Narito ako ngayon para maghatid ng mga kaalaman , paniniwala o pamahiin natin patungkol sa pagtutuli.
Narito ang ilan sa mga pamahiin tungkol sa pagtutuli.
1.Tagpos Lang Maliligtas este Matutuli?
Pag di ka pa tuli o supot. natatakpan pa ng balat ang ulo ng pototoy mo. Pag magpapatuli, "tatanungin ka kung tagpos ka na ba?"
Ibig sabihin ng "tagpos", Labas na ba ang ulo ng kuwan mo? Kasi kung nakadikit o nakakapit pa ang balat at nababalutan pa ang surface ng ulo. hindi ka pa tagpos.
Kailangan maipalabas mo ang ulo at ipakita sa magtutuli sa'yo bilang pruweba.
May operasyon naman na di problema kung hindi. Sila na ang magtatagpos ora mismo.
So makatuwid kailangan tagpos na, pero may paraan naman kung hindi pa. Tignan mo may mga bata na tinuli na noong sanggol pa lamang.
Pero siyempre, mas madali at mas mainam kung tagpos ka na o ang bata, o ang matanda o ang tatay mo.
Pero pwede ring di na lang magpatuli. your choice teh,
Andito lang naman ako para ihayag ang ilang ek-ek tungkol sa pagtutuli pati na rin ang mga pang-iinsultong mangyayari at mangyayari talaga sa iyo if ever na sumagot ka ng "Ayoko"
2. Nakakatangkad ba?
Nakakatangkad raw ang pagtutuli. Wala namang "Scientific Basis". Kung meron text mo ko.
At kasi average height ng mga pinoy 5''5' lang. naka heels na yan. Sa tingin ko walang kinalaman sa pagtangkad ang pagtutuli. Kung meron text mo uli ako huh. alam mo na ba number ko?
3. Mangangamatis Kapag Nakita ng Babae.
Nangangamatis raw pag nakita ito ng babae? Sagot ay "Hindi". hindi naman maiiwasan ang pangangamatis, masama mangalabasa. ahihi. Sugat kasi iyan.
Mangangamatis o mamaga parehas lang yon. Sundin ang reseta ng doctor para maiwasan ang impeksiyon at mapadali ang pag-galing.
4. Mutaing Anak
Magiging mutain raw ang magiging anak ng lalakeng di pa tuli . Ewan, pero google niyo yung mga anak ng mga europeong supot.
5. Bading ka raw Pag di ka Tuli.
judge mental?
6. Bayabas as Panlinis o Panlanggas.
Anti-biotic ang katas ng dahon ng bayabas, mas makatas ang sariwang dahon nito. pumitas din ng bunga at bigyan ako.
7. Religious Ritual
sa Israel tinatawag na hentil ang mga hindi tuli.--- dito sa amin supot.
8. Personal Hygiene
Ayon sa balita. maliit ang tsansa ng mga tuli na magkaroo ng STD (Sexual Transmitted Disease).
Mawawala rin yung kups (mabahong substance sa pototoy) pag tuli na. kumbaga sa mata wala ng muta.
Patuli ka na for better.
9. Tuling Pukpok.
Kadalasang ginagawa ng mga albularyo gamit ang labaha.
Papanguyain ka ng bayabas. tapos idudura mo ito sa sugat/cut ng pototoy. Sisigaw si manong "next".
After niyan isasauli niya na ang hiniram na labaha sa kaibigan niyang barbero.
10. Malamig na Halo-halo
kahit anong malamig para bumagal ang pagdurugo ng sugat at marelaks ka ng di ka himatayin pag nakakita ng dugo.
Ayan na ang Mga PamahiinTungkol sa Pagtutuli. Parte na ng kultura natin at ng masayang kabataan. ang buhay nga naman ay parang ganyan din. walang mapapala ang takot. lakasan ang loob at sa huli mapapangiti ka na lang pag sinariwa mo ito tulad ko. Halina't magpatuli.
hanggang dito na lamang at salamat sa pagbasa, mabuhay ka!
No comments:
Post a Comment
Comments, Complaints, Reaction