggang MISSION COMPLETE.

para sa plan B. if ever na di magtagumpay.

kunin mo akong midwife. ok? copy that!

Jerby and Eddie: roger that!
--------------------------END OF CONVERSATION--------------
salamat sa nagbigay ng intelligence report.


alarming diba?
So kung kayo ay kamag-anak ni Chelsey o Darwin, may panahon pa para ipabatid ang napakahalagang impormasyon na ito. andito lang ang inyong lingkod, b3n 2Lfowh. umaalalay!

Thursday, February 19, 2015

SUMBONG: Tindahang Ubod ng Bagal

Emergency! kulang ang mantika.

"anak bumili ka ng mantika at kakapusin tayo, pakibilis."

kaya tumakbo ka sa tindahan.

"opo mamah".

dahil nagmamadali, nakalimutan mong ang tindahan na pinuntahan ay kilala sa bayan dahil sa sobrang bagal magtinda. anyare?!#$  syempre maghihintay ka, useless yung pagkaripas mo ng takbo. kahit nangangatog ka na at di mapakali, wala kang magagawa kundi maghintay ng matagal.
galing rito ang larawan 
 pag-uwi, di rin naka-abot yung mantika. magagalit si nanay at pagtiya-tiyagaan niyong kainin ang prinitong lasang sunog. sad diba?
ULAM NA NAGING ABO PA :(
siguro naranasan mo na ito, bumili at maghintay ng siyam-siyam sa tindahang ang bagal.
kung hindi pa. ay naku napakasuwerte mo. higit kang pinagpala.
napuno ang inbox ko ng mga sumbong tungkol sa tindahang mabagal sa ibat-ibang dako ng pilipinas.
mayroon pang kuwento ng batang bumibili na inabutan ng curfew.
ang kaso na ito ay di dapat ibalewala lang ng gobyerno. maraming bata ang nakakatikim ng palo mula sa mga magulang. may iba pa nga na inun-friend at bina-blocked sa fb. (ANONG KLASENG NANAY YAN!)
akala ng parents nila ay naglaro lang ang mga kids kaya natagalan.
pero ang puno't dulo ay napabili sila sa tindahang ang bagal kumuha ng paninda at ang bagal ding manukli.
yung yelo natunaw na bago maiabot sa bata.


batu-bato sa langit ang tamaan 'wag magagalit.


nakakainip pong mag hintay ng napakatagal. di naman siya nakakamatay pero nakakadengue.
panu ba naman daming lamok. may tindahan sa amin lagi kong iniiwasan pero may time talagang napapabili ako. nagbabakasakali na yung nagtinda eh yung apo niya. opo ang tindero talaga roon ay si mang ___. siya ay senior citizen.
(kaya pala.)

pero may mas malupit pa diyan. sa dati naming tinitirhan sa Pasay.
pinakagrabe yon. magkakabalbas ka sa kahihintay. pag-uwi mo sa bahay mo advanced na ang technology. taon na pala ang nakalipas sa kahihintay. kung estudyante ka ay male-late ka. kung masakit ang ngipin mo ay magaling na bago ka pa makabili. may-edad na rin ang tindero at tindera kaya no choice. manigas ka o lumipat ka!

hindi ko kinukunsinte yung mga mamimili na bastos lalo na yung mga bata. hindi ka naman pinipilit na bumili sa mga tindahang mabagal much. kung may sasabihin ka at di maganda wag mo nang sabihin. gumamit ng magagalang na salita kung may nais sabihin.  iwasan ang pakikipag-away.

kaso dama ko ang pakiramdam niyo. gusto mong sumigaw diba?

kaya eto ang purpose ng blog na ito. kung may hinaing kayo sa mga tindahan na ang bagal magtinda ay dito isumbong. mag kuwento rito tungkol sa experience mo at imbes na makipag-alitan, gawin nating nakakatawang ala-ala. at malay mo mabasa nila at matauhan. balang araw.

halina't gamit ang FB ay pwedeng ikuwento sa fb comment box. meron ring blogger comment box para sa ibang options.


Tuesday, February 17, 2015

Bakit may Babaero

Bakit may babaero? ewan pero kung ako iibigin mo ikaw lang ang magiging babae sa buhay ko.
magiging babaero lang ako pag dumami ka.
-------nabasa ko lang sa isang blogsite, nalimutan ko na.

may kuwento akong magpapaliwanag kung bakit may babaero. tunghayan natin.

Si Eddie, palibhasa gwapo at may katangkaran, madali niyang napapa-ibig ang milyong-milyong babae sa lugar namin. talagang pilyo at kahit ang kay juan ay dinidigahan.
marami siyang pinapasok na kalokohan, ilang beses na rin siyang nasasangkot sa gulo.
"exciting" yan ang sinasabi niya
may nagsabi na sa kanya minsan.
"pare di ka ba natatakot sa karma?" tanong sa kanya.
"nauna na ang karma" ang seryosong sagot ni eddie..

...at ikinuwento ni Eddie ang kanyang unang pag-ibig.

may minahal siya rati. minahal niya ng tunay. ibinigay ang lahat.pero ganito ang isinukli.

nahuli niya itong may kasamang iba.
ilang beses niya na itong pinatawad, ngunit patuloy siyang niloloko.
hanggang sa pinapili niya ang babae.
sabi nga, "if you love somebody, set her free."

ganito ang tanong niya:

"SIYA BA O AKO?"

unfortunately, hindi siya ang pinili. ayun umiyak siya. hu hu hu. nadepress at nagtanim ng galit.

nangyayari nga ang lyrics ng kanta.
"kung kailan ka naging seryoso dun ka gagaguhin" -Pare ko by Eheads
at yung
"bakit kung sino pa ang marunong magmahal, ay siyang madalas maiwan ng di alam ang dahilan" -butchikik by Y. Villame

dahil sa kabiguan sa unang pag-ibig.
ang karanasan na ito ang lumikha ng bagong Eddie.

maraming isda sa dagat.
1:4 ang ratio ng lalake sa babae,
sa populasyon ng lalake ay ibawas mo ang bading. ilan lang ang tunay na lalaki, may torpe pa at mabagal, at sa ilan na yon ay mabibilang lang sa daliri ang mga pogi. at di ko alam kung ilan ang pogi dahil pake ko don.
sa madaling sabi. hindi dapat iniiyakan ang mga babae.

nagpakasasa siya.
maraming pinaiyak na babae si Eddie.
"nauna na ang karma kaya kwits lang"
nagulo ang buhay at sumira ng relasyon.
"nauna na ang karma kaya kwits lang"
Babaeng tinakbuhan at pinaglaruan
"nauna na ang karma kaya kwits lang"

aniya, yang mga babae na nabiktima ay mga willing victim.
alam na nilang sila ang lugi sa pakikipagrelasyon kay Eddie pero go parin sila.
alam nila ang reputasyon ni Eddie. pero landi to the max pa rin ang peg.
meron namang inosente sa reputasyon ni Eddie, yun ang mali nila kasi pasok ng pasok kaagad.
alam nilang bawal pero gorabels! masarap daw ang bawal..
may iba namang nakikipag-gaguhan o fling lang.

dala ni Eddie ang pagiging tsikboy hanggang pagtanda. mayaman rin siya kaya eye candy sa mga chiks.
para maipagpatuloy ang career. gumagamit siya ng viagra. drugs etc.
sa kasamaang palad. overdose sa viagra ang kinamatay niya.
ang problema, nahihirapan ngayong isara ang kabaong niya.
kasi hanggang ngayon effective pa rin ang viagra. tindig na tindig.

yan ang kanyang kuwento. maaring may kakilala kang ganyan. ako marami. para silang woman hater. galit sila sa babae at pinaglalaruan lang nila ito. natatakot daw silang sila ang paglaruan. be practical lang daw.

yun ang isang kuwento kung bakit may nagiging babaero.
Eddie Wow

Wednesday, February 11, 2015

Tropang Potsu

Ito ay true to life story na anekdota. maghanda ng panyo dahil nakakaiyak siya.
ang alamat ng tropang potsu.

POTSU,  bakit kaya?

bago ang tropang potchi o potsi. may nauna na. MABUHAY ANG TROPANG POTSU. grrrrr
may kilala ako noong highschool. 5 magbabarkada na pinagtagpo-tagpo ng panahon. tadhana nga yata. biro ng buhay.
o kaya  birds with the same bird(feather) flocks together.
pero kahit closed na magtropa merong isang bagay na di nila maamin sa isa't-isa.  isa lang sa kanila ang tuli, ang natitirang apat ay hindi.

sa una naghuhulihan sila kung sino ang potsu. well yung dalawa doon si ian at poy, alam nila ang lihim ng isa't isa. magkasabwat na parehas ding potsu.
yung isa si je nalaman lang nilang  potsu nang ibinuko ng kuya nito.
yung isa si ed nagtatago pa pero mahahalata mo sa kuwento niyang inconsistent at nakakalito.
yung isa si ken, tuli na talaga pero di nila mahamon ng pakitaan kasi yung apat ay supot kaya natatakot.
no-win situation ito. siya si ken ang lehitmong tuli. pero may onting doubt parin. silang 5 matatalik na magkakaibigan na di pa sure kung sino ang supot sa mga katropa nila. ito ang malaking misteryo. pero walang sikretong di mabubunyag. di mo matatago ang lansa nito. totoo nga! eew! yuck! gross! kadirdir!

isang araw ang nagbago ng takbo ng pangyayari.
may dumating na medical mission sa Sta. Quiteria Parish Church. meron silang free circumcision.
nagkita kita sila sa simbahan. jejejeje

aminado si je at poy na magpapatuli.
si ed sinasamahan daw yung kapatid niya. (lame!)
wala naman roon si ian dahil nagpapagaling.  nauna nang magpatuli sa albularyo(pukpok).
sumama si ken pero hindi para magpatuli kundi magbigay ng moral support sa kaibigan niyang je at poy.
tuli na nga kasi si ken.

at yun natuli na si je, poy, ed at ian.
haaayy parang langit. di naman pala masakit. mas masakiit yung asarin kang plastic na kaibigan. plastic as in supot.

kaso si ken. si ken na walang malay nadamay. alam niyo naman ang tsismis.
may nakakita sa 4 roon, aguy!
nabalita sa marami noon na sabay silang 5 nagpatuli. si ken rin daw supot. badtrip si ken dahil yung crush niya at may crush sa kanya ay narinig ang tsismis. nalaman din ng mga klasmeyts nila.

hahaha ayun! sila ang tropang potsu na bakasyon na ng second year na nagpatuli. what a shame.
true to life story ito. walang labis, walang sobra.

may kulang kasi baka mapapahaba pa.

magi-iwan na lang ako ng information ng isa sa mga yun. ako ang isa sa limang magkakaibigan. isa ako sa tropang potsu. char.
sino kaya ako dun? pwedeng mag comment o  ibulong niyo na lang.

Mga Tungkol sa Pagtutuli


narito ako ngayon para maghatid ng mga kaalaman ,  paniniwala o pamahiin natin parungkol sa pagtutuli.

Bago magpatuloy, isa munang katanungan: TAGPOS KA NA BA?
kailangan tagpos ka na, o labas na ang ulo ng kuwan mo para matuli ka.
mas madali kasing tuliin pag tagpos na ang bata o matanda o tatay mo.
pero pwede namang hindi. carry naman yan ng chainsaw.
pero pwede ring di na magpatuli. your choice teh,
andito lang naman ako para ihayag ang ilang pamahiin, trivia, benepisyo di umano, at ang mga pang-iinsultong mangyayari at mangyayari talaga sa iyo if ever na sumagot ka ng "Ayoko"

heto ang ilan sa mga pamahiin at trivia...

1. nakakatangkad raw ang pagtutuli.(average height ng mga pinoy 5''5' lang. naka heels na yan.)

2. mangangamatis raw pag nakita ito ng babae ( hindi naman maiiwasan ang pangangamatis, masama mangalabasa. ahihi)

3. magiging mutain raw ang magiging anak ng lalakeng di pa tuli .(ewan pero google niyo yung anak ni Leonardo di Carpio?)

4. bading ka raw pag di ka tuli. (judge mental?)

5. bayabas as panlinis o panlanggas. (antibiotic ang katas ng dahon ng bayabas, mas makatas ang sariwang dahon nito. pumitas din ng bunga at bigyan ako)

6. Religious Ritual ( sa Israel tinatawag na hentil ang mga hindi tuli.--- dito sa amin supot)

7. Personal Hygiene (well well well, totoo naman at bukod doon eh ayon sa balita eh maliit ang tsansa ng mga tuli na magkaroo ng STD o sexual transmitted  disease. tsaka para mawala yung stinky and sticky something sa kuwan mo. sa madaling sabi para matatanggal yung kup-)

8. Kupang este Upang matuli. kailangan tagpos ka (muli, pwede naman kahit hindi. pero para di na mahirapan ang mga doktor na tutuli sa daang kabataan, nararapat ito,)

9. tuling pukpok (kadalasang ginagawa ng mga albularyo gamit ang labaha sa pagtutuli at dahon ng bayabas na ipangunguya sa iyo na gagawin namang pantapal sa sugat pagkatapos. pagtapos magtuli ng albularyo. dali siyang aalis tanan ang labaha para asikasuhin ang barberya niya. may magpapa-ahit daw ng bigote. multitasking)

10. halo-halo (kahit anong malamig para bumagal ang pagdurugo ng sugat at marelaks ka ng di ka himatayin pag nakakita ng dugo)


hanggang dito na lamang at salamat sa pagbasa, mabuhay ka!

Monday, February 9, 2015

Talaan ng February, Dapat Baguhin

Masyadong maluma, lipas na ng panahon,
dapat ang Pebrero, Baguhin na ngayon.



Eto ang nirerekomenda ko. yung february 14 na yan. hotel lang kumikita diyan. araw ng mga puso your face.

kalokohan yan. pag tinanggal ang 14 sa february baka makatulong to sa overpopulation problem ng bansa.

di na rin mapupuno ang mga paanakanan sa november.

tutal uli, wala namang feb. 30. siguro bigyan natin siya ng chance. kahit isang beses lang. baka mas makabuluhang araw siya kaysa sa valentines day na yan.

ito po karagdagang suporta sa argumento ko.
galing rito ang larawan   http://angsaya.com/valentine-jokes-quotes/
kitam!

yun lamang po. salamat.


Sunday, February 8, 2015

Sampayan Time Portal

Sa rooftop, 12:00 pm
magsasampay ako. wala ng space sa sampayan. kaya gumawa ako. may napulot akong sash. 4 nadampot ko. lumang luma na. ginawa kong sampayan. noong sasabitan ko na.
sound effects: (tsiingg...)
biglang lumiwanag. (tsing 3x) sobrang nakakasilaw. napapikit ako,
pagdilat ng mga mata ko ay nasa ibang lugar na ako. nag backward ang oras ng mabilis. dinala ako sa lumang panahon.
naging parang kaluluwa  ako. hindi nakikita o naririnig. tumatagos lang ang mga taong dumaraan sa akin. di ko rin sila nahahawakan.
ito pa ang  nasaksihan ko sa pamamalagi roon.

matagal na panahon na ang nakakalipas sa isang lupain.
may 2 kaharian ang magkatunggali. ang timog at hilaga. natigil ang pagdanak ng dugo ng magkamabutihan ang prinsipe ng hilaga sa prinsipe ng timog.
silahis lang o paminta ang prinsipe ng timog at bading na bading na retokadang crossdresser naman ang sa hilaga. di sila nagpapigil sa pagi-ibigan.
sa pag-iisang dib-dib ay napag-isa rin ang 2 kaharian. naghari ang kapayapaan.

nagalak ang mga diwata sa nasaksihan. bilang gantimpala sa pagsusulong ng kapayapaan at pagpapakita ng true love. sila ay bibiyayaan ng 4 na anak.
noong nagdadalantao ang prinsipeng transgender ng hilaga na naging reyna na. sumuka ito ng 4 na itlog na magkakadugtong na parang longganisa. naduduwal siya. pero sabi ng hilot "push".

4 na cute na prinsipe. bawat prinsipe ay biniyayaan ng 4 na magical sash. bawat sash ay kayang kontrolin ang elementong siyang nirerepresenta nito, ito ang talaan. ayon sa pagkakasunod-sunod ng magkakapatid.

prinsipe Toda (Toda fire)....... ang sash ng apoy
prinsipe Airwind.....................ang sash ng hangin
prinsipe Nawasa......................ang sash ng tubig
prinsipe Hampas......................ang sash ng lupa

sa isang masalimuot na pangyayari. namatay ng di inaasahan ang hari at reyna, ayon sa tradisyon, si prinsipe Toda ang kinikilalang panganay at ang dapat humalili. tutol dito si Airwind.  "incompetent" at wala namang ginawa si Toda kundi maglaro ng apoy. siya raw ang deserving dahil sa kanyang magandang track record, ang paghahangin  ni Airwind. may ilang sumang-ayon kaya nagkaroon ng civil war.

iba naman ang style ni prinsipe Nawasa. matubig, fluid smooth, planado, o sa kasabihang ingles "like water". una nagkunwari siyang kakampi ni Toda. ng may pagkakataon ay ninakaw ang sash ni toda. nagbuga siya ng apoy at tinosta ang kapatid. pinalabas niyang si Airwind ang maysala.
sa pangunguna ni Nawasa, kasama ng pwersa ng kaharian ay nagapi ang hukbo ni airwind. gamit ang sash ng tubig at apoy. walang nagawa ang elemento ng hangin sa pinagsamang elemento ng tubig at apoy. pinatay siya sa pamamagitan ng kumukulong tubig.

si nawasa na ang naging hari. napasakamay niya rin ang sash ng hangin. hindi siya nakuntento at nais niyang kunin ang na kay prinsipe hampas. nagkubli si hampas. tumakbo hanggang may lupa.
nahirapan si Haring Nawasa. ginagamit ni hampas ang kapangyarihan ng lupa. inuutusan ang mga bato para bagsakan ang mga tumutugis sa kanya. bumubuka ang bunganga ng lupa at nilalamon ang mga hitman ni airwind.

dumating ang salot sa kaharian. imbes na gumawa ng solusyon. inubos niya ang pondo ng bayan sa pagdakip lang kay Hampas.  sinisi niya ang kanyang kapatid. ikinalat niyang si hampas ang may kagagawan ng lahat para di siya ang mapagbuntungan ng galit. naniwala naman ang taumbayan.

habang namomroblema ang hari. natapos ang suliranin niya ng umuwi sa palasyo ang kapatid. nagbigay galang. kusang iniabot ang sash. at humingi ng kapatawaran.
napamakapagkumbaba ni hampas. ginawa niya ito para sa kapakanan ng bayan at mapokus na sa pagbangon. alam niyang papatayin siya ng ganid na kapatid. ganun nga ang nangyari. at his last breath ay ever humble pa rin si hampas. 10:30 pinatay ang bunso.

sa freetime niya. madalas niyang ineensayo ang 4 na kapangyarihan.
minamaster niya ang lahat. kumakanta pa habang nagpapraktis.
"let it go, let it go" ginagaya ni Haring Nawasa si Elsa ng Frozen.
at one time. sinusubukan niyang gamitin ang kapangyarihan ng apoy at tubig. naging favorite niya.
tubig sabay apoy, tapos tubig uli. minsan sabay. sa kaliwang kamay naglalabas siya ng apoy at sa kanan naman ay gumagawa siya ng yelo o splash ng tubig and vice versa.
payo ng mga matatanda, makakasama ang madalas na pag-gamit nito. gunit di siya nakikinig.
galing sa sobrang init tapos pupunta agad sa sobrang lamig then so on and so far.
kung ang bakal nga rurupok, yung katawan pa kaya?

dumating ang araw ng paniningil, una di niya mapigilang manginig, then namamasa na ang kamay  niya.
bumagsak ang kalusugan niya. nakaratay sa kama, ni hindi mabuhat kahit kutsarita. alagain na lang.
pinahihirapan ng sakit. "pasma" ang ikinamatay niya.

Humalili ang anak niyang si Maynilad. ngunit gaya ng ama, palalo at masamang hari siya. wala na ring kapangyarihan ang apat na sashes. idinaing ni Maynilad ito sa langit.
"GAWIN MO NA LANG SAMPAYAN" tugon ng diwata. nakakatakot na tinig na parang kulog.

at nag fast forward ang oras.
bumagsak ang kaharian. nasakop ng mga kalabang kaharian ang ilang parte. limot na ng marami ang kasaysayan. ang lupang kinatitirikan ng kaharian ay malaking gubat na lang. "lupain ng kalakihan" ang tawag ng ilan dahil sa lawak nito. "lupain ng kalokohan" ang tawag ng mga alaskador. "lupain ng kalook-lookan o kaloob-loban" ang pinaka-popular. dahil siguro sa lokasyon nito. sa kalunan ay naging "kalookan" dumami ang mga tao at naging lungsod. Caloocan City na  ito ngayon. ito ang opisyal na pangalan ng lungsod kung saan ako isinilang.  bumilis pa  ang takbo ng oras. sumakit  ang ulo ko. sa sakit ay napapikit ako at pagdilat ng mga mata ko ay nasa rooftop na uli ako. bumalik sa kasalukuyang panahon. buhay ako at hindi kaluluwa. wala na rin ang weird na sampayan.

ikukuwento ko sana sa inyo ito kaso huwag na lang.

Moral Lesson:
mag ingat sa pasma.


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...