hindi palusot, hindi pwedeng ikatwiran.
ngunit ito ang masakit na katotohanan.
marami sa atin ang ignorante diyan.
ang kaalaman sa batas ay gaya sa matematika,
kailangan sa buhay nang hindi madaya.
kaya ang blog na ito ay may panukala,
batas at karapatan, ituro sa eskuwela.
Walang maloloko kung walang nagpapaloko,
kung alam mo ang batas, ilag ang dorobo.
hindi ka na kakayan-kayanin ng mga konyo,
sa batas pantay ang pagtrato sa inyo.
gumagrabeng agwat ng mahirap at mayaman.
ay ibabalik natin sa pagkakapantay-pantay,
dalas at bilang ng mga inaapi at iniisahan.
ay mabilis na mababawasan o mapaparam,
sana nga ituro na mula sa elementarya.
dahil mahalagang matuto ng maaga.
karapatan at batas na meron ka,
meron rin sila, kaya igalang mo nawa.
ito ang pandaigdigang kalasag ng kahit sino.
ang konsiyensa mong magsasabing "oops illegal 'to".
bayan natin bubulusok sa pag-asenso.
uulitin ko, Batas at mga Karapatan, sa Eskuwela'y ituro.
:Rap remix:
yeah its b3n 2lfowh in the haws!
(make some noise)
I wish everyone knew the law,
their rights and how it fl-flows....
kung tutulungan lang ng goverment
gawing maalam ang kanilang constituent.
ang batas at karapatan, Ituro sa Eskuwela.
kailan? (kailan)
kailan? (kailan)
kailan? (kailan)
s-sana dati pa.
Sana dati pa (repeat until fade)
http://involuntaryignorance.blogspot.com/ |
No comments:
Post a Comment
Comments, Complaints, Reaction