Friday, December 31, 2010

Dalawang Kwentong Death Clock


may isang website akong nakita, matatansya daw nito kung kailan ka matitigok,
deathclock.com
Monday, February 25, 2064
yan daw ang petsa ng kamatayan ko, ang nakakatakot pa merong seconds countdown pa!
maraming sumisimangot at di sumasangayon ang sabi nila;

"eh paano bukas maaksidente ka?"

"eh paano kung naimbento na ang pampahaba ng buhay"

"Diyos lang ang nakakaalam ng eksaktong segundo ng tagal ng buhay mo"

tama ang lahat ng opinyong ito, ngunit kung susubukan niyo makikita niyong may scientific basis naman ang death clock na iyon
bago mo malaman ang deathdate mo, magpi fill up ka muna
ilalagay mo ang birth date mo, tinatanong din kung ano ang Body Mass Index mo o BMI,
may drop down menu din kung smoker ka ba o nonsmoker
at presto pwede mo nang iclick at malalaman mo na ang resulta.
kung smoker ka mababawasan ng 7 taon ang maximum na tagal ng buhay mo.
iba iba rin ang resulta dahil iba iba tayo ng BMI.
may drop down menu din kung lalaki ka at babae.
maari ring isinaalang alang nito ang bansa mo, kahit wala sa fill-up form automatic naman nila itong malalaman sa pamamagitan ng IP address ng computer mo.
ang average na buhay ng mga pilipino ay; 68.45 para sa mga lalaki, at 74.45 naman sa mga babae

ibig sabihin, ako ay ipinanganak ng taong 1990 at kung 68 ang average life expectancy ko
1990 + 68 = 2058
2058 dapat ako mamatay? hindi malayo sa 2064 na hula ng deathclock
ibig sabihin tumagal pa ang buhay ko siguro dahil narin sa BMI ko.
oOo
eto naman ang isa pang kwentong death clock.
DEATH CLOCK TRUE TO LIFE STORY
kwento sa akin ni robin
" nung elementary ako may kaklase ako, mula grade one alarm clock ang natatangap niya sa exchange gift palagi ang kwento niya.
nung grade 3 ko siya naging kaklase. minsan nung christmas party sabi niya sa akin, "alarm clock nanaman 'to" tama nga siya at alarm clock nga nang binuksan namin!
ganun din ang sabi niya nung christmas party nung grade4,5 at 6.
alarm clock na lang palagi.
nung higschool di na kami nagkita,
nung 4th year highschool ako,nagreunion ung mga kabatch ko ng elementary. wala siya doon, ang kwento pa nga naaksidente daw siya! nasagasaan daw.
kilala mo yun kuya benjie, nakonyatan mo yun kasi makulit".

walangyang robin dinamay pa ako, di ko alam kung nagungunsensya siya o ano. pero ganoon pa man kinilabutan ako sa kuwento niya
hindi kaya may dahilan kung bakit laging orasan ang natatanggap niya?
hindi kaya paalala sa kanya iyon para tingnan ang mga oras niya?

nakakatakot!

No comments:

Post a Comment

Comments, Complaints, Reaction

Cryptobrowser