Thursday, October 30, 2014

Problemang Pambata

"Nang bata ako, hindi ko alam ang gusto ko maging paglaki.
ngayong malaki na, alam ko na!
gustong gusto kong maging bata muli."

mula sa fb post ng isang kaibigan. siya nga naman. sarap maging bata. haayy
kung may problema man ay heto lang. especially for batang'90s nga pala.

1. Matulog tuwing Tanghali.
Isa sa the best meryenda.
 galing dito ang larawan
Pinapatulog tayo sa tanghali para raw lumaki tayo.
noong bata pa ako, kunwari akong natulog, mahirap din pero no choice, aakting na bagong gising.. bobolahin pa ako ng "edi ang pogi mo na"
di nila alam nakapikit lang ako. istayl ko may bulok ay epektibo parin. ginulo ko lang ang buhok ko at nagtanggal kuno ng muta at magpanggap na bagong gising. ayan na ang meryenda. favorite ko ang binatog at softdrinks.

karaniwang rules:
a. bawal kayong magharap ng katabi mo at baka naguusap kayo.
b. pikit ang mata
c. galangin ang patpat na masakit.
d. matulog atleast 1 oras. basta  matagal dapat.





2. Home Study at Home Work.
Maranasan mo na bang mapa-iyak noong tinuturuan ka pa lamang magsulat o magbasa?
dati yung tita ko na napakahigpit.
andami sa'king pinababasa at pinasasagutan.
nakakayamot at nakakainip.
 ngunit sa huli ay napadali ang pagkatuto at nakinabang din ako sa paggagabay sa akin.
marunong na akong magbasa at sumagot sa tita ko. joke


3. Kumain ng Gulay.
FACT:
mas masarap panghilod 
ang upo sa halip na kainin
Patatas at Kamote lang ang gusto ko.
yung okra sarap itanim na lang uli.
yung talong naman pala ay overrated--di naman masustansiya. masarap lang prituhin at tortahin. at yung patola ginagawa naman palang panghilod. sitaw, patani, kundol at pechay. ilayo niyo yan.
ayoko nang gulay ng bata ako. yung lutong "Diningding" ay lasang dingding.

Question: anong gulay ang pinakamasakit sa lahat.
Answer: AMPALAYAin ka!


4. Alcohol Bilang Panlinis ng Sugat
mula dito ang larawan
Masakit ang magkasugat, pero mas masakit pa siya pag gagamutin na.
nagka-phobia yata ako sa alcohol.
betadyne na lang please. tinatapat ko na lang sa bintilador bawas hapdi.

ano ang kaya kung mabuhusan ang mga nasa kaliwa ng alcohol,
?
away yan sigurado.



5. Di Makanood ng Cartoons.
nakakaiyak talaga ang drama. tagal ko pa namang inabangan ang palabas na cartoons tapos ililipat lang sa telenovela. magkatapat dati yan.
sila tita, lola, mga may-edad na babae tsaka si mama ang may hawak ng makapangyarihang remote. wala kaming magawa.
kalaban din ang balita.
kung susuwertihin na walang balita at drama. papatayin parin ang T.V. para makapagpahinga daw ito at makatipid sa kuryente. UNFAIR!!!



6. Bawal Maglakwatsa
Buti pa si Dora :(
bawal tayong lumabas ng tanghali-tapat. maglakwatsa lalo na pag gabi. bawal na bawal lumayo. lumabas kalang sa bahay ng may layong pitong bahay. sisitsitan ka na agad para bumalik. gayunpaman matigas talaga ang ulo mo. at nagagawa mo pang mamasyal kung saan-saan.

Lakwatsa pa more? paguwi mo saka na lang saluhin ang galit ni nanay. ---labis siya sigurong nag-alala.




7.  Nagulo ang Laruan
Collectibles na alphabet na robot
bahay-bahayan, kusina-kusinaan, tau-tauhan atbp.
mga bagay na pinaghirapan mong iayos
ay masasagi lang at magugulo.
may pinsan akong sinasadya niya.
kunwari raw higante siya at manggugulo.
nakakainis talaga.
sadnu?




8. Sinong Maghuhugas ng Pinggan
toka ni angel ngayon
nakakahiya pero eto ang totoo. yung hugasan ng pinggan ay laging pinagtatalunan.
kahit gumawa ng "Scheme", lagi paring may magtuturuan.
masakit sa ulo kaya number 9 na tayo kaagad.











9. Mag-Tupi ng Damit
Kung lumaki kang walang kasambahay. siguro naranasan mong pagtupiin ng damit. nakakatamad at nakakainip. sarap magpatintero sa labas. o kaya maghabul-habulan. angsasaya ng mga kalaro mo tapos ikaw nariyan at pinapatay ng inggit .
may solusyon ako diyan!  yung kuya ko ang bilis magtupi. pero pag binuklat mo yung damitan niya. nakabalunbon lang yung marami. yung kita lang ng mata ang nakatupi. nakatupi rin ang nasa ibabaw. mga lima para kung ininspeksyon. approved!


10. Gustong Laruan
Hanggang ngayon parin naman, marami tayong gustong makuhang bagay at halos hindi na maubos.
naranasan kong umiyak ng ilang beses para ibili ako ng panaginip kong laruan.

maling asal ito. sige kang bata ka. hindi ka na isasama pag pupunta sa palengke kase kung ano-ano pinagtuturo mo.

ang pinakamahal kong laruan ay ang bike ko na may pakpak na kumakampay. may watergun ito sa harapan. kumpleto ang ilaw at naglalabas pa ng usok. yan ang pangarap ko magkaroon pag umuwi na si papa. hindi ako nagkaroon niyan dahil wala naman palang ganyan kahit saan, imagination ko lang kasi sa sobrang inggitero ko.
Ang da most expensive toy ayon sa listverse.com. nagkakahalaga ng 115,000 U.S. Dollars!
kung ako yan ibibili ko na lang ng bigas,


yan lamang po ang pumasok sa ala-ala ko. ang sarap maging bata. maliliit lang ang problema. laro, tulog, kain-laro-tulog tapos ganun uli bukas.
sana ay makapagiwan ka ng komento at suhestiyon na maidadag-dag pa.
maraming salamat sa pag-basa, God Bless

Isang problema ko noon
galing dito ang larawan
Ngayon alam ko na?


Friday, October 17, 2014

Tatlong Kuwentong Nakakatakot Namin

Binati ng Aswang

Sa malayong probinsya. buntis noon ang isang ginang. malaki na ang kanyang tiyan marahil mga 6 months na. isang hapon, isang ale ang masaya nilang naka-usap. sa paguusap ay naitanong ng matandang ale kung ilang buwan na ang nasa sinapupunan ng buntis. tumugon naman ang ginang. humipo ang matanda sa tiyan ng buntis. 

ilang buwan ang nakaraan. dinugo ang ginang. 

nakunan  at ang sabi ng nagpaanak dito ay lusaw ang ulo ng bata?
naalala nila ang matandang bumati at humipo sa tiyan niya. di nila ito kakilala, bagong lipat lang sila roon. sabi ng mga matagal na roon ay uso talaga ang barang at bati doon. maraming manggagaway at aswang na nagkalat sa lugar kaya kailangang mag-ingat at wag basta magtitiwala. 
(gawa-gawa ko lang ang kuwento. nainiwala ka ba agad?)
oOo

May-ari ng Puno

Tumira kami ng tiyahin ko at pinsan kong babae. hindi siya nakakapagsalita.
masipag magwalis ang pinsan ko.
isang hapon. inapoy siya ng lagnat. mas marami pa ang sinusuka niya kaysa nakain.
doon sa amin ay hilot ang unang takbuhan ng mga tao.
tinawas ang pinsan ko. maliit na tapyas ng kandila ang pinahid sa noo niya, dalawang balikat at dibdib na parang sign of the cross. nilagay ito sa kutsara at tinunaw sa nakasinding kandila. isinaboy sa plangana ang tunaw na kandila.

lumitaw rito ang puno ng kaimito. merong mata at nakatitig sa babae. ang babaeng ay may hawak na walis. ang pinsan ko raw ito ani ng hilot. nawalis niya ang maliliit na insekto na nakatira sa ugat nito. ito raw ay alaga ng engkanto na nakasapi sa puno.  

natakot ako sa itsurang nabuo ng kandilang tunaw. totoo ring nagwalis ang pinsan ko. 
gumaling din ang pinsan ko kinabukasan. sabi nila ang puno nang kaimito na nasa harap lang ng bahay namin ay ilang taon na. kaya di malayong may mas nauna nang nakatira sa rito kaysa sa amin. 
nainiwala ka ba sa pagtatawas? tumingin ka sa gilid mo. ano amoy? pag maasim kailangan mo nang tawas.
oOo

Orasan

Kuwento ng pinsan ko, nakuwento ko na rin dito sa blog.
may kaibigan ang pinsan ko na mula grade1 hanggang highschool ay alarm relos, clock, wallclock basta orasan lagi ang nakukuha sa exchange gift. grade 3 na siya naging kaklase ng pinsan ko.
habang magkasama sila noong christmas party noong grade 3 pa sila.
nasabi nito na malamang ay ay orasan nanaman ito. at di nga siya nagkamali.

naging kaklase niya ito hanggang 2nd year. nung 3rd year at 4th year ay bagamat hindi naging magkaklase ay naging matalik niya itong kaibigan. hanggang 4th year ay orasan parin.

lumipas ang ilang taon. naiisipan ng magkaka-batch ang magreunion. sa kuwentuhan ay nabanggit ng isa na yumao na si Denver. napakabata niya pa.
naisip tuloy ng pinsan ko na kaya siguro laging orasan ang nakukuha niya ay para paalalahanan siya na tignan lagi ang oras niya? hindi ko masisisi ang pinsan ko dahil yun din ang nabuo sa isip ko. eh ikaw? anong oras na diyan? alam na ba ng mahal mo na mahal mo siya? kumain ka na?
oOo

maraming salamat sa pagbabasa. sana'y makapagiwan kayo ng komento. sa susunod na kabanata ay abangan pa ninyo ang iba pang nakakatakot na kuwento. dito lang sa isumbongmo.blogspot.com
ako b3n 2lfowh, muli nagpapasalamat.

Monday, October 6, 2014

Sumbong: Hilig Makinood sa Ginagawa mo sa Computer Shop

Pangkaraniwan na lang na ibat-ibang kaso ang naririnig sa balita. Dito sa isumbongmo ay samu't-sari rin ang idinudulog araw-araw. Isa rito ay ang sumbong na itatampok natin ngayon.
narito ang mga sumbong na natanggap natin:


"pag naglalaro ako sa isang netcafe. mararamdaman ko na lang na dumarami na ang mga nanonood na sa akin. halos sa tenga ko na sila humihinga. wala pa akong privacy"

"nahihiya tuloy akong magsurf sa FB profile ng mga tsiks, kasi laging may nakikiusyuso, pag naguumpukan sila, kala ng iba porn ang pinapanood ko"

"hindi lang sila nakikinuod, inuutusan ka pa nila. kulang na lang ay sila na ang humawak ng keyboard at mouse, pag di nila gusto yung pinanood ko sasabihin nilang "wag yan corny, eto maganda""

"nababasa nila yung usapan na dapat kami lang ng kausap ko ang maka-alam"

"nag-uumpukan sila sa likod ko. karaniwan mga batang kumakain ng ice candy at galing lang sa habul-habulan"

"nakakailang maglaro pag may taong nakikinood sa iyo. nakikinood rin pati yung katabi ko na may PC rin naman sa harapan pero sa monitor ko tumitingin."

Iyan sila at marami pang ibang sumisigaw ng hustisya ang nagsadya sa amin. Agad naman kaming kumilos.

Patuloy ang aming ginagawang raid at pag-aresto sa mga talamak na gumgawa ng ganyang nakakairitang gawain.
Karaniwan sa mga nahuli ay menor de edad. nagulantang naman ang mga ito sa biglaang pagaresto.



 Lahat ng nahuli ay umamin sa pagkakasala at nangakong di na uulitin ang makinood sa PC ng iba. pwede naman minsan wag lang yung pinapatayan ka na nga ng monitor o naga-alt tab na ay di ka pa nakakahalata. bigyan sila ng privacy lalo na kung di mo sila kakilala.
Sa ilalim ng batas. ang mga mapapatunayang guilty ay nagkasala.

patuloy parin ang panawagan ng mga raliyista.


patuloy ang Man Hunt Operation ng isumbongmo.blogspot.com. sa pakikipagtulungan na rin ng mga international authorities. pinaigting at malawakan at worldwide ang inilunsad na operasyon.


bagamat mahirap mahuli ang ilan sa kanila. ang grupo nang inyong lingkod b3n 2lfowh ang di sumuko na nagresulta sa pagkahuli ng mga high profile na personalidad.

Marami pa kaming sinusupetsahang lugar na posibleng nagkukubli ang mga offender.
Hindi lang yan, noong di pa uso ang computer marami ang nakikibasa ng diyaryo. di nalang hintayin kang matapos. ang nangyari ay halos magkadikit na mga mukha niyo. onting lingon mo lang ay magkakahalikan na kayo. kaya sila rin ay pinagiisipang mapasama.

Naging biktima na rin ba kayo? i-report rito at nang lumakas pa ang kaso laban sa mga bosador.
magiwan lamang ng komento. o ikuwento ang sariling experience. salamat din :)

bilang pagtatapos
isang rap naman ang mensahe ko sa mga bosador na nakakabasa nito. kasama na yung katabi ko. hehehe 



kung nababasa niyo ito,
sanay paka-isip-isipin.
ubusin niyo na ang lahat,
wag lang ang pasensya namin.

ugaling manood o makeelam,
ng usapan ng iba.
ay isang kaugaliang,
hindi kaaya-aya.

Ikaw ang lumagay
sa aking kinalalagyan
para kang secret agent
kaya akoy naiilang.

wala akong ginagawang masama,
bakit ka nagmamanman.
ang dami-dami niyo pa.
privacy koy igalang (please naman)

yeah yeah yeah.


attributes:
salamat sa mga nahiraman ko nang larawan. dioratiko.blogspot.com, google.com, mirror.co.uk,miamiherald.typepad.com, thegrio.com, tl.clipartrwow.com, arkibongbayan.org, israelnationalnews.com


Friday, October 3, 2014

Sumbong: Tindahan na Mabagal Much

Isang paslit ang dumulog sa aming tanggapan. aniya, lagi siyang kinagagalitan ng kanyang ina na humahantong sa mararahas na pagdidisiplina. ang pinakamasahol ay ang pagblock sa kanya sa FB.


Hiningi naman namin ang panig ng Ina.
"Pasaway kasi ang batang iyan! tuwing inuutusan kong bumili, kung ano-ano ang ginagawa. inuuna ang laro kaya maghihintay ka ng siyam-siyam. leche naku!. Minsan nga inutusan kong bumili ng yelo. pag-uwi "ice tubig" and dala. punyet@@@. niloko pa ako na yelo raw yon kanina. nasaan ba yang bata yan. ako pa ang ginawang masama.".


Sa Kabilang banda...
Ayon sa batang si jun-jun(di tunay na edad) na nakatira sa 88 Mangga St. Bagong New, QC.(di tunay na address). walang katotohanan ang paratang ng huli. aniya, sumusunod siya ng tama at hindi inuuna ang paglalaro. yelo rin ang ibinili niya. nagiging tubig raw ito dahil sa kahihintay sa tindahan. ang paglilinaw ng bata na nasa pangangalaga ng isumbongmo.blogspot.com.

Bilang tugon sa maselang kaso. Ang inyong lingkod ay kumalap ng impormasyon ng mga maaring dahilan ng sigalot.
Sa masusing pagsisiyasat ay napag-alaman naming ang "may sala o maaring may sala" ay ang tindahan. isang Sari-sari Store sa malapit. Grabe raw ang kabagalan ayon sa mga residente. Pasok sa Guiness. lalamukin at aantukin ka sa harap ng tindahan. paano pa kaya kung marami kang binibili at marami ring bumibili?
pero infairness ayon sa mga informants ay maagang magbukas at matagal raw magsara. kumpleto ang kanilang paninda kung ikumpara sa iba. di rin abusado ang presyo ng mga goods. ngunit problema ang tagal ng serbisyo. samahan po ninyo akong alamin at tuldukan ang nakakayamot na kaso.


Umaatikabong Aksiyon...
Nagpanggap akong buyer upang masaksihan ko mismo. Pag rating sa lugar. animo'y dinudumog ang tindahan, mahaba ang pila and wonder why? hindi dahil maraming customer kundi naipon lang ang mga ito. 
akala ko may makakasabay akong galing ng baguio. maraming nagpaparinig. "tsk ang tagaaaalllll...". "Wait lang naman" tugon ng tindera may kaidaran na pala.
pumila ako, pangontra sa inip. dala ko ang isang libro na malapit ko nang tapusin--salamat at natapos na ang nasa unahan.  kung iisipin mo masuwerte ang nasa unahan pero malas din dahil wala na siyang choice pumunta sa ibang tindahan. 
onting saglit pa ay nagsi-uwian na ang iba at voila. ako na ang susunod sa bumibili  ilang idlip na lang guys. 

Ito na yata ang pinakamasayang araw ko. sa wakas ay ako na. Wala nang atrasan. may dala ako stopwatch at sinubukang sukatin ang bilis ng serbisyo. at  tumpak ang hinala natin.
hindi naglalaro ang bata kundi sadyang matagal lang. kung ikaw ay papasok sa eskuwela ay male-late ka ng isang araw. kung ikaw ay under 18 years of age ay tiyak na make-curfew ka. at kung ikaw ay bibili ng yelo---tiyak na matutunaw ito at magiging ice tubig. Kaya pala!!

Patuloy parin naming kinokontak ang panig ng Sari-sari Store. hanggang ngayon ay naghihitay pa kami sa magiging tugon. zzzZZZzzz ....

pinakita namin ang video record ng experimento sa ina ni Jun-jun. at sa loob ng silid. ay bumaha ng emosyon. sa huli ay napag-ayos ang mag-ina. nagkapatawaran na sila at muli ay nabuo ang pagmamahalan sa loob ng tahanan. uhhhh


Isumbongmo.blogspot.com,
Mula Mindanao, Visayas at Luzon.
Sabah, Spratlys at Scarborough Shoal.
Makaka-abot ang aksiyon (Come on!)

Lahat aming gagawin.
Problema? halina't sabihin
b3n 2lfowh sure niyang tutupdin
huwag lang tatamarin. (yiih)

break it down

Cryptobrowser