ang hinaing ng bata ay ganito.
Nanood siya noon. isang scene na nag-iiyakan si Perlas (Louise De Los Reyes, nasa tamang edad) at yung mahal na reyna Arowana (Angelica De La Cruz, nasa tamang edad).
Nasa ilalim sila ng tubig. malungkot na naguusap.
si Perlas ay umiyak. dito'y napamalas ni louise ang husay sa pag arte. tumulo ang kanyang luha.
Oo sa ilalim ng karagatan. paano kaya nangyari yun?
sabagay si spongebob nakapagkape sa ilalim ng dagat so can Perlas.
heto yung tagpo na tinutukoy ng bata ang problema ay blurred ang kuha sa internet kaya hindi makikita ang luha ni binibing louise |
Bakit siya sinusumbong? Ano ang problema ko? Namin?
wala naman, natatawa pa nga ako, kami.
sana ay marami pang gumawa ng mga tulad nito. sana maitampok si Louise sa "Ripley's Believe it or not" o "Stanley's Superhuman" dahil tunay nga namang kahangahanga ang abilidad niya na pagiyak at pagpapatulo ng luha mismo sa loob ng karagatan. ang isumbongmo.blogspot.com ay Proud sa'yo at sa GMA7.
Si Perlas habang nagsu-surf.
naglog-in siya sa Fishbook at nagpost sa Isdagram ( funny)
|
Ano kaya ang model ng Tablet niya? |
sa mga mambabasa. inaanyayahan ko kayong magkomento. at magmasid pa ng mga tulad nito.
ang panget talaga ng mga palabas ngayon sa TV, di mo na malaman kung seryoso o gaguhan nalang talaga e. dati sa dyesebel ng GMA7 kung san bida si Marian, may shellphone (sea-version ng cellphone). takte na yan. At pwede bang magsumbong? sumbong ko lang tong blog na to. ang sakit sa tenga ng putok ng baril kada open ng blog na to e. lol
ReplyDelete