Monday, December 27, 2010

Mga Karaniwang Handa ng mga Pinoy sa Bagong Taon

Tuwing bagong taon, masaya ang lahat, kahit anong relihiyon ay sumasangayon na ipagdiwang ito. ang pagsalubong din sa bagong taon ang pagkakataon ng mga ninong ( tulad ko) na makabawi sa kanilang mga inaanak.
"inaanak, wala pang pera si ninong, sa bagong taon na lang ako babawi"
nakakasawa nang marinig, pero narealize ko na ngayon!

Karaniwan, mas maraming handa tuwing bisperas ng bagong taon kaysa pasko, maraming dahilan kung bakit ganyan, siguro dahil sa kaisipang ang pasko ay para sa mga bata, magparaya ka na, binibigote ka na, sa bagong taon ka na bumawi.
marami ring handa tuwing bagong taon dahil katatapos lang ng pasko, may aguinaldo may budget.
gumawa ako ng listahan ng sampung pinakakaraniwang handa ng mga pinoy sa pag salubong sa bagong taon:

Biko at mga kakanin
credits:google.com

Isa ang kakanin sa madalas na ihanda ng mga pinoy, masarap kumain nito,
suggestion ko, huwag kang gumamit ng kutsara sa pagkain at pagkatapos,
pwede mo nang paputukin ang pla pla,
i-youscoop ko ang magiging resulta.
Meron ding pamahiing mula sa mga intsik na ang mga pagkain na malagkit na tulad ng mga kakanin ay pampasuwerte sa relation ng pamilya, dahil ito ay malagkit magiging ganoon din daw ang bonding ng pamilya. ito na yata ang dahilan kung bakit marami sa ating mga pilipino ang nakadikit parin sa mga magulang kahit may sariling pamilya na.

Pansit
pansit, ang immortal na pansit, tinawag itong pampahaba ng buhay, ito rin ang handang palaging natitira at madalas napapanis na lang, abot kaya ang presyo nito at marami pa ang makakakain. lahat ng handaan hindi ito nawawala ewan ko ba kung bakit.

Spaghetti
pamalit sa pancit, medyo mahal nga lang kumpara sa pansit, pero bagong taon naman kaya oks lang. favorite ng mga bata. bukod sa pansit ang sphagetti ay tinuring na pampahaba din ng buhay, nakakakapagtakang bakit hindi ito nirerecommend ng mga doctor.

Lechon( crispy pata etc)
Iba ang pakiramdam pag may patay na baboy sa lamesa. masarap kaining nakakamay. ang cute nito at angsarap kurutin.

Adobo (manok, baboy, baka, etc)
Ang adobo, isa sa pinagmamalaking potaheng pinoy, mapaparami ka ng kanin pag ito ang inulam mo.

Dinuguan
madalas pag may lechon may dinuguan, mas naniniwala akong bagay ang dinuguan sa puto kaysa champorado at tuyo.

Leche Plan
trivia: ang leche ay hindi mura kundi spanish ng gatas

Salad (fruit, buko, vegetable etc.)
vegetable salad, fruit salad at buko salad, magkakaiba man ng pagkasalad, isa lang ang malinaw,
bilog ang mundo

Mga Prutas
siguro ito na yata ang hindi mawawala sa handaang pinoy tuwing bagong taon. mayroon tayong pamahiin na suwerte daw ang mga prutas na bilog dahil kahugis nito ang barya. pero hindi pa ako nakakakita ng baryang kasing laki ng melon kung meron man hindi na ito tinatanggap.

Inihaw na bangus, barbecue at iba pang kauri nito
Tuwing bagong taon maraming inuman, favorite ito ng mga magkukumpareng nagiinuman dahil masarap ipulutan.

Paalala:
ang mga datos na ito ay base lamang sa aking sariling pagmamasid at pagsasalikisik.
gumawa ako ng survey at tinanong ang sampung katao. ganito ang tanong
"ano sa sampu ang madalas na handa ninyo bago sumapit ang bagong taon?" pumili lamang ng dalawa,

a. biko at mga kakanin
b.pansit
c. spaghetti
d. lechon
e. adobo *baboy, manok, baka etc.)
f. dinuguan
g. leche plan
h. salad ( fruit salad, buko salad, etc)
i. mga prutas
j. inihaw (bangus, barbecue etc)

eto ang naging resulta:

LOADING...

o loading daw, maghintay ka baka bukas ulit may resulta na :)

ikaw ano ang sa tingin mo ang pinakamadalas na handa ng mga pinoy sa bagong taon?, pumili ng dalawa, pwedeng magcomment


2 comments:

  1. hehehe hindi talaga nawawala ung mga pasta kasi naging tradisyon na ata na pampahaba daw ng buhay kahit baGongtaon hehe,,, ^_^ ska ung kakanin para daw dikit dikit ang pamilya!

    ReplyDelete
  2. oo nga, ewan ko iba talaga ang bonding ng pamilyang pinoy

    ReplyDelete

Comments, Complaints, Reaction

Cryptobrowser