Tuesday, May 12, 2015

Paano Maligo

naiinggit ka, kaso wala kang magawa,
gusto mong gawin, ngunit di mo kaya.
paano nga ba maligo? ang tanong ng marami, Paano ang kanilang iyak?
huwag mag-alala at nandito ako. b3n 2Lfowh aalay po ng tiyak.

Paano Maligo
Maaga akong natutong maligo. tandang tanda ko pa bata pa ako  -kurt 5,
Malabon


Paano Maligo
Masarap maligo --- Eva

Para sa mga first time pa lang maligo. narito ang instructional guide kung paano maligo. simple lang at madaling matutunan.

Materials: Balde, tabo, adequate water, tuwalya, sabon at shampoo (optional).
basta meron ka ng nabanggit na mga materials ay pwedeng mag undergo sa pagliligo.
ngunit kadalasang sa banyo ito isinasagawa. para na rin sa privacy mo.

1st Step: Prepare Yourself
pwedeng maligo ng nakadamit. pero masyadong advance yon at inhuman. kaya prefer ko ang mag take off ng clothes kung maliligo.

2nd Step. Magbasa
punan ang balde ng tubig, sumalok gamit ang tabo. at ibuhos ito sa katawan. siguraduhing nabasa mo ang 100 % ng iyong outer space.

3rd step : Cleansing
A: then gamit ang sabon. linisin ang buong katawan. gumamit ng panghilod para sa better cleansing. may gumagamit ng bato na panghilod. pero advance bathing na ito at risky para sa mga beginnner gaya mo.
Warning: mapait ang sabon at masakit sa mata. onting tiis lang. wag magpanic. hanapin ang tabo kapain kung di makakita. relax at buhusan ang mukha mo.
B: I-Apply ang shampoo sa buhok.

4th step. Magbanlaw
Gawin lang ang ginawa sa "2nd step". siguraduhing wala ng sabon o shampoo ang sarili.
ito ang pinaka exciting na parte. baka maadik ka pa sa pagbabanlaw. malamang mangungulobot mga daliri mo, maging color rainbow ang labi mo at di ka na magpanext sa susunod na gagamit ng banyo sa sobrang saya.
para sa masayang pagbabanlaw. itaklob ang may lamang tabo sa ulo mo at hintaying maubos ito.
sa huling banlaw. buhatin ang baldeng may 20% na laman. at ibuhos sa sarili.(LaMIIIggG!!!)
'Wag matakot sa tubig -andi (Agua Bendita)
5th: Drying
punasan ang sarili gamit ang tuwalya o kahit tissue paper.

6th and final step: Paraphrase.
finalyzing operation... (remember) magtapis kung lalabas ng banyo.
magsuot ng malilinis na kasuutan, magsuklay at mag pulbos paraphrase. (para fresh).

Ayan! Congrats marunong kanang maligo. mag celebrate and i-share sa friends mo sa facebook ang magandang karanasan.
ang pagliligo ay araw-araw, pwede ring twice or thrice or more everyday. may advance bathing din na gumagamit ng bath hub at shower instead na traditional na tabo.  kung kaliwete, walang problema dahil suitable for both right handed and left handed ang tabo.

TIP: para happy ang pagliligo. pwedeng kumanta o sumayaw at kahit sabay. merong sumisipol at tumutula. meron ding nagsha-shadow boxing. merong umiiyak. nag ala-Gary V o michael jackson. depende sa trip mo. meron ding advance bathing na naglalagay pa ng disco ball.

may rumors din na nang mga artista ay gumagamit ng fresh milk sa paliligo dahil nakaka-nourish at nakaka puti raw umano ito ng balat. ngunit magastos ito at hindi tayo 100% sure, kaya
inumin na lang ang gatas. siguradong healthy ito sa balat dahil sa mga sustansiya nito. kesa sayangin lang.
makikinabang din ang brain, eyes, bones at other body organs sa calcium content nito.

ngayon at nagbago na ang lahat. marunong ka nang pangalagaan ang sarili mo. mahalin ang sarili at ang kapwa. maligo araw araw at wag katamaran. kung ang sardinas nga may LIGO, dapat ikaw rin may ligo.

salamat sa pagbabasa. sana ay nakatulong ako. para sa iba pang impormasyon, magcomment lang rito. malulugod akong pakinggan ang mga opinyon, tanong at reaksyon ninyo. salamat.


No comments:

Post a Comment

Comments, Complaints, Reaction

Cryptobrowser