ang tula na ito ay isang pangyayari minsan sa tunay na buhay na pinagtagpi tagpi ko para maganda, na trip kong ikuwento, at ginawa kong tula para mas okay. sana ay maintindihan ninyo at magustuhan din.
Love Letter ni Crush Para kay Bes
ganado akong pumasok sa esk'wela
at nang umaga pa lang ay makita na
ang karikitan mo na wala sa iba
ang ngiti mo na wari baga'y gayuma
dito sa puso ko tanging ikaw lamang
ang aking inspirasyon at ina-asam
ngunit hakbang ay hanggang ligaw-tingin lang
sa lakas ng loob, ako'y kinukulang
isang tanghali, nagtanong ang maestra
nagkataon, makatumpak sami'y wala
ilang saglit, sagot aking naalala
ini-angat ang kanang kamay, "ma'am teka"
atensyon ng lahat nakabaling sa'kin
nag-aabang nitong aking sasambitin
sa lahat ay palibot na tumingin
anong saya ko at nakatanaw ka rin
laking tuwa, di dahil sagot ay tama
ngunit dahil, mga mata nati'y nagtama
kaya para muli't muli'y maulit pa
kailangan sikap , at magsikap pa.
halos kalahating taong nagkasya diyan
mapangiti ka'y malaki nang tagumpay
sapagkat tayo'y magkamag-aral lamang
di umaasa ng mas higit pa riyan
ng "recess", mag-isa sa kantina
lumiban kasi yung lagi kong kasama
"wala ang kaibigan mo?" may nagsalita
pamilyar na tinig ng isang diwata
para bang panaginip ang nagaganap
yung "crush" ko hayan at akin nang kaharap
"ikaw pala!" ang nasabi ko kaagad
umupo siya malapit at nakipag-usap
at mula noon lagi ng magkasama
at mas nagka-kilanlan pa tayong dal'wa
sa malapitan pwede nang makita
mamalas ang kislap ng 'yong mga mata
naging magkaibigan, naging magkaramay
magkasundo sa maraming bagay-bagay
pag-uwian, minsan tayo'y magkasabay
kahapon nga'y, may sulat ka pang binigay
ang saya-saya ko at sa labis na sabik,
pabalat, di na binasa, agad kong isinilid,
para bang naabot ko na ang langit,
ahihihi, ayayay. pag-ibig, nakakakilig.
"may gusto ka rin sa akin" sabi na nga ba,
pag-uwi ng bahay liham mo'y binasa.
pahalik-halik pa, habang ako'y nakahiga,
pahalik-halik pa, habang ako'y nakahiga,
ngunit, napansin ko, teka! pangalan ko'y wala.
puso'y nagpunit-punit, confetti tila
kaya pala, tanong mo ay puro siya
ako'y tulay lamang, ba't di ko nakita
"love letter" ay para sa kaibigan ko pala
masakit nga. tagos dre.
ReplyDeletetotoo bang nangyari ito?
Ayos ang konstruksyon ng tula! tamang tama swabe
ang totoo,
ReplyDeletemga pangyayari yan na pinagtagpi-tagpi ko para maging buong kwento kaya di talaga masasabing totoo,
bale kasi may kaibigan ako na ganyan yung nangyari, akala niya para sa kanya yung sulat, tapos sinamahan ko nang ibang tunay na pangyayari