isang rap at hindi tula, awitin sa pamamagitan ng tono ng "happy Birthday to You"
PARUSANG KAMATAYAN
by: lady gaga feat. regine velasquez
massacre, patayan dahil sa lupa,
salvage, gangrape, anak ginahasa ng ama.
at kung ano ano pang krimen na,
di mo akalaing tao ang gumawa!
inutil na gobyerno, bulok na sistema,
abusadong pulis, kupal na uri ng hustisya.
kung sino ang may pera, nandoon ang awa,
bansang naging one-sided, api ang mahina.
Dahil sa karumal dumal na nagaganap sa ating bansa,
parusang kamatayan, dapat na nga ba?
maraming debate, ang pinas ay naging biyakers na,
may payag may hindi, nahati sa dal'wa.
sa pag alis nitong ng permanenteng parusa,
ang mga mokong naghahasik ng masama.
tumaas ang delito, di sila nangamba,
gumulo ang paligid, naging kulot na.
ang buhay ng tao ay hindi na mababalik pa,
kaya maging dahan dahan sa ating pag-husga.
papaano kung siya ay talagang nagsisipagsisi na,
kung ang Diyos ay nagpapatawad, magbibigay ka ba?
hindi lahat nang nakukulong ay nagkasala,
hindi lahat nang masama ay naseselda.
hanggang hindi pantay pantay ang hustisya,
inosente ang malakas, buhong ang mahina.
ang parusang kamatayan nga ba talaga?
ang magpapatigil sa mga halang ang sikmura.
o ito ay ang tsambahang pagkuha,
ng buhay ng mga may sala at wala.
No comments:
Post a Comment
Comments, Complaints, Reaction