Sunday, April 8, 2018

Alamat Ng Giraffe


Alam mo ba ang Alamat ng Giraffe? Narito ang maiksing alamat tungkol sa pinagmulan ng giraffe. Magsisimula ang lahat sa isang eskuwelahan.

Kasalukuyang noong nasa silid-aralan si Raffy ngunit hindi naman nakikinig sa leksiyon. Katabi niya ang mga kamag-aral na pawang mga tamad din at kopyador gaya niya.
Nakagawian na ng kanilang Guro magbigay ng maiksing pagsusulit pagkatapos ng leksiyon.
Kampante naman ang grupo ni Raffy na may maisusulat sa papel. Bakit kaya?

Pagkatapos ng mga tanong. Oras na para magpalitan ng papel ang magkatabi.
Sasabihin ng guro ang tamang kasagutan mula una hanggang pagsampung tanong.
At iyon ang Tseking.
Nakangiti naman si Raffy dahil sila-sila lang kasi ng mga katropa niya ang nagpalitan. Mayroon silang panibagong papel. Blanko ito at saka lang nila ilalagay ang tamang sagot pag sinabi na ng titser. ganoon ang ginagawa nila madalas.
Napapansin ito ni Lyn na binabansagan nilang kabayo ngunit tumatahimik na lang sa takot maasar.

Pagkatapos ng "tseking", ibabalik na sa katabi o sa may-ari.
Ngayon nama'y ipapasa na ang papel. tatawagin ng Guro ang nakakuha ng "perfect 10" pababa sa "perfect Zero".

"May nakakuha ba ng perfect 10" Wika ng Guro.

Nagsitaasan ang mga nakakuha, kasama sila raffy.
Hindi na kinaya ni Lyn ang pandaraya nila raffy. kaya pinagsabihan niya ito.
"nyeehaaa, perfect 10 kayo? walang mali raffy? ayos ha?" reklamo ni Lyn habang  pasipa-sipa pa sa lapag sa labis na kainisan.
"Edi 9 na lang" sagot ni Raffy.
Binago nila ang score at ginawang 9 para di na magreklamo si Lyn.
Hindi naman sila gaanong pinansin ng guro. ang nasabi lang ng ginang.
"Hindi ako ang niloloko niyo, kundi sarili niyo"

Ibat-ibang klase ng pandaraya, pangongopya at pag-gamit ng kodigo ang ginagawa ni Raffy. Hindi siya nag-aaral ng mabuti para may sagot bagkus inaaral niyang pahabain ang leeg para mangopya.
nagkakataon pa ngang mas mataas pa ang nakuha niyang score kumpara sa kinopyahan.
para sa kanya. REVIEW is USELESS, KODIGO is the BEST. diyan siya magaling.
ngunit isang araw. hindi na pumasok si Raffy.
nabalitaan na lang ng school na nawawala na si Raffy. walang naiwang bakas. maliban sa isang hayop na may mahabang leeg ang nasa loob ng kwarto ni raffy. Parang si raffy pag nangongopya ng sagot. kulay dilaw ito at kamukha ni Raffy. Tinawag nila itong "Si Raffy". pinangalan kay Raffy syempre..
kalaunan tinawag itong "Giraffe".
at Iyan ang Alamat ng Giraffe.

oOo KATAPUSAN oOo

Photo Courtesy of Frans Van Herdeen of  www.pexels.com
Ngayon maraming makikitang Giraffe sa Africa. National Animal ito ng bansang Tanzania.
Ang tropa ni Raffy naman ay nagsikap nang mag-aral sa takot na maging giraffe. kumalat na rin tsismis, tungkol sa alamat ng giraffe. at marami ng bersiyon ng kwento.
Samantala....
Si Lyn ay naging mahusay na Equestrian at may ari rin ng Grass Farm.
Hindi na siya kinakantiyawan na kabayo, kalabaw na lang.

Salamat sa pagbasa. sana ay may natutunan kayong aral.

credits:
nakakatawa.blogspot.com
pexels.com
dafonts.com
wikipedia.org
adobe photoshop

No comments:

Post a Comment

Comments, Complaints, Reaction

Cryptobrowser