Saturday, August 13, 2011

Mga Bagay na Madalas na Mawala

Maraming mga bagay ang madalas mawala.
hmmmm! isipin ko nga.
kahapon nawala ung bolpen ko, ito na rin ang nagtulak sakin para magpost uli.
matagal na rin kasing di ako nakakapagsulat at salamat may naiisip na ako.
langyang utak masyadong slow.


Ang Pinakamadalas na Mawalang mga Bagay 


Ballpen
Mga Bagay na Madalas na Mawala

maulit ko lang, kahapon nawalan ako ng bolpen!
langya kasi daming magnenenok ng ballpen. kung hindi takip ang kunin sa'yo buong ballpen, kaya din nawawala kasi uso ang arboran o hiraman ng walang solihan. sa tanang buhay ko iilang beses pa lang ako makaubos ng tinta ng bolpen ko.
tip: lagyan ng pangalan sa loob


Medyas
Mga Bagay na Madalas na Mawala

ewan basta madalas akong nawawalan nito, sinabit ko lang sa bintilador may namitas na
Tip: lagyan ng pangalan o kaya initials mo

Panyo
Mga Bagay na Madalas na Mawala
Photo by Steve Johnson from Pexels

kung mairereport lang sa pulisya ito. naku! puno ang Blotter record nila. ewan pero madalas itong mahulog ng di na mamalayan.
Tip: wala pa akong tip!


Remote Control
Mga Bagay na Madalas na Mawala
Photo by Steve Johnson from Pexels
Dahil siguro madalas gamitin, dahil maraming gumagamit at dahil maliit, madalas itong ma-misplace. may mga pagkakataon na kakagamit ko pa lang ng remote control nakakalimutan ko agad, 
Tip: ugaliing ilagay lang lagi sa isang lalagyanan at wag kung saan saan


Tsinelas
Mga Bagay na Madalas na Mawala

Sa bahay namin lagi akong nawawalan ng tsinelas, siguro kasi dahil maraming tao sa bahay, at ka size ng paa ko ang mga paa ng mga kuya ko,  maaring dahilan din ng pagkawala ng mga nasabing tsinelas ay sa sinadya o may talagang nangdedekwat, pero wag munang mamintang at baka nasipa lang ng iba.
Tip: laging iligpit


Suklay
Mga Bagay na Madalas na Mawala

Madalas mawala, ewan ko dapat talaga walang hiraman kasi masama.
madalas ma-misplace kasi ung gumagamit laging wala sa sarili.
Tip: lagyan ng tali at itali sa harapan ng salamin. siguraduhing walang gunting doon kasi alam mo na!

Payong
Mga Bagay na Madalas na Mawala
Photo by Adrianna Calvo from Pexels
Hindi lang madalas mawala, madali ding masira, maliit man o malaki madalas ding nakakaligtaan.
kadalasang dahilan; hiraman o iiwan lang sa sandali
wala akong tip basta, maging masinop na lang.
 pero pwede mo ring subukan lagyan ng kadena, palawit o ipaduplicate mo  --- nasa iyo yun!

Susi
Mga Bagay na Madalas na Mawala
Photo by Ingo Joseph from Pexels
Yari ka pagnawala mo to. kaya kailangan masinop sa gamit, madalas mawala sapagkat maliit, pag silver pa ang susi, kahit nga nasa harap mo na di mo pa makita kasi bakal siya at nagrereflect ung ilaw kaya di mo mapansin.
Tip: magpagawa ng duplicate o kaya bumili ng keychain para di basta basta mawala


Wallet
Mga Bagay na Madalas na Mawala

"Nakita niyo ba wallet ko?" madalas mo bang marinig yan sa taong nawawalan--syempre ng wallet
madalas mawala kasi maiinit sa mata ng mandidikwat, maaring nahulog lang at kung mahulog man yun depende na sa nakakita nito ang pasya niya kung isosoli pa ba?
tip: lagyan ng kadena para safe.


Cellphone Load at Internet Connection
Mga Bagay na Madalas na Mawala
Photo by Mateusz Dach from Pexels
Medyo techy na ang mundo at hindi na basta bagay na na nakikita ang nawawala tulad ng manok. nawawala na rin pati ang mga bagay na hindi nakikita, tulad ng cellphone load at internet connection.
hindi ba badtrip mawalan ng net habang naggi- GG(Garena)? badtrip din ma-check op?

Pera
Mga Bagay na Madalas na Mawala

Siyempre ang pinakamalupit, tama ba! yan ang top one ko, lagi akong nawawalan niyan! ikaw hindi? pautang naman! 
Tip: magtipid ng pera



Ang lahat ng mga nabanggit ay ayun lamang sa akin, welcome po ang mga suggestions o comments at salamat din dahil makakatulong ito para mas maging kapanipaniwala ang aking mga katha. mapapansin ding di ko sinali ang cellphone, motor o kotse kasi dun lang muna tayo sa bagay na di na kailangan ipapulis.


Ganun talaga ang mga bagay, 
di na ko magbabanggit ng mga quotes, tulad ng "everythings are made to...", "theres no permanent...", "be thankful"... etc. corny kasi at parang di pinagisipan.

pero tandaan mo ang bagay na yan ay nawawala, yun lang! (pinag-isipan ko yang quotes na yan)


Ay naku nawawalan na ko ng sasabihin, nakita niyo ba?
nawawalan na rin ako ng pag asa na sumikat sa blogosphere-pero dapat noon pa ano?
salamat sa pagbisita.

CREDITS:
Salamat sa pexels.com sa free photos
at nakakatawa.blogspot.com sa mga jokes.

Cryptobrowser