Monday, November 28, 2011

Bayanihan, Uso Pa Ba? ( documentary special)



ang salitang bayanihan ay nagmula sa tradisyon nating mga pilipino na kung saan ang buong kumunidad ay nagtutulungang buhatin ang isang bahay para ilipat sa bagong kalalagyan.
ngayon, tumutukoy din ito sa pagtulong sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit. tunay na kahanga-hanga na pamana ng ating mga ninuno. ito ang diwang bayanihan.
ngunit ngayon, buhay pa ba ang bayanihan?
ngayong bato na ang mga bahay, meron parin bang handang tumulong ng kusa?
meron pa bang may dugong bayani na handang tumulong sa di niya kakilala?
o ang bayanihan ay pangalan nalang ng kalye sa amin.

kaya, isang dokumentaryo ang aming ginawa, isang eksperimento.

sa tulong ng aming asset, dumako ang aming team sa isang simbahan,

ATTEMPT 1

nakita namin ang matandang sampaguita vendor, humingi ng tulong ang asset,
asset: pwede bang makahingi ng nag-iisang tinapay mo.
sampaguita vendor: nagiisa na lang ito iho, at wala pa akong kain.
asset: ipapakain ko lang sana sa alaga kong dagang-costa

umalis ang matanda at lumipat ng puwesto.
resulta: Ekis....Bigo ang team,na makatagpo ng may dugong bayani. :)


ATTEMPT 2, 3 and 4
ganun din ang ginawa namin sa  nagtitinda ng basahan, sa bulag na tumutogtog, at sa magbobote.
"hindi na sila naawa sa dagang costa ko, paano pagnamatay yun" wika ng aming asset.
Resulta: Ekis...Lahat sila, pare-parehas, wala silang dugong bayani.

akala ko ay bigo kaming masumpungan ang hinahanap namin, ngunit iba ang nangyari sa panglimang attempt.

ATTEMPT 5
naglalakad lang ang aming asset ng bigla niyang madaanan ang mga nag-iinuman at bigla siyang tinawag ng mga ito.
Nagiinuman: pare tagay,
Asset: hindi, pass muna
Nagiinuman: tang ^#$ K@...tumatanggi ka sa amin?!
Asset:hindi, sige iinom na, eto na oh.
Nagiinuman: pulutan?, kuha ka lang.
Asset: thanks.:hindi ko pa nasasabi ang problema ko ay alam na nila.

Resulta: check, Kakaiba! namimilit pa, 
napakamapagbigay nila, nagagalit pa pag tumanggi ka!
dahil diyan, mabuhay kayo!


dito na nagtatapos ang ating dokumentaryo,
 maiksi lamang pero detalyado.
madalian lamang ngunit sigurado.

. Maraming salamat sa pagbasa, 


(nag jo-joke lang naman ako, sa totoo lang naisip ko lang ito dahil sa inis sa mga haterz ni pacman, yung iba nagpapanggap pang pilipino.
balang araw sa pamamagitan ng bayanihan, aasenso ang bayan natin,at hindi na tayo mamaliitin ng ibang lahi, tulad ng nangyari ng pag boo at pagbabatuhin ng mga basura si pound for pound king.. 
nawa nga loobin Niya.

Saturday, November 12, 2011

Pinaka-Madalas na Dahilan ng Di pagkatulog (Tuwing Gabi)

Hindi ako makatulog!
dahil diyan nakahugot ako ng bagong inspirasyon para makapagpost
ito ay tungkol sa mga
"Pinaka-Madalas na Dahilan ng pagkapuyat (sa gabi ofcourse)"
Ano-ano nga ba?
halina't samahan ako, eto ang mga nailista ko base siyempre sa sarili kong karanasan at sa tulong ng ilang kaibigan.

ang isa/una ay dahil sa.
Maingay na kapitbahay.
maingay na mga kapitbahay na ang sarap ipabaranggay,
common na nating naririnig ang katagang...
"kung ayaw niyong matulog, magpatulog kayo".
maingay siguro kasi may kasiyahan doon at nagkakantahan sila, nagsasayawan, may alagang maingay na aso, pusa at langgam. maingay din minsan kasi baka nagiinuman o kaya ay may naga-away, maraming dahilan.

tip: kung maingay ang aso nila, subukan mong kunin ang aso nila at itali sa bakuran ninyo, nakakapagtakang ok lang sa iyo at sila naman ang maiingayan! bakit ganun?


Pangalawa
Problema Bukas/Stress. (School, Work, Business, Teledrama. etc.)
eto ang isa sa pinakamasakit sa ulo, hindi ka makatulog sa kakaisip ng dapat gawin bukas, o anong mangyayari, o minsan sa sobrang isip mo sa nangyari kahapon, kung makatulog ka man ay papasok parin ang problema mo sa iyong panaginip.

Tip# 1: bilang pakikiramay, tandaan mo na lang ang payo na nabasa ko lang sa Fb.
"lahat ng problema ay may solusyon, kung walang solusyon, wag nang problemahin"
Tip #2: 
kung di parin makatulog? uminom ka na ng gamot na irerecommend ko sa iyo. itake ito para makatulog kaagad ng, Inumin every 30 minutes. PM me.


Pangatlo
Surot
nakakabadtrip ang hinayupak na yan! hindi ka makatulog kasi masakit manundot at maya maya ay kakatihin ka na. pero wag mo sanang saktan sila kaagad, alalahanin mo
kadugo mo rin sila, dugo mo ang nanalaytay sa kanilang katawan.

(ang nasa larawang ay si anub'arak ng DOTA
Trivia: ang ingles niyan ay bed bugs.





Pang-apat
Lamok
kailangan pa bang ipaliwanag kung paano sila nakakabwisit?
kung wala kang kulambo, kung walang katol at kung walang elektrikpan.
hahalik at hahalik sila, ganyan sila ka-sweet.

Tanong: alin ang nangangagat; ang babaeng lamok o ang lalaki?
Sagot: hindi sila nangangagat. nanunusok pwede (funny)

Pang-Lima
Computer, Blogging, at iba pang kauri nito.
dahil uso ang internet at nakakawili dahil maraming pwedeng gawin, marami ang nahuhumaling dito at minsan pati oras ng pagtulog ay nanakaw na nito.
Naranasan ko nung dati. kasikatan ng friendster. napupuyat ako sa pag edit ng profile ko. hindi ako makatulog pag may naiisip nanaman akong bagong ideya.
mas masarap ding maginternet o maglaro ng mga games tuwing gabi.

Pang-anim
maling oras ng tulog.
tinatawag ding "nocturnal" ang mga taong ganyan, gising sa gabi tulog sa umaga, kasi napuyat.
minsan din kasi ay sa kaso ng trabaho mo example si batman.
may sadyang habit niyo nang magkakaibigan, trip ang magwalis twing gabi.

Tip: ibang trip na lang

Pang-Pito
Pag-ibig
dumako naman tayo sa nakakilig na parte ng entry na ito.
pag-ibig. yihee
hindi mo alam pero ang sarap isipin ng mga bagay bagay tungkol sa kanya.
nakakapuyat at nakakatigyawat pero masarap ang feeling.
alam mong corny ka na at nanaginip ng gising. pero masaya. nakakapuyat din kasi gusto mo siyang makausap sa phone, makachat sa facebook, nakakawili ding magtext at pasahan siya ng mga patama mong quotes at nagbabaduyang pick-up lines. ang sarap umibig

Pang-Walo
Multo
madalas ang mga bata ay di makatulog dahil sa takot mag-isa, minsan pati matanda takot sa mumo.
aaminin ko, minsan may panahong ayaw kong mag-isa, lalo na sa mga probinsya na ang mga kasama mo ay butones ang mata at nakalaylay ang bituka.

Pang-Siyam
May kasama kang malikot matulog.
hindi ka makakatulog pag sobrang likot ng katabi mo, tanday ng tanday.
naranasan mo na bang masiko, masipa , matuhod.
malas mo lang kung may-pigsa ka at matiempuhan yun.
merong nagsasalita ng nagsasalita kahit tulog.
minsan din may mga kaibigan kang nanaginip at nanununtok habang tulog (balita ko ganun si manny pacquiao sabi ni aling dionesia).


Pang-Sampu
May beki kang katabi
sige subukan mong matulog kasama sila.
pinakamalupit, matutulog na akong may mga kasamang butones ang mata at nakalaylay ang bituka.
kesa sa namimitas tuwing gabi.
malas mo kung lasing ka at walang palag dahil tiyak yari ka.
minsan naman! nalalaman mo na lang na pechay pala ang kabarkada pag katapos niyong matulog magkasama (shocking)

Ayan na ang sampung nasama sa listahan. ang ibang nominees ay hindi na nai-feature dahil kulang ang boto.
ang kape ay nakakagising pero panandalian lamang ang bisa nito at pagkatapos ay agaran ka rin namang aantukin. nakakagising din ang asukal na hinalo dahil sa "sugar rush effect" nito at ang maiinit na tubig pag napaso ka.

nakakapuyat din siyempre kung may utang ka sa iba, pero mas di ka makakatulog kung may pinautangan ka.

nakakapuyat din ang pagbabasa ng libro, at panonood ng tv o dvd.

para magpasa ng iba pang mga dahilan. maaring magcomment.

inuulit ko, ang mga nabanggit ay base lamang sa sarili ko at sa mga napagtanungan ko.

maraming salamat sa pagbasa at sana ay makatulog ka ng mahimbing.
oops.. tingnan mo muna kung sino ang nasa ilalim ng higaan mo.

credits:
http://nakakatawa.blogspot.com/
http://www.short-funny.com/funniest-jokes-3.php
https://bagongbarrio.blogspot.com/

Cryptobrowser