Wednesday, December 22, 2010

Friendster is my first love

nakakamiss talaga ang friendster,
sabi nga nila "firstlove never dies". sa friendster una akong natuto, doon ang unang account ko, sa kanya ako natutong magedit ng picture, kumalkal ng mga code, html etc.

sa Friendster.
doon ko nadiskubre ang marami sa aking katangian at talento.
nahasa ang aking talento pagdating sa graphics at creativity.

doon ako unang nakisalamuha sa maraming estranghero sa mundo.
doon ko nakitang muli ang mga lumang kaibigan ko. ang magagawa ng ibang social site ngayon ay continuation na lang ng mga nagawa ng friendster sa buhay ng maraming mga filipino.

sana kung maychat, lang ang fs baka makabawi siya. ung games eh di naman gaano kahalaga.
kung papipiliin lang ako,
Friendster vs Facebook
mas maganda ang facebook pagdating sa mga pakulo,
isa din sa namimiss ko eh yung pagcollect ng mga cute, naakatawa, corny, astig na mga testi
gusto ko sa friendster eh yung pwede kang mag edit ng profile mo, yun nga lang laging nagsa-site maintenance, at pagbalik ng friendster sira na ung profile na pinaghirapan mong pagandahin, sabagay kasi wala silang kita pag tinanggal natin ung advertisements nila. tuwing magaayos tayo.
nanawagan po ako sa mga developer ng friendster, marami parin po kayong loyalist dito.



No comments:

Post a Comment

Comments, Complaints, Reaction

Cryptobrowser