Thursday, February 26, 2015

Pag-Ibig at Pag-Ihi

Pag-ibig at Pag-Ihi
by: Balong Bieber (UTI Patient) 

What is love? ano ang pagmamahal?,
Aray ko beh! hindi ko alam.
Kaysa pa pag-usapan yan.
Pinu-foodtrip ko na lang

Gaya ng Pag-ihi, ganun rin ang Pag-ibig.
Ikay mapapangiwi, sadyang nakakakilig.
Nakakaginhawa, minsan nakakasakit.
Napakasarap, oooh! ikay mapapapikit.

Minsan mahapdi, minsan madugo.
Minsan madalas. minsan kahit sa kanto.
Minsan di sadya. minsan pinilit ko.
Minsan bawal. may lugar para dito.

Maiinit siya sa pakiramdam,
Maalat siya sabi ng halaman.
Ito'y di mo nararapat paglaruan,
Ngunit pwede mong lagyan ng style.



Minsan di mo matiis, minsan may bato-bato.
Minsan marami, minsan onti po,
Taong nakatayo o nakaupo, nararanasan ng kahit na sino.
Depende sa iyo ang magiging kulay nito.

Friday, February 20, 2015

Oplan Hablot. Nag leak!

Natanggap ko via email ang tungkol sa sabwatan para paghiwalayin ang magkasintahang Darwin at Chelsey.
diumano'y ang utak rito ay si Jerry. nais niyang agawin si Chelsey. narito ang laman ng nasabing conspiracy plan.

------------------------------------------------------------------------------------------
(FEB. 3, 2015)
Jerry: eto yung tungkol sa plano. paghihiwalayin natin sila. .......bwuhahaha........
ganito ang plano. ikaw Eddie makikipagclose ka kay Delta (refers to Darwin). KASI BADING YUNG HAYUP NA YUN. so bale kailangan mainlove/mabading siya sayo. gumastos ka kung maari.  ikaw naman Jerby. mahalaga ang papel mo. pag naka-ipon ka ng isang kilo dalhin mo sa junkshop yung papel. bukod pa doon pogi ka, kailangan nandiyan ka pag nag taksil na si Delta (refers to Darwin) o sumama na siya kay  Eddie. Eddie wow.  then papogi pa more para mainlove siya sayo. makikita niyang may nagmamahal pa sa kanya.
yung dating pagmamahal ni "Chelsea my dear" kay Delta ay mapapalitan ng galit. .....bwahahaha....

oo panakip butas ang role mo. pero magpapakasal kayo. so doon na ako papasok  matutuloy ang kasal niyo.
pero sa marriage contract. imbes na Jerby, o pangalan mo  ang nakalagay roon. papalitan natin ng Jerry.  bwuahahaha
JERBY and JERRY, nakakadaya diba?

bwuhahaha

bwuahahaha

bwuahahaha

di niya mapapansin yon kasi magka tunog. Jerby at Jerry
magugulat na lang siya. "WHAT!".
may katibayan na ako at pirmado niya. kasal na kami hehehe.

sasabihin niya "OMG Mali."

eto isasagot mo. kunwari malungkot ka.

"huhuhu, taksil ka Che. huhuhu. pero masaya narin ako at ang pinalit mo ay deserving! wheeeW!...
dahil nandiyan na yan, pirmado na. Conrats na lang Jerry and Chelsea. more power to both of you. ... the newly wedded couple! wheeew! wheew! hooray"

malinaw yan ha brod . pagmakulit pa rin. takbuhan mo.

hehehehe

so... akin na siya. cheers!

stick to the plan team. walang ibang makaka-alam dito dahil mag-isa ko lang pinost sa fb. walang nakikinood sa likod ko kaya. sure ball to beybeh.

isa pa. tatawagin natin itong Oplan Hablot. ito ay secret masterplan. kaya secret siya.
at mananatiling secret hanggang MISSION COMPLETE.

para sa plan B. if ever na di magtagumpay.

kunin mo akong midwife. ok? copy that!

Jerby and Eddie: roger that!
--------------------------END OF CONVERSATION--------------
salamat sa nagbigay ng intelligence report.


alarming diba?
So kung kayo ay kamag-anak ni Chelsey o Darwin, may panahon pa para ipabatid ang napakahalagang impormasyon na ito. andito lang ang inyong lingkod, b3n 2Lfowh. umaalalay!

Thursday, February 19, 2015

SUMBONG: Tindahang Ubod ng Bagal

Emergency! kulang ang mantika.

"anak bumili ka ng mantika at kakapusin tayo, pakibilis."

kaya tumakbo ka sa tindahan.

"opo mamah".

dahil nagmamadali, nakalimutan mong ang tindahan na pinuntahan ay kilala sa bayan dahil sa sobrang bagal magtinda. anyare?!#$  syempre maghihintay ka, useless yung pagkaripas mo ng takbo. kahit nangangatog ka na at di mapakali, wala kang magagawa kundi maghintay ng matagal.
galing rito ang larawan 
 pag-uwi, di rin naka-abot yung mantika. magagalit si nanay at pagtiya-tiyagaan niyong kainin ang prinitong lasang sunog. sad diba?
ULAM NA NAGING ABO PA :(
siguro naranasan mo na ito, bumili at maghintay ng siyam-siyam sa tindahang ang bagal.
kung hindi pa. ay naku napakasuwerte mo. higit kang pinagpala.
napuno ang inbox ko ng mga sumbong tungkol sa tindahang mabagal sa ibat-ibang dako ng pilipinas.
mayroon pang kuwento ng batang bumibili na inabutan ng curfew.
ang kaso na ito ay di dapat ibalewala lang ng gobyerno. maraming bata ang nakakatikim ng palo mula sa mga magulang. may iba pa nga na inun-friend at bina-blocked sa fb. (ANONG KLASENG NANAY YAN!)
akala ng parents nila ay naglaro lang ang mga kids kaya natagalan.
pero ang puno't dulo ay napabili sila sa tindahang ang bagal kumuha ng paninda at ang bagal ding manukli.
yung yelo natunaw na bago maiabot sa bata.


batu-bato sa langit ang tamaan 'wag magagalit.


nakakainip pong mag hintay ng napakatagal. di naman siya nakakamatay pero nakakadengue.
panu ba naman daming lamok. may tindahan sa amin lagi kong iniiwasan pero may time talagang napapabili ako. nagbabakasakali na yung nagtinda eh yung apo niya. opo ang tindero talaga roon ay si mang ___. siya ay senior citizen.
(kaya pala.)

pero may mas malupit pa diyan. sa dati naming tinitirhan sa Pasay.
pinakagrabe yon. magkakabalbas ka sa kahihintay. pag-uwi mo sa bahay mo advanced na ang technology. taon na pala ang nakalipas sa kahihintay. kung estudyante ka ay male-late ka. kung masakit ang ngipin mo ay magaling na bago ka pa makabili. may-edad na rin ang tindero at tindera kaya no choice. manigas ka o lumipat ka!

hindi ko kinukunsinte yung mga mamimili na bastos lalo na yung mga bata. hindi ka naman pinipilit na bumili sa mga tindahang mabagal much. kung may sasabihin ka at di maganda wag mo nang sabihin. gumamit ng magagalang na salita kung may nais sabihin.  iwasan ang pakikipag-away.

kaso dama ko ang pakiramdam niyo. gusto mong sumigaw diba?

kaya eto ang purpose ng blog na ito. kung may hinaing kayo sa mga tindahan na ang bagal magtinda ay dito isumbong. mag kuwento rito tungkol sa experience mo at imbes na makipag-alitan, gawin nating nakakatawang ala-ala. at malay mo mabasa nila at matauhan. balang araw.

halina't gamit ang FB ay pwedeng ikuwento sa fb comment box. meron ring blogger comment box para sa ibang options.


Wednesday, February 11, 2015

Mga PamahiinTungkol sa Pagtutuli


Narito ako ngayon para maghatid ng mga kaalaman ,  paniniwala o pamahiin natin patungkol sa pagtutuli.
Narito ang ilan sa mga pamahiin tungkol sa pagtutuli.

1.Tagpos Lang Maliligtas este Matutuli?
Pag di ka pa tuli o supot. natatakpan pa ng balat ang ulo ng pototoy mo. Pag magpapatuli, "tatanungin ka kung tagpos ka na ba?"
Ibig sabihin ng "tagpos", Labas na ba ang ulo ng kuwan mo? Kasi kung nakadikit o nakakapit pa ang balat at nababalutan pa ang surface ng ulo. hindi ka pa tagpos.
Kailangan maipalabas mo ang ulo at ipakita sa magtutuli sa'yo bilang pruweba.
May operasyon naman na di problema kung hindi. Sila na ang magtatagpos ora mismo.
So makatuwid kailangan tagpos na, pero may paraan naman kung hindi pa. Tignan mo may mga bata na tinuli na noong sanggol pa lamang.
Pero siyempre, mas madali at mas mainam kung tagpos ka na o ang bata, o ang matanda o ang tatay mo.
Pero pwede ring di na lang magpatuli. your choice teh,
Andito lang naman ako para ihayag ang ilang ek-ek tungkol sa pagtutuli pati na rin ang mga pang-iinsultong mangyayari at mangyayari talaga sa iyo if ever na sumagot ka ng "Ayoko"

2. Nakakatangkad ba?
Nakakatangkad raw ang pagtutuli. Wala namang "Scientific Basis". Kung meron text mo ko.
At kasi average height ng mga pinoy 5''5' lang. naka heels na yan. Sa tingin ko walang kinalaman sa pagtangkad ang pagtutuli. Kung meron text mo uli ako huh. alam mo na ba number ko?

3. Mangangamatis Kapag Nakita ng Babae.
Nangangamatis raw pag nakita ito ng babae? Sagot ay "Hindi". hindi naman maiiwasan ang pangangamatis, masama mangalabasa. ahihi. Sugat kasi iyan.
Mangangamatis o mamaga parehas lang yon. Sundin ang reseta ng doctor para maiwasan ang impeksiyon at mapadali ang pag-galing.

4. Mutaing Anak
Magiging mutain raw ang magiging anak ng lalakeng di pa tuli . Ewan, pero google niyo yung mga anak ng mga europeong supot.

5. Bading ka raw Pag di ka Tuli.
judge mental?

6. Bayabas as Panlinis o Panlanggas. 
Anti-biotic ang katas ng dahon ng bayabas, mas makatas ang sariwang dahon nito. pumitas din ng bunga at bigyan ako.

7. Religious Ritual 
sa Israel tinatawag na hentil ang mga hindi tuli.--- dito sa amin supot.

8. Personal Hygiene 
Ayon sa balita. maliit ang tsansa ng mga tuli na magkaroo ng STD (Sexual Transmitted Disease).
Mawawala rin yung kups (mabahong substance sa pototoy) pag tuli na. kumbaga sa mata wala ng muta.
Patuli ka na for better.

9. Tuling Pukpok. 
Kadalasang ginagawa ng mga albularyo gamit ang labaha.
Papanguyain ka ng bayabas. tapos idudura mo ito sa sugat/cut ng pototoy. Sisigaw si manong "next".
After niyan isasauli niya na ang hiniram na labaha sa kaibigan niyang barbero.

10. Malamig na Halo-halo 
kahit anong malamig para bumagal ang pagdurugo ng sugat at marelaks ka ng di ka himatayin pag nakakita ng dugo.

Ayan na ang Mga PamahiinTungkol sa Pagtutuli. Parte na ng kultura natin at ng masayang kabataan. ang buhay nga naman ay parang ganyan din. walang mapapala ang takot. lakasan ang loob at sa huli mapapangiti ka na lang pag sinariwa mo ito tulad ko. Halina't magpatuli.
hanggang dito na lamang at salamat sa pagbasa, mabuhay ka!


Cryptobrowser