paano nga ba masasabing pinoy ka, ano nga ba ang mga karaniwang tumatakbo sa mga utak ng mga kaapo-apuhan ni lapu-lapu ngayong panahon. sa aking pagmamasid eto ang napansin ko sa panahon ngayon.
heto ang mga palatandaan ng isang tunay na pinoy, siyempre ang sasabihin ko ay ang sampu lamang, random ang gagawing kong pagkasunod sunod. halinat isa-isahin natin.
1. Whitening Products
Ang mga pinoy praning pagdating sa kutis, lahat sinusubukan mula sa katas ng kalamansi hanggang sa pagturok ng Gluthathione sa katawan para lamang pumuti, chin chun soo, mena, pati yung mga sabon at mga whitening lotion na iniindorse nang mga artistang dati ng mapuputi. marami rin sa mga pinoy takot na takot sa araw. maski mga lalaki di pahuhuli, may sikreto raw ang mga gwapo? --- nakangiti akong haharap sa inyo, at sasabihin na wala akong tinatago talaga!.
2. Problemado sa Ilong
ang mga pilipino ay natural ng pango, kaso dahil dumating ang mga kastila, itinatak nilang mas superior ang lahi nila. tayo namang mga pinoy naniwala, kaya gusto nating maging kamukha nila, kaya pinipilit nating magpatangos ng ilong,
3. Fil Am ang mga Atleta
sa Pilipinas uso ang import, pati national team natin puro fil am, yung iba panga hindi marunong magtagalog meron man , "mehel ko keyow" lang ang kaya.
4. Avid fan ng mga Foreign Drama
sa panahon ngayon, lagi na lang mga koreanovela ang nangunguna sa mga ratings, pilipino ka kung nasubaybayan mo ang marimar, maria del barrio, meteor garden, jumong, dong yi at iba.
sabagay kasi yung mga teleseryeng pilipino paulit ulit na lang, puno pa ng halikan at patayan, kalaguyo, laging may kidnapan, nawalan ang anak at kung ano ano pa. paulit ulit na lang ang kuwento nagbabago lang yung pamagat.
5. Die Hard Fan ng mga KPOP
nabalitaan niyo, number 1 lagi ang mga kpop albums? sa totoo lang wala namang akong naiintindihan sa mga lyrics ng mga kanta ng superjunior, big bang, 2ne1, wondergirls etc. may maintinihan man ako eh yung onting english na karaniwan ay yung title lang. pero sabagay tingnan mo ang mga koreano na mga yan, wika nila ang laging gamit nila. balang araw malulugi din ang kimchi nila,
6. Mahilig mag English kahit di kailangan
ang mga pinoy(hindi lahat) mahilig magsingit ng english sa usapan, mahilig mag taglish kahit di naman kailangan. ewan ko kung anong problema sa kanila/
7. Mahilig Ibahin ang Apelyido
marami sa mga pinoy ang hilig baguhin ang apelyido iba gusto tunog Fil-am.
halimbawa: John Batungbacal gagawing John Smith
ang di niya alam mukha siyang Fil-am (feeling americano)
meron namang ang gusto eh may pagka-japanese
halimabawa: Benjamin Bungcal gagawing benj yamaguchi (ewan)
meron namang ang gusto eh chinese o korean
Halimbawa: Andy Dilao gagawin niyang Andy Lao.
ang hirap tuloy nilang i-search sa FB
8. Imported na Damit
Marami sa mga pilipino ang proud na proud kapag ang suot nila ay imported. tulad ng nasa larawan, kailangan talaga nakabandera ang pangalang ng lugar na pinaggalingan. kamakailan lang umuso ang mga damit ng FMCC ang mga naturang damit ay gawa sa pilipinas at pinoy na pinoy ang design.
salamat kay master rapper kiko magalona sa pagtatanggol sa sariling atin.
9. Mabilis makalimutang magtagalog.
Marami sa mga pinoy, mga giliw kong tagapakinig, kahit 2 linggo o buwan lang magbakasyon sa ibang bansa kahit sa hong kong lang, nakakalimutan ng magsalita ng tagalog, laging ingles na ang gustong gamitin o kaya yung wika dun sa napuntahang bansa. (ewan ko ba)
10. Karamihan ng mga Kasangkapan ay Made in china.
pinoy na pinoy ka kung mula sa kasuotan, gamit sa bahay, gamit sa trabaho ay puro made in china ang nakasulat.
Ayan na ang sampung pinaka. Sa aking opinyon marami sa atin ang mga "utak kolonyal" o yung mga taong mas bilib sa produktong banyaga, madalas pa nga pag sinabing "lokal" pumapasok kaagad sa ating isipan na ang mga produktong lokal ay mahinang klase, mas gusto natin ng imported. dahil sa di natin pagtangkilik ng sariling atin marami ang naluluging negosyanteng pinoy. kawawa naman
wala namang masama sa pagtangkilik sa gawa sa ibang bansa. wag lang sana nating kalimutan ang sariling atin.
Paalala: ang blog na ito ay Gawa ng Isang Pinoy,kawawa naman
FILIPINO FIRST
kung meron man kayong suhestiyon, reklamo, reaksyon, papuri, pangungutya ay maari niyo pong idulog, maari lamang ay i-comment ninyo.
maraming salamat mga bata sa pag-basa. sana ay may natutunan kayong leksyon.
No comments:
Post a Comment
Comments, Complaints, Reaction