Saturday, January 22, 2011

Paano Malalaman kung Supot ang Lalake o Boyfriend Mo.

Paano ko kaya malalaman kung supot ang isang lalaki
Paano ko kaya malalaman kung supot ang isang lalaki? (free photo from pexels.com)

Sumagi na rin ba sa isip mo, na paano kung supot pa si BF?
You wonder what if and how? 
Huwag mag-alala dahil, Narito ako para magbigay sa iyo ng mga Tips, Advices, Suggestion kung paano malaman kung supot ang isang lalaki habang maaga.

Pero paano kung nalaman mo ang sikreto ng boyfriend mo?
Nalaman mo na ang hinahangaan mong boyfriend ay hindi pa pala tuli,
gwapo pero supot,
macho pero takot-----magpatuli.
Walang ibang ibibigay ang isang "uncircumcised" kundi mga anak na mutain,
Katwiran nila "sa ibang bansa hindi naman issue kung tuli ka o hinde"
pero remember nasa pinas ka at wala sa ibang bansa diba?
Ang pagtutuli ay hindi lang kultura, pamahiin o isang religious ritual, ito ay para rin sa ikakabuti ng kalusugan ng kapwa lalaki at babae.
Ayon sa mga bagong pag-aaral, mas healthy ang hygiene ng isang tuli kumpara sa hindi (ouch).
For better. Libre naman yan. magpatuli na!

Anyway narito ang paraan para malalaman kung supot pa ang lalaki o boyfriend mo---kahit di nila ipagtapat (Sino ba namang supot ang aamin).
ang mga sumusunod ay mga palatandaan kung paano malalaman kung supot ang isang lalaki, halina at matuto.

1. Ang boyfriend mo ay hindi tuli kung siya ay mutain

2. Minsan mapapansin mong siya ay tulala, siguro nagiisip siya ng malalim kung ipagtatapat niya pa ba o hindi---hindi pa siya tuli

3. Galit siya sa tindera ng raincoat
"sir kapote po kayo, sir kapote"

4. Galit siya sa tindera ng bonet
" sir bonet po, bagay sa inyo bonet na leather"

5. Galit siya sa mga street children
" kuya bili na po kayo"
" ano ba iyang tinda mo?"
"supot po, supot po kayo?"

6. Hindi siya nagkukuwento ng karanasan niya nung tinuli siya, magkuwento man siya ay parang magulo at halatang barbero lang. Yaong kaibigan ko ganyan din, ang pagkaintindi ko 3 beses yata siyang sumailalaim sa ganyang operasyon. bumalik lang daw uli, samakatuwid "sungaw" daw siya at hindi supot. yan ang palusot niya

7. Hindi siya tuli kung siya ay nabubulol. Paano ko nalaman? tinanong ko sa doktor at ang sabi sa akin,
"tama!, ang itang tupot ay nabubuyoy". wika ng doktor

8. Nagtatanong siya kung may saan may libreng tuli, at ang palusot niya ang pamangkin niya ang sasamahan niya.

9. Kung hindi "leather", maong ang kanyang brief

10. Tuwing pinaguusapan niyo ay tungkol sa pagtutuli, hindi siya active at parang gusto niyang ibahain ang
usapan, at kung hindi niya maiba, umaalis na lang siya.

Gamit ang mga natutunan mula sa aking isinulat maari mo nang malalaman kung supot ang isang lalaki p si BF.
hindi ito isang diskriminasyon, hinding hindi, medyo lang.
Proven na nga na mali ang pamahiing nakakatangkad ang pagtutuli, pero ito ay di sapat na dahilan para di na siya magpatuli,
kung  ang mga babae sa Latvia, Africa ay nagpapatuli bakit ang bf mo hindi,
(hindi ko lang alam kung paano basta nabasa ko lang sa ginawa kong thesis nung highschool ako.)

Ang post na ito ay ginawa ko hindi para manginsulto, Kundi mapatawa ka kahit onti lang.
Hanggang sa muli.
Mabuhay kayo at magmahalan po tayo
Salamat din sa mga nakakatuwang feedback.
Paano malalaman kung supot pa ang isang lalaki
Alam ko na ngayon kung Paano malaman kung supot pa ang isang lalaki. Salamat sir B3n.-----Iya  ng Rio de Janeiro, Brazil
(free photo from pexels.com)
Paano malalaman kung supot pa ang isang lalaki
Paano malalaman kung supot pa ang isang lalaki, madali lang pala. salamat dito -----Jane ng California. USA (free photo from pexels.com)

Paano malalaman kung supot pa ang isang lalaki
Nagpatuli na siya ----Jamie ng London, UK
Salamat din sa mga nag copy-paste at plagiarizes ng post na ito. Ako na nag-adjust. kinopya nila ang gawa ko, inedit ko ang sakin para maiba.




4 comments:

maenoodle said...

ayos to sir! haha :D

benjienious said...

heheh
nakatulong sana ako

Anonymous said...

paaano malalaman kung supt ang boyfriend mo. salamat sa unfo

Anonymous said...

Paano malaman kung supot ang lalaki. edi tanungin mo kung defensive. pag defensive ibig sabihin affectived, pag affectived ibig sabihin possible.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?