Una sa lahat Merry Chistmas sa iyo ,
pag nasa kalsada tayo mababasa niyo ung naimbentong salita ng mga sinaunang jejemons na PedXing,
ang ibig sabihin pedestrian crossing where X means cross? teka paano naman pag sinabing merry Xmas, edi kung bashin un EKSMAS o kaya CROSSMAS, hindi sumagi sa isip kong basahin ung CHRISTMAS dahil malayo ang salitang Christ sa X,
kaya mga bobong tagapagmana ng mali ang gagamit ng X pamalit sa Christ.
wag nating tatanggalin ang Christ sa pasko
ang alam ko kasi ginagamit ang X o ekis bilang simbolo ng mali o di-dapat.
halimbawa sa test paper, pag may X ibig sabihin mali,
kaya kung Xmas...
sa tingin niyo tama ba? di ba parang mali?
may nagsasabi naman na X ay parang Cross at ang cross ay sumisimbolo kay Christ,
medyo malayo ang ginagawa ninyong pakahulugan, bakit hindi na lang Plus sign (+) ang gamitin ninyo, o diba merry +mas kesa Xmas.
ayon naman sa pagsasaliksik ko sa wikipedia, nagsimula daw ang paggamit ng xmas, dahil ang X ay mula sa letrang griyego na chi at ang unang letra sa salitang griyego na "Χριστός" na kung bigkasin naman ay Christ, ang masasabi ko lang, ewan ko sa inyo, mas maganda siguro kung Cmas na lang, kasi english naman ang gamit natin at hindi alphabetong griyego.
salamat sa guro ko na si ma'am Asuncion sa Bagong Lote Elem. School. siya ang unang nagpaliwanag sa amin nito. at sumasangayon ako, wag tayong masanay sa mali, hindi ako isang pilosopo, tinutuwid ko lang ang mali at sinusunod ang naituro sa akin, at hindi nasayang ang pondong nilaan ng mahal na gobyerno para paaralin ako sa elementarya.
malaya kong tatanggapin ang mga komento ninyo at baka meron naman kayong punto de vista tungkol sa post na ito, pero sa ngayon dito muna ako sa alam kong tama
hindi ko papalitan ng X ang Christ sa Christmas
like niyo ako kung sumasangayon kayo
Merry CHRISTMAS
walang nag like?
ReplyDeleteHello mate great bloog
ReplyDelete