Monday, March 11, 2013

Ang Dating Don

Sa isang lugar sa Saranggani ay may lalakeng mayaman. siya si Don Gerry--- may ari ng malaking palaisadaan
saksakan ng kunat at gulang ang taong ito. bukod dun eh may pagkamatapobre rin ang nilalang na'to
mistulang binabad sa kayabangan ang ugali niya.
ngunit marami rin ang nakakaalam na mula rin siya sa pagiging anakpawis.

lagi niyang ikinukuwento na noong binata siya eh nakapagtrabaho siya sa Banko Sentral ng Pilipinas (wow)
hindi niya naman kinukuwento na ang trabaho niya roon ay taga-guhit ng gilid ng piso nung araw.

Isang araw bumisita ang kanyang ina na nanghihingi ng tulong, ngunit sa halip na tulungan ito ay pinagwikaan pa ng ganito; "kaya kayo walang asenso, lagi kayo hingi ng hingi.
ay naku! sa tingin ko mas makakatulong ako kung di ko kayo tutulungan ng sa ganoon matuto kayong hindi umasa sa akin"

umalis ang kanyang ina na nanghihingi ng pambayad sa ospital bill ng kapatid niyang maykaramdaman.
totoo namang hingi ng hingi si aling maria kay gerry, yun naman ay dahil sa sampung beses na humingi ang matanda ng tulong eh daang beses naman itong tinanggihan ni Don Gerry.

maya-maya'y dumating si Don Pruke--isang mayaman na sinawsaw sa kayabangan.
malugod na tinanggap ni don gerry ang kaibigan, at masayang nag-usap.

Don Gerry: kumusta don Prekprek, este Pruke pala. nitong huli, sabi mo nang nakaraan eh isasakay mo ako sa bago mong yateng nabili sa napakalaking halaga

Don Pruke: Oo sana, kaso eh di natin magagamit ngayon, yung yate nabasa. tsk tsk tsk.

Don Gerry: ah ganoon ba, masyado palang sensitive yang yate, kaya ayaw kong bumili ng mga mumurahin.

Don Pruke: teka, eh, bakit di nalang yung sinasabi mong nabili mong submarine ang sakyan natin ngayon kaibigan?.

Don Gerry: ipagpaumanhin mo... (hindi pa nakakatapos ng sasabihin si Don Gerry eh sumabat na agad si...)

Don Pruke: hahahaha, huwag mong sabihining nabasa rin?!

Don Gerry: ah hindi naman kasing pipitsugin ng yate mo ang submarine ko. ang problema kasi yung submarine ko---lumubog!

natapos ang palitan ng mahahangin na salita ng dalawa at nagpaalam na si Don Pruke
lumipas ang ilang taon, isang wild fire ang kumalat sa lugar nila at kasamang nasunog ang malaking palaisdaan ni Don Gerry. marami kasing tambay na dumudura ng plema kaya naging plemable (Flamable)--- nakuha niyo yung wordplay?


nalugi ng malaki ang Don at nabaon pa sa utang, sumubok rin sa ibang negosyo at nabigo.
mahirap na Ang Dating Don (ADD)
humingi siya ng tulong sa mga kaibigan at koneksyon niya ngunit ito ang karaniwang sagot nila.
"sa tingin ko mas makakatulong ako kung di kita tutulungan"
naalala niya ang kanyang ina at humingi ng tulong at siya namang di matiis nito.
nadatnan niya rin ang kanyang kapatid na masaya siyang nakita at ilang araw ay pumanaw na.

napagtanto niya ang tunay na yaman na nararapat ingatan.

natuto na rin siya sa pagpili ng kaibigan.

naisip niya rin na may mga kaibigan tayong triple-triple ang cellphone ngunit di naman matawagan kung kailangan.

meron namang mga taong kahit di nga tayo magsalita eh nariyan at naiintindihan ka.


sa muling pagbangon ng dating Don.
unti-unting bumalik ang mga nawala kay Don Gerry.
mas naging matagumpay siya at higit sa lahat ----naging mas masaya :)

No comments:

Post a Comment

Comments, Complaints, Reaction

Cryptobrowser