Sunday, March 4, 2018

Tips Para Di Malate


matagal na rin ng huli akong nagpost ng bagong katha.
busy kasi sa work daming trabaho.
pero dahil din dun kung bakit ako naka-isip ng ikukuwento.

Madalas ka bang Malate?

Ito ang pangunahing dahilan.
malayo, traffic, o tinatamad ka na sa trabaho mo.
may nakaaway, may ayaw makita sa trabaho. natambakan. blah blah blah. nye nye nye.
in short tinatamad ka

paano mo lalabanan ang katamaran kung tinatamad ka?

tsk tsk tsk. walang gamot sa katamaran  kundi pag kukusa. narito naman ako si b3n 2lfowh ang inyong lungkod upang magbigay ng mga helpfull tips
para maiwasan ang late na may kakambal na stress.

1. Inspirasyon.
Mahirap gumising ng maaga kung mukhang paulit-ulit na lang.  humanap ng inspirasyon, pwedeng gumising para sa mahal sa buhay, sa kapatid na pinapa-aral, sa nanay mong hanggang ngayon ay nagtratrabaho pa rin, o kahit sa loveones pwede. Masarap magtrabaho lalo na kung iisipin mo kung paano ka nagsimula. kumbaga yung iba nag-aaply/sumusugal pa lang ikaw nagtatrabaho na. isipin mo na ginagawa mo ito hindi lang sa pera kundi para sa Diyos at para sa iyo na maging huwaran ka sa iba.  isipin mo ang benefits ng pagiging di late o absent. kahit na di ka ang pinakamagaling ikaw naman ang mr. NICE GUY . masarap sa pakiramdam pag naunahan mo ang guwardiya. kung madalas late malamang ay nasisi mo ang byahe, ang traffic, katrabaho mo, boss mo, kasama mo sa bahay kaya ka na late.
pero lagi kang magfocus sa solusyon at huwag sa problema. unahan mo ang problema (traffic)  bago pa ito magising.

2. Matulog ng Umaga
Ugaliing matulog ng maaga, uminom ng sapat na tubig, at  mag basa ng blog ko. isumbongmo.blogspot.com. madaling gumising kung full charge ka.

3. Buksan ang mga Media devices
Pagkagising buksan ang TV, Radio o Mp3 para mas active ka pag kagising. bantay mo pa ang oras dahil ang isang kanta ay natatapos ng 3 minutes. budget mo ang oras ng di na palingonlingon sa wall clock.

4. Magtootbrush Kaagad,
Well simple lang ito, nakakagising kasi ng diwa ang pag tootbrush. hindi nakakatamad kaysa pagligo. para ka ring nage-exercise at mabubuhay kaagad ang dugo mo. may kaibigan akong di na nga naliligo katwiran niya nagsipilyo nanaman siya eh.

5. 'Wag Magtootbrush
Wag ka sanang maguluhan, dahil una pinag sisipilyo kita tapos ngayon hindi. pero think about it. kung di ka magsisipilyo 20 minutes rin ang matitipid mo. see?

6. Unang Banlaw.
Marami ang tinatamad maligo dahil sa lamig ng tubig. pero sabi nila unang buhos lang naman ang mahirap. ang tip ng Visor namin dati binabasa niya muna paa niya. para makondisyon at di na siya gaanong malamigan pagmagbubuhos na siya ng buong katawan kahit mag shower kaya mo na ang lamig.  pwede ring iwasan mo ung unang buhos.

7. 'Wag Maligo
Magulo talaga ako mag tips. pero parehas ng tip number 5. makakatipid ka naman ng 45 minutes hanggang 1 oras kung di maliligo. use your head.

8. Ilayo ang alarm clock.
kung nasa tabi mo lang ang alarm clock madali mo siyang patayin. pero try mong nasa malayo at malakas. tatayo ka muna bago mapatay ito.

9. Ilapit ang alarm clock,
para mas maingay.

10. Magpaiba ng Schedule
makiusap sa kinauukulan na wag itapat yung oras ng gising mo sa oras ng pasok. onting kosiderasyon naman ho.

11, Sugar Rush
kumain ng peanut brittle, magkape, milo, o chocolate bilang sugar rush. pampagising,

12. Wag na Babangitin sa isip ang 5 minutes pa.
masarap matulog, wala nang singtatamis sa 5 minutes na yan. bakit ang damot ng mundo. 5 minuto lang naman, kaysa namnamin ang nakaw na sandali.wag na padalasin ang minsan. bumangon na at gawin ang mga tips ko, its worth a try. effective yan!

Para karagdagang tips, may pabirong nagsasabing umabsent ka kung ayaw mong late, ilapit mo yung school o workplace mo sa bahay niyo, wag magtrabaho etc. hindi ko na sinama kasi gusto ko sampu lang, para masaya. ang lahat ng nilalaman ng post maging buong blog na ito ay birubiruan lamang wag po laging seryoso. sana ay may natutunan kayo kahit alam kong wala,
'Yan lamang po, salamat sa pag basa. salamat din sa mga natanungan ko. JR. Robin, Umeng, Kuya Ding, Tedi at sa Google.com at  facebook,com/SHS-Confession .

pwedeng magcomment, ako bahala.


No comments:

Post a Comment

Comments, Complaints, Reaction

Cryptobrowser