Tayong mga pinoy mahilig sa himala, kahit ano napapansin, lahat binibigyan ng banal na kahulugan, kesyo ang mukha raw ni mama mary ay nasa puno nang saging, yung mukha raw ni Lord Jesus ay nakatatak sa isang pader, sa tinapay, sa bubong etc.
hindi lang naman sa pilipinas nangyayari ang pagkahumaling natin sa mga bagay na yan. maging sa ibang bansa. Himala nga ba o "Apophenia" --- Apophenia /æpɵˈfiːniə/ is the experience of seeing meaningful patterns or connections in random or meaningless data. (galing sa wikipedia)
sa madaling salita, likas na sa atin ang makabuo ng imahe mula sa isang bagay. halimbawa na lang sa mapa ng pilipinas.
sabi nang marami mukha raw "tao na nakaluhod" kung titingnan mo sa mapa.
sabi nang mga Christian, mukha raw donkey (donkey kasi yung sinakyan ni Lord nang pumunta siya jerusalem).
sa mga taga bilyaran naman, mukha raw nagbibilyar, yung palawan kasi parang braso na naka-planketa/.
sabi nang teacher ko, mukha raw sinaboy na kwintas na perlas,
at mukha raw gown para sa mga fashion designer, sastre at modista.
IKAW? ANO ANG TINGIN MO?
ano man ang tingin mo, ang naranasan mo ngayon ay ang tinatawag ngang "APOPHENIA"
hindi mo masasabing himala (agad) kasi maaring nagkataon lang naman. at hindi himalang magkataon nga dahil posible talaga. Nakakaranas ka ng Apophenia, dahil instinct nang mga nilalang yan para mag-survive, para makahanap ng pagkain at makaiwas sa panganib dati pa. maski hayop meron niyan. tanungin mo pa yung pusa niyo. Kasama yan sa package nang bigyan tayo ng talino ng Maykapal.
Anong napapansin niyo sa green na lupa (hindi yung kulay blue, si rasta yon), Wala ba?
ano? napansin na ba? (pwede mong alamin sa sarili mo at maglaro ng dota. kung di ka naman dota player ay pwedeng humingi ng tulong sa anak o kapatid mong kunwaring nag-aaral)
ANO BA KAYO! umiyak na kayo kasi iyan ang banal na imahe ni lord (pasensya na sa mga di maka-relate sa dota)
Eto ang picture ng hero sa DOTA. siya si LORD. ang Lord of Avernus sa Dota, siya ang mahal na ABADDON. magsiluhod kayo!
ayan ang napansin ko, tingnan ang red markings ko. hawig niya diba?
No comments:
Post a Comment
Comments, Complaints, Reaction