Wednesday, March 20, 2013

Tama Pero Di Dapat

"Freedom of speech" salamat na lang at meron tayo niyan, malaya akong nakakapag-blog ngayon dahil diyan. pero dapat alam natin ang responsibilidad natin. mahirap yung banat ng banat!
parang pick-up lines kailangan alam natin kung kailan at paano gamitin(timing).
nitong March. 20, 2012. isang "status" ang nabasa ko sa friend ko. tungkol ito sa istudyanteng nag-suicide dahil sa problema sa eskuwela.
ganito ang comment niya:

"It isn’t her parents’ fault. Suicide is a selfish and self-centered way to deal with one’s problems. It is sad that she wasn't able to pay for her tuition, but I can bet you that the only person she was thinking before committing suicide was herself."

ang status na yan ay umani ng maraming likes, may mga nagcomment pa ng ganito.

"Siya tapos niya na ang problema niya, paano ang magulang niya. habambuhay na maghihinagpis."

Oo na, tama na kayo! kaso mali pa rin, tama pero di dapat.
maari niyo naman itong i-comment pero di ngayon, sa kasagsagan ng pagdadalamhati ng mga naiwan niya.
pero in-fairnes naman at nagsorry ang ilan sa kanila. nakakapagtaka lang at ayaw nilang idelete ang kanilang "words of wisdom(daw?)" na na-post.
may mga bagay talagang mas nakakabuti kung ipagpaliban muna o kaya naman ay kalimutan na lang.

hindi pwedeng maging pabaya tayo sa mga bibitawang salita. baka sa halip na mapabuti ay mapasama ka pa. nagmamalasakit ka lang ang lumabas, ikaw pa ang mali. laging ilulugar ang sarili.

Kahit galit ka, sikaping wag gumamit ng mura at mga maseselang salita lalo na't may mga bata.

Kung may matanda kang kausap at ito ay nagkamali kausapin mo ito ng buong galang at kagaya ng iyong ama kahit ikaw pa ang tama. 

may joke pa;  paano mo raw sasabihin sa katabi na bad breath siya. eto ang mga sagot..
"masarap ba talaga ang kinain mong durian?
"sibuyas ba agahan niyo kanina?"
" Wow pare ang baho ng hininga mo, kainggit ka"
"chat o text na lang tayo"
"anak ng... ambaho ng hininga mo!"

Pero di ba mas makakabuti na wag ka nang magtanong? 100% kasing mao-offend siya lalo na kung di kaniya close.
isa pa mas makakabuting wag ka na talagang magtanong para di niya na ibuka ang bibig niya. hehehe.
magtiis ka na lang, wag mong ipahalata na naiirita ka. tiis lang at may awa din si batman.

isa pa, tulad mo minsan nangigigil din ako sa mga sitwasyong ganito.
nakita ko sa facebook yung kaibigan ko na may kasamang sobrang hot na girl. minsan gusto ko nang maniwalang love is blind. biruin mo nakabulag yung mukhang ganoon(mukhang kontrabida). kung makita mo itsura non kasama yung girl, ay naku magdurobdob kang magcomment dahil kawawa yung babae.
LUGING LUGI TALAGA!.
kung may kapangyarihan lang ako. iuuntog ko yung girl nang magising.
gusto kong i-comment sa fb kung  anong hinalo niya sa alak----vetsin  ba o floorwax?
maraming masasakit na salita akong naiiisip. maraming panlalait akong nakikita sa mukha ng bestfriend ko.
mga salitang humihiwa ng laman at tumatagos hanggang buto.
hindi na ako makahinga sa tindi ng gigil at awa sa babae nang bumalik ang ulirat ko.
at "no comment" na lang ang isinulat ko sa comment.
hindi kaya ng kunsensiya ko na sabihing: "naks bagay kayo!"
sayang din ang kaibigan ko baka di niya maintindahan na nagsasabi lang ako ng totoo. kaya pinili kong manahimik at magkunwaring masaya ako nang maka-jackpot siya

kailangan mo talagang magtimpi. baka pag pinagsabay mo ang galit at talim nang salita ay makagat ng ngipin mo ang dila mo. ikaw din pala ang masasaktan. kaya chillax lang!
pabayaan mo na. minsan mas magandang manahimik na lang.
ang nawawala lang sa taong mapagkumbaba ay ang pride niya.

maging maingat sa pagbitiw ng salita. lahat tayo ay may karapatang ihayag ang damdamin. pero minsan talaga nagiging mali

"to be right is good but to be kind is better"
pero kung gustong mong "the best"--- gamitin ang puso't isip.

sana ay may natutunan ka, tulad ko na akala ko rati ay napakatalino ko at kaya kung harapin ang lahat. yun pala imbes na matalino ka tingnan eh nagmumukha kang mayabang, bastos at walang bait.
original link: http://sphotos-c.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash3/c67.0.403.403/p403x403/544180_437483696333243_1544629880_n.jpg


maraming salamat sa pagbasa, napaiyak ba kita?.

No comments:

Post a Comment

Comments, Complaints, Reaction

Cryptobrowser