Monday, December 12, 2011

Back Masking, Totoo ba?

nakarinig na ba kayo ng mga kanta na diumano ay may lihim na kahulugan, tinatawag nila itong back masking.
malalaman mo ang lihim na mensahe nito kung patugtugin mo ng backward yung kanta.
ang bandang beatles ang unang nagpasikat nito, at si john lennon ang aksidenteng nakatuklas ng siya ay nasa impluwensya ng marijuana.

sa pagdaan ng panahon marami na gumayang sikat na rock bands. tulad ng  led zeppelin, eagles,queen at marami pang iba.
pati ang kanta ni eminem na "my name is..." at "pokemon theme song" ay may lihim ding back masked lines.

sa pilipinas, sinasabing ang bandang eraser heads ay gumagamit din ng teknik na ito,
ayon naman sa simbahan marami sa mga backmasked na kanta ay may pagka satanista o bastos na mensahe pag pinatugtog ng pabaliktad.
pero OA naman ang nakita ko sa youtube,
back masked na "i love you" ni barney pati theme song ni Dora at Spongebob

pati ang ibang mensahe ng mga kilalang tao ay may pabaliktad din raw na mensahe.
tulad ng mga sinabi ni pres.obama nung una siyang manumpa bilang presidente ng U.S. (ewan)

may mga kanta namang kahit hindi mo na i-back masked pa eh controversial na,
tulad ng kanta ni andrew E na "banyo queen"
"tinusok ko, ipanasok ko, en boy walang daplis"
pero ayon kay gamol eh sing-sing yon.

ganun pa man, hindi ko hahayaang matapos ang entry ko na ito na nalilito ka at ganito lang.
kaya gumawa ako ng experimeto. nagsagawa din ako ng mga back masking,at eto ang naging resulta.

alam niyo ba na bastos kapag binakmas ang sikat na sikat na jingle na bato bato pik? hindi no?
sige pakinggan mo.
"Bato bato pik,
bato bato pik"

pag backmask:
"Pik p** Bato,
pik pik bato"

parang
"pi* pik ba ito?"
"pik pik ba'to?"
(nakakatakot di ba?)

Bastos din pag binakmas ang kasabihan natin pag tayo ay inaatake ng headache
ang karaniwang nasasabi natin ay....
"Ang sakit ng ulo ko, parang binibiyak"

pag backmask:
"Ang sakit ng Bi*ak ko parang inuulo"

kitam, may lihim din palang message!


salamat sa pagbasa, pasensya ka na at ganito na nga talaga ako.
sabi nga ni Bob Ong
"iba ang walang magawa, sa gumawa ng wala"

aba backmask:

Mga Madalas na Panaginip

magandang araw!
eto po ang inyong lingkod, b3n 2LfowH ^_^
halina't talakayin natin, isipin, himayin
ang mga panaginip na pinakamadalas dumalaw sa atin.

hindi na ako magpapaligoy ligoy.
heto na ang sampung nailista(randomized) base sa aking sariling karanasan at pagtatanong sa iba.








1. Pagkain
malaking handaan, instantly nanduon lahat ng favorite mo, pero ng kakainin mo na bigla kang magigising.

possible cause: anmimiss mo na mga favorite foods mo, o sadyang chutay tommy ka lang, Chutay tommy "chutay means patay and tomi means gutom"
tip: kain ka bukas ng marami,



2. Pera
maraming pera, umuulan, nakakalat, hinuhukay na kayamanan. masarap managainip ng ganito ngunit nakakahinayang pag nagising ka na :(
possible cause: maaring may problemang pinansyal o sadyang mukha ka lang pera.
tip: wala, yan din problema ko



3. Mahuhulog ka sa Mataas na lugar.
Basta basta na lang mapupunta ka sa mataas na lugar at pag naiisip mong delikado eh bigla ka ngang mamalagay sa bingit at mahuhulog then pag nahulog ka mapapapikit ka, mahirap huminga, pagbigla kang nagising mapapsigaw ka o magugulat na lang,

possible cause: masyado kang maraming naiisip o nakalimutan mong mag-pray (yun ay kung nagdadasal ka)
tip: pag madalas kang managinip nito, mag-ingat kasi para siyang bangungot, mainam na pag natutulog ay  wag nakahilata, wag lalo na nakadapa. dapat naka tagilid para madaling magising (naniniwala ka sa akin yan ang tip ni LOLA BEBANG ko)



4. Super Hero
Dahil hari ka ng mundo mo sa panaginip, kung saan ay mapapasunod mo pati mga tala. maari kang maging super hero na may kakaibang lakas, masarap managinip ng lumilipad.

possible cause: bata ka pa,
tip: sige mainam yan dahil sa ganyang paraan lumalawak ang imahinasyon mo.


5: Tumatakabo
madalas mong mapanaginipang tumutakbo ka, at may humahabol sa iyo (vampira, tao, bumbay, aso).

possible cause: may kinakatakutan ka, hindo ko lang alam, depende kung sino tinatakbuhan mo.
tip: ang lahat ng problema ay may solusyon harapin mo, kung walang solusyon wag nang problemahin (funny)



6: Kandila este Dumalaw na mahal sa buhay
medyo nakakaiyak, pero madalas kang managinip ng isang taong sabik na sabik mo nang yakapin, ngunit ng magising ka nakakahinayang diba?
pwedeng mahal sa buhay sa ibang bansa, mga yumao, mga kaibigang nawaglit o reunion ng mg schoolmates mo.

possible cause: nanabik ka lang talaga o sadyang dumalaw lang siya sa iyo, isipin mo kasi kung dumalaw siya habang gising ka? eh di ka kaya matakot at magtaka? atleast sa panaginip di mo alam na likhang isip lang.
tip: bat di ka mag facebook?




7: Nanaginip ng celebrity
ung nasa picture ay si taylor swift, napili kong pics hindi dahil sa crush ko siya o vice versa, sa totoo lang hindi ako gaanong nanaginip ng mga artista, maaring sila napapanginipan ako, pero me? never!

possible cause: die hard fans ka niya (obkors)
tip :tanggalin mo na ang wallpaper niya,





8. Nalulunod
madalas ka bang nanaginip na nalulunod ka, hindi ba nakakapagod? pag nagising ka mapapasigaw ka at hinihangal pa?

possible cause: di ka marunong lumagaoy? o maaring may nakaraan ka na nalulunod ka.
tip: magaral lumangoy sa totoong buhay at para kahit panaginip ay parang nagbabakasyon ka lang, isa siya bangungot kaya maari ding gawin ang nauna ko ng tip--matulog ng nakatagilid (tip ni lola bebang). mainam ding ipagsabi ang panaginip sa iba.



9: Sakuna
Lindol, bagyo, bumuka ang lupa, may ipo-ipo.
possible cause: nakatulog ka kaya ka nanagiunip, maari ding sa sobrang panood mo ng movie.
tip:dahil panaginp naman,para ka rin namang super hero diyan kaya anong naiisip mo mangyayari. para di na makapanaginip ng bangungot na ito, mag pray sa gabi, mag thank you din kay Lord sa umaga. isa pang tip ay bawasan ang sobrang pagiisp. gawin din ang tip ni lola bebang na matulog ng nakatagilid kung paulit-ulit ito



10 Nabunot na ngipin
marami ang madalas managinip ng mabunutan ng ngipin, minsan pa nga ay nalalagas pa. masamang pamahiin nga ba?

possible cause: wag nang magisip pa ng kung ano-ano, maaring concious ka lang sa BUNGANGA mo (sounds good!) BUNGANGA MO
tip: mag tootbrush twice a year este a month pala.

________________________________
ayan na ang lahat ng naitampok, may naisearch ako sa google na iba, pero eto talagang sampu ang pinakamadalas mapanaginipan ng mga pinoy.

humihingi ako ng pasenya sa ibang nagsuggest
pasensya na sa mga kaibagan kong sabungero, manaya ng lotto, jai-alai, etc.
at di ko nasali ung panaginip na ahas na naghugis otso, pilak na kalabaw, mga lucky number sa panaginip.

pasensya na rin sa mga albularyo, manghihilot, barbero, bata at mga sinungaling
at di kasali ang ilang kuwento niyo,

paumanhin po

nanantili paring kulang ang datos o kaalaman  ng mga oneirologist o mga siyentistang experto sa panaginip
ayon sa ibang pagaaral, maaring ang pananaginip ay paraan ng pagaalis ng mga stress sa isip natin.

sa bibiliya naman, may kwento roon na sa pamamagitan ng panaginip naiihayag ang mensahe ng Diyos. naiihahayag din ang ibang propesiya.

kung may iba pang tanong, suhestiyon, komento at anumang reaksyon ay malugo pong tinatanggap.
salamat sa pag basa.

Cryptobrowser