Sunday, December 26, 2010

Bakit Ka Umiinom ng Alak?

Bakit ka nakikipag lips to lips sa alak?
  • dahil ba sa impluwensiya ng barkada?
  • dahil ba nakadikit na sa katawan mo ang pagkahilig dito?
  • for celebration lang
  • meron namang umiinom ng alak tuwing may gustong gawin o sabihin na di nila magawa tuwing nasa katinuan sila.
  • meron namang umiinom dahil sa sobrang kalungkutan.
  • ang iba naman ay napilitan dahil sa pakikisama,
tinanong ko ang katrabaho ko, "masasabi bang wala kang pakisama kung tumanggi ka sa tagay?"
ito ang sagot niya," ok lang kung kilala mong hindi talaga siya tumatagay, baka kasi may problema sa kalusugan o dahil sa relihiyon", pero pag kilala mong umiinom talaga ito, yun ung walang pakisama" ito ay ayon sa kanyang opinyon, at lahat ng opinyon ay tama. agree ka ba?
sabi naman ng iba kailangan ang bisyo sa buhay, naalala ko tuloy ang sabi ni bob ong

"Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."



Kaya ko naikuwento ito, dahil ako ay hindi umiinom ng alak, hindi ako alcoholic, ang iniinom ko lang ay isoprophyl alcohol (funny)
huli akong uminom ng alak ay nung bata pa ako, katagay ko ang lola ko sa beer, sabi kasi pampataba daw ito. Pero mula noon hindi na, ayaw akong makita ng mga mahal ko sa buhay na umiinom, sabi ng nanay ko uminom lang daw ako tuwing magsecelebrate ng tagumpay, ang sagot ko namn, kailanman hindi ako iinom ng alak kahit patak.
katatapos lang nitong Pasko may nakaaway ang tito ko, hindi na bago kasi tuwing may okasyon siya ay lasing, at nakaaway niya ay lasing din. nasira ang selebrasyon namin dahil sa gulong ito. isa ito sa dahilan kung bakit di ako umiinom, dahil nagrerebelde ako sa alak. bakit ang mga tao nagtatanim ng galit sa kapwa niya samantalang sa alak ay hindi, samantalang ang alak naman talaga ang ugat ng pagkasira ng buhay ng marami.

Kahit na mahirap, hindi ako iinom, sumasama ako sa inuman ng mga kaibigan ko pero hindi para uminom, kundi para mamulutan, makisaya at makasali sa picture picture. ayaw kong uminom ng alak para maging huwarang mabuting kristyano. di rin ako umiinom para may karapatan akong pagalitan ang mga mas nakakabata sa akin.
"bago mo ayusin ang kapwa mo ayusin mo muna ang sarili mo".

hindi ako iinom ng alak dahil alam kong balang araw kailangan ko itong itong itigil. hihintayin ko na lang na sabihin sa akin ng doctor na uminom ako ng alak at makakatulong ito kaysa ihinto ko na ang paginom dahil makakasama ito.
Ang alak ay gamot ngunit lason naman pagininom ng sobra.

Sinisisi ko ang mga nakakatanda na nagiinom dito sa mga iskinita ng bagong barrio kung bakit ang mga kababata ko ay naging ganoon din, sinira niyo ang henerasyon namin!
Para sa iba pamporma ang paginom ng alak, ngunit para sa akin,
Kahit gaano pa kataas ang pinagaralan mo, kahit professional ka pa, pag lasing ka, bumababa ang pagkatao mo. ('yun ay sa aking opinyon lamang)

panahon pa ng nakaraang administrasyon merong batas na ipanukala ang Sin Tax, maganda sana ito dahil bukod sa lalaki ang kita ng bansa mula sa buwis na ipapataw sa mga sigarilyo, alak at iba pa. makakatulong ito para maiwas ang mga kabataan sa bisyo. Paano nga namn abot kaya lang ang presyo ng sigarilyo at alak, kahit na may nakasulat na "not for sale for minors" ay mabenta parin sa mga kabataan.
sa kasamaang palad ang batas na ito ay hindi napatupad, kesyo marami daw mawawalang ng trabaho pag nalugi ang kompanya. 
Ang buhay nga naman! Itagay na lang natin.


ang larawan ko habang pinagiisipan ang mga nabitawan kong salita

No comments:

Post a Comment

Comments, Complaints, Reaction

Cryptobrowser