Thursday, January 13, 2011

Naniniwala Ba Kayo sa Usog?



Ang pamahiin ay parte ng ating kultura na pagkakilanlan naman natin bilang mga Pilipino.
bagamat may nagsasabing ang pamahiin ay isang paniniwalang walang basehan. sa paglipas naman ng panahon ang ilan sa mga pamahiin ay sinasangayunan na nang mga eksperto at sensiya,
halimbawa nito ay ang
" ang pamboboso ay nagsasanhi ng kuliti sa mata"
ayon sa mga eksperto wala itong kaugnayan, maliban na lang kung ang butas na kung saan ka sumilip ay marumi.

" ang pagiging inlove ay nagdudulot ng tagiyawat"
ayon sa mga espesyalista ay maari.
pag ang tao ay in-love madalas hindi siya makatulog--- siya ay napupuyat, at ang pagpupuyat ay isang dahilang ng pagkakatagiyawat.

Paano naman ang Pamahiin Tungkol sa Usog?
ang taong malakas makausog ay dapat umiwas sa mga bata na siyang madali at madalas mausog, maari ring mausog ang kahit sino.
sinasabing ang pangontra rito ay ang mga sumusunod:

Paglaway:
Isang beses, nilaro ko ang kapatid ng barkada ko, ito ay isang taong gulang lamang, at pagkatapos,
maya-maya ay umiiyak na ang bata sa di-malamang dahilan, ang sabi ng nanay nito ay baka raw nausog ko daw.
lawayan ko raw para makontra ang usog!
anak ng tinola! nakakatakot, namana ko yata ang talento ng lola ko.
dati kasi tuwing may batang nausog pinapalawayan sa lola ko at pagkatapos noon ay gumagaling na.
note: available ang aking laway sa murang halaga

Pagsasabi ng Pwera Usog
kung sakaling may bumati sa'yo, halimbawa ay sinabi niyang gumaganda ang pangangatwan mo, magsalita ka ng pwera usog, para daw hindi maging kabaliktaran ang mangyari sa iyo (manghina ang pangangatawan mo).
mula noon pag may nagsabi sa akin na "ang gwapo ko", sinasabi kong "pwera usog"

Pagkatok sa Kahoy (knock on wood)
Katulad din ng "pwera usog", kumatok ka sa kahoy para di ka mausog
kumatok karin sa kahoy kung sakaling may naisip ka o may nasabi kang masamang pangyayaring ayaw mong maganap"


Pagpapakulo ng Damit sa mainit na tubig
Kung hindi mo alam kung sino ang naka-usog(suspect) sa iyo. pwede mong pakuluan ang damit mo, sa ganoong paraan makokontra mo ang usog.


Pagsusuot ng Anting Anting
Para sa mga bata magsuot ng kulay pulang parang maliit na unan,

















o parang pulang square na pin cushion para makontra ang usog.
nagsusuot din ang iba ng bracelet na kontra usog.

Anting-anting
Pag-meron ka ng ganitong anting-anting(amulet), di mo na kailangan ng ibang anting-anting.
bakit?
kase meron ka na eh.







Manghihilot, Albularyo, Faith Healer etc.
Kung sakaling hindi parin kinaya ng pangontra usog items
tawagin na ang tulong ni dandarandandan
Mang Hihilot
ang mga manghihilot o mga albularyo ang sinasabing mga eksperto pagdating sa Usog
idulog mo lamang ang iyong nararamdaman at parang mahika na malalaman nila ang karanasan mo, mahuhulaan nila kung sino ang nakausog sayo, ilang araw na ang kalagayan mo, at kung ano ano pa.
parang doktor na magtsetsek-ap sa patienta hahaplusin ka nila sa parteng masakit at mag rerekomenda,
kung nausog lang, gagamitin nila ang laway kontra usog
(saliva against flatulence ayon sa pagtranslate ng google)
kung umakyat ito ng kung saan marahil ay may sangkot na duwende, engkanto, mangkukulam, etc
pagtatawas o pagpapausok naman naman ang kinakailangan
para ding Doktor na magrereseta ng halamang gamot, ointment, o talaan ng mga dapat gawin.

Trivia: ang ingles ng albularyo ay herb doctor

Kung hindi ka naniniwala sa USOG
ganoon din naman ako, sa tutuusin sa ibang bansa ay wala namang usog-usog.
kumain ka ng masusustansiyang pagkain, sapat na tulog, alagaan ang pangangatawan, magehersisyo, tapos
kung magkasakit ka man, yan ay parte ng pagiging tao.
wag kang magtaka kung bakit may napapagaling ang mga albularyo
natural yon dahil sa kanilang karanasan, halamang gamot, teknik, kaalaman etc.

Hindi ako naniniwala sa saliva against flatulence (laway kontra usog)
sa totoo lang marumi ang laway.at maari pa nga itong makapagpasa ng sakit

kung may gumagaling man sa pamamagitan ng mahika o milagro raw.
alalahanin nating ang masamang espiritu ay mahusay magmanipula o gumagawa din ng himala
para ang maging resulta----maniwala tayo sa mali

ang masasabi ko lang bago matapos ang kwentong kong to
walang masama sa pagsunod sa pamahiin (ito ay parte ng kultura)
wag lang dumating ang puntong ang buhay mo masakop na ng mga pamahiin.


ADVERTISEMENT
PAANO MALALAMAN KUNG SUPOT ANG ISANG LALAKI?

http://isumbongmo.blogspot.com/2011/01/paano-malalaman-kung-supot-ang-lalaki.html

7 comments:

  1. Hello po, kung may pangontra usog ano naman pangotra sa malas?

    ReplyDelete
  2. Nakakatakot nung sinabi nila sakin nakinukulam daw ako.sobrang kinis kasi ng balat ko lalo sa mukha..di ako tagyawatin tas marami naiingit sa kinis ng face ko kahit maitim ako.tas ngayon sobrang dami na di ko mapaliwanag..kasi bakita sagani feeling ko mat tumutubo...mga friend sko samaniwala akk.d ko kasi alam eh

    ReplyDelete
  3. Kapag po hindi alam kung sino ang naka usog sayo? Ano ang gagawin sa pinakuluang damit?

    ReplyDelete

Comments, Complaints, Reaction

Cryptobrowser