style niyo bulok
laos na ang ganyang gimik
dito sa isumbongmo.blogspot.com
ibubunyag namin ang inyong trip
ang sumbong natin today ay tungkol sa kalsadang laging baha, maputik, traffic, butas butas in short nakakabadtrip. halikayo at pakinggan ang sumbong nang ayaw magpakilalang residente ng reparo,baesa ,caloocan city
ANG SUMBONG
ANG SUMBONG
"nakakainis dito sa amin. lagi na lang ganito, paulit-ulit, unlimited.
Aayusin ng pamahalaang panlungsod ang kalsada.
Aayusin ng pamahalaang panlungsod ang kalsada.
pagagandahin at bubuhusan ng bagong asphalto
makikta mo ang mga streamer at poster ng pinunong nag paproyekto
nakangiti at ang laki ng mukha at nakasulat ang pangalan niya
akala mo tuloy sarili niyang pera ang ginastos.
maganda sana. yun nga lang...
ilang buwan lang darating ang tropa ng taga Maynilad Water District Services Incorporated.
maglalagay ng mga poster streamer na may naksulat
"dadaloy din ang ginhawa"
ang mga taga maynilad ay bubungkalin ang kalsada na bagong aspalto.
aayusin daw ang linya ng tubig?
aayusin daw ang linya ng tubig?
anak ng tinola, ang resulta pagkatapos
butas butas at tagpi tagpi ang aming kalsada
na nagiging sanhi ng maraming aksidente't aberya.
ganito ang nangyayari, tapos bubuhusan uli ng asphalto then magaayos uli ng tubo.
ganun ganun ang nangyayari.
ganun ganun ang nangyayari.
ginawa na nilang libangan ang pagbubungkal ng lupa
na nagiging dahilan din ng traffic sa mga motorista.
bakit ganyan lagi na lang maputik at lubak lubak ang aming kalsada
ganyan ba talaga gumastos ang pamahalaan?"
ANG AKSIYON
Ang isumbongmo.blogspot.com ay agarang kumilos at pinuntahan ang nasabing kalsada.
nagdisguise kami, nagpalit kami ng tsinelas para di makilala
gamit ang cellphone na may built-in camera
kinuhaan namin sila ng litrato, klik!
mala james bond na maysakit, lumapit pa kami nang kaunti at kumuha ng larawang ibedensiya
kitang kita niyo ang aksiyon? anong sinabi ni mike enriquez, gus avelgas o tulfo brothers diyan?
ANG SOLUSYON
suhestiyon ko lang, bakit di niyo na lang gawing de butones yang kalsada
o di kaya eh may zipper, para nang sa ganoon pwedeng buksan kahit anong oras niyo nais.
pero alam ko namang hindi nila ito gagawin dahil kung walang project, walang katkung.
bilang solusyon din, ipinost ko agad ito sa aking blog at para malaman ng mga kababayan ko kung paano ginagasta ng ilan ang pondo ng bayan.
hindi kaya merong sabwatan dito ang maynilad at ilang pinuno ng bayan,
"para kasi kung may project,
may rocket.
at kung may rocket,
solve ang pocket."
ano kayo ngayon? alam kong maynakahanda na kayong palusot at madali lang sa inyo yan.
pero hindi ba kayo nakukusensiya?
naghihirap ang marami sa atin
habang kayo, mga kurakot
walang hiyang nagsasayang ng pera.
o0o
puro kayo rocket,
iniisip niyo lang ay ang inyong pocket
nagtatanong ako baket
wala ba kayong malasaket
o0o
No comments:
Post a Comment
Comments, Complaints, Reaction