INTRO
Ahh, hooh
Ahh, hooh
CTG kita, miss, miss pakipot
CTG kita, miss, miss suplada
CTG kita, miss, miss maganda
Sa palagay ko, mahal na nga kita
Ooh
Miss, miss, miss, ba't ang suplada mo
Sayang ako'y in love sa 'yo
Pero teka, teka, teka, teka, teka
Ganyan na ba talaga ang ugali nila
Baka naman ay nagpapakipot lang
Ilabas mo na baka mapanis lang
But I guess sa mukha kong ito
Ikaw ay magkakagusto (swing)
Okey lang sa akin kung iyong sasabihin
Na ako ay mayabang o mahangin
But I know may chance pa ako
Na makamit ko ang matamis mong "oo"
Ooh
CHORUS
Crush kita, miss, miss pakipot
Type kita, miss, miss suplada
Sorry ka, miss, miss maganda
Sa palagay ko mahal na nga kita
Ooh
What's the use of beauty kung ikaw ay ganyan
Pati ang puso ko ay nahihirapan
Halos araw-araw kitang inaabangan
Sinusulyapan at napapanaginipan
Hindi ka na maaalis sa aking isipan
Para kang si Eba at ako si Adan
Everything I do, I do it for you
'Cause there's no more love than my love for you
Ang pag-ibig ko sa 'yo 'sing bango ng Polo
'Sing tamis ng Milo, 'sing sarap ng Nido
I want you to know ang pag-ibig ko sa 'yo
Ang pag-ibig ko sa 'yo sagad hanggang buto
Ooh
[Repeat CHORUS]
Ahh
And one year fades sa paghihintay
I got her "oo" sa malupit n'yang kamay
Kaya ngayon kami'y magkasama
Sa lungkot at ligaya
Ooh
--------------------------------------------------------
Sa tuwing maririnig ko ito. parang bumabalik ang mga ala-ala. bata pa ako nang lagi ko tong naririnig. favorite 'to ng mga kuya at pinsan ko.CTG kita, miss, miss pakipot
CTG kita, miss, miss suplada
CTG kita, miss, miss maganda
Akala ko nga rati "chipi-chipi gum" imbes na "CTG kita"
ang meaning nga pala ng CTG ay Crush, Type, Gusto. okey ba mga bata?
ngayon ang rap, kamusta?
yung mga kanta kaya ngayon ay magtatagal at uulit-uliting maririnig din ng mga susunod na henerasyon?
maliban sa mga kanta ni sir Gloc9, bassilyo, ron henley at ng iba pa. wala ka nang matinong marinig.
yung boses, yung tugtog, yung lyrics ewan.
AYOKO TALAGA NG MGA RAP NGAYON. buti pa rati.
sabi naman ng iba edi wag ko raw pakinggan.
hindi naman sapilitan ito.automatic, binansagan nila akong haters o bashers. sadnu?
sa kasamahang palad, lagi kong naririnig ito sa Jeepney (pag under maintenance ang private chopper ay nagko-commute ako). hindi ko naman pwedeng takpan ng kamay ang mga tenga ko. (para akong nang-aasar non.)
pagnaririnig ko yung garalgal na boses ng mga rapper na tila naga-amok. humahaba ang nguso ko at umaasim na parang nalulukot ang aking mukha.
para akong naka-amoy ng utot. eeewww
tapos magagalit pa yung katabi ko?
"nakiki-amoy ka na nga lang, galit ka pa."
"ang bango bango kaya?. parang narerejuvenmate yung kaluluwa mo kaya."
"takpan mo na lang ilong mo, ang te-arts mo"
tulad ng ilong, nasasaktan din ang tenga.
Opo tama po walang pilitan. nasabi ko lang naman ang opinyon ko.
pero kung tutuusin. wala naman ding masama kung tatanggapin ito bilang guide.
SURE ITO BEYBEH!
Meron akong blog, puro jokes. may natawa at meron namang nagcomment ng ganito; "ano ba yan makaloma na, ang corni ng mga jokes,"
isang kritisismo, nakaka sad syempreh. pero imbes na magbigti. sinubakan kong alamin kung ano ang corni, pinalitan ko, inayos at naging mas mapili sa mga jokes. natutunan kong mahalaga ang opinyon ng iba. lalo na yung honest opinion.
ang naging resulta. tumaas ang pageviews.
ganun din sa rap ngayon. imbes na magtampo bakit hindi natin ichallenge ang sarili para tumaas pa ang kalidad ng mga awitin. makinig ng kantahing de kalibre. at suportahan ang mga artist na talagang may sense.
wag pairalin ang pagiging panatiko. i-push ang mga idol natin na gumawa ng magagandang kanta at huwag kunsintihin pag tae ang binebenta.
pag nangyari yun. ilang magandang kanta taon-taon ang mapro-produce ng industriya. pyesta ang tenga natin at sure akong may potential ang mga pinoy sa international scene. sa bagay maski naman sa hollywood. may mga kantang basura. kung ikaw ay fan di JB, wag sanang magalit. ako ay nagsasabi lang ng opinyon ko.
Quote of the DAy |
kung may regular haters ka na lagi na lang pamumuna, natural lang yan siguro sikat ka na o sikat na ang idol mo. tulugan mo na lang, magkakamuta ka pa.
maraming tao ang pangaral ng pangaral. di nagtira para sa sarili. ayun malungkot sa buhay. sarili niya di napangaralan.
No comments:
Post a Comment
Comments, Complaints, Reaction