Humor - Top Blogs Philippines

Saturday, November 12, 2011

Pinaka-Madalas na Dahilan ng Di pagkatulog (Tuwing Gabi)

Hindi ako makatulog!
dahil diyan nakahugot ako ng bagong inspirasyon para makapagpost
ito ay tungkol sa mga
"Pinaka-Madalas na Dahilan ng pagkapuyat (sa gabi ofcourse)"
Ano-ano nga ba?
halina't samahan ako, eto ang mga nailista ko base siyempre sa sarili kong karanasan at sa tulong ng ilang kaibigan.

ang isa/una ay dahil sa.
Maingay na kapitbahay.
maingay na mga kapitbahay na ang sarap ipabaranggay,
common na nating naririnig ang katagang...
"kung ayaw niyong matulog, magpatulog kayo".
maingay siguro kasi may kasiyahan doon at nagkakantahan sila, nagsasayawan, may alagang maingay na aso, pusa at langgam. maingay din minsan kasi baka nagiinuman o kaya ay may naga-away, maraming dahilan.

tip: kung maingay ang aso nila, subukan mong kunin ang aso nila at itali sa bakuran ninyo, nakakapagtakang ok lang sa iyo at sila naman ang maiingayan! bakit ganun?


Pangalawa
Problema Bukas/Stress. (School, Work, Business, Teledrama. etc.)
eto ang isa sa pinakamasakit sa ulo, hindi ka makatulog sa kakaisip ng dapat gawin bukas, o anong mangyayari, o minsan sa sobrang isip mo sa nangyari kahapon, kung makatulog ka man ay papasok parin ang problema mo sa iyong panaginip.

tip: bilang pakikiramay tandaan mo na lang ang payo na nabasa ko lang sa Fb.
"lahat ng problema ay may solusyon, kung walang solusyon, wag nang problemahin"
kung di parin makatulog? uminom ka na ng gamot, effective yung midol.
eto pa  ang sabi nila "Live one day at a time" (yes Lord)


Pangatlo
Surot
nakakabadtrip ang hinayupak na yan! hindi ka makatulog kasi masakit manundot at maya maya ay kakatihin ka na. pero wag mo sanang saktan sila kaagad, alalahanin mo
kadugo mo rin sila, dugo mo ang nanalaytay sa kanilang katawan.

(ang nasa larawang ay si anub'arak ng DOTA
trivia: ang ingles niyan ay bed bugs.





Pang-apat
Lamok
kailangan pa bang ipaliwanag kung paano sila nakakabwisit?
kung wala kang kulambo, kung walang katol at kung walang elektrikpan.
hahalik at hahalik sila, ganyan sila ka-sweet.

Tanong: alin ang nangangagat; ang babaeng lamok o ang lalaki?
Sagot: hindi sila nangangagat. nanunusok pwede (funny)

Pang-Lima
Computer, Blogging, at iba pang kauri nito.
dahil uso ang internet at nakakawili dahil maraming pwedeng gawin, marami ang nahuhumaling dito at minsan pati oras ng pagtulog ay nanakaw na nito.
Naranasan ko nung dati. kasikatan ng friendster. napupuyat ako sa pag edit ng profile ko. hindi ako makatulog pag may naiisip nanaman akong bagong ideya.
mas masarap ding maginternet o maglaro ng mga games tuwing gabi.

Pang-anim
maling oras ng tulog.
tinatawag ding "nocturnal" ang mga taong ganyan, gising sa gabi tulog sa umaga, kasi napuyat.
minsan din kasi ay sa kaso ng trabaho mo example si batman.
may sadyang habit niyo nang magkakaibigan, trip ang magwalis twing gabi.

tip: ibang trip na lang



Pang-Pito
Pag-ibig
dumako naman tayo sa nakakilig na parte ng entry na ito.
pag-ibig. yihee
hindi mo alam pero ang sarap isipin ng mga bagay bagay tungkol sa kanya.
nakakapuyat at nakakatigyawat pero masarap ang feeling.
alam mong corny ka na at nanaginip ng gising. pero masaya. nakakapuyat din kasi gusto mo siyang makausap sa phone, makachat sa facebook, nakakawili ding magtext at pasahan siya ng mga patama mong quotes at nagbabaduyang pick-up lines. ang sarap umibig

Pang-Walo
Multo
madalas ang mga bata ay di makatulog dahil sa takot mag-isa, minsan pati matanda takot sa mumo.
aaminin ko, minsan may panahong ayaw kong mag-isa, lalo na sa mga probinsya na ang mga kasama mo ay butones ang mata at nakalaylay ang bituka.

Pang-Siyam
May kasama kang malikot matulog.
hindi ka makakatulog pag sobrang likot ng katabi mo, tanday ng tanday.
naranasan mo na bang masiko, masipa , matuhod.
malas mo lang kung may-pigsa ka at matiempuhan yun.
merong nagsasalita ng nagsasalita kahit tulog.
minsan din may mga kaibigan kang nanaginip at nanununtok habang tulog (balita ko ganun si manny pacquiao sabi ni aling dionesia).


Pang-Sampu
May beki kang katabi
sige subukan mong matulog kasama sila.
pinakamalupit, matutulog na akong may mga kasamang butones ang mata at nakalaylay ang bituka.
kesa sa namimitas tuwing gabi.
malas mo kung lasing ka at walang palag dahil tiyak yari ka.
minsan naman! nalalaman mo na lang na pechay pala ang kabarkada pag katapos niyong matulog magkasama (shocking)

Ayan na ang sampung nasama sa listahan. ang ibang nominees ay hindi na nai-feature dahil kulang ang boto.
ang kape ay nakakagising pero panandalian lamang ang bisa nito at pagkatapos ay agaran ka rin namang aantukin. nakakagising din ang asukal na hinalo dahil sa "sugar rush effect" nito at ang maiinit na tubig pag napaso ka.

nakakapuyat din siyempre kung may utang ka sa iba, pero mas di ka makakatulog kung may pinautangan ka.

nakakapuyat din ang pagbabasa ng libro, at panonood ng tv o dvd.

para magpasa ng iba pang mga dahilan. maaring magcomment.

inuulit ko, ang mga nabanggit ay base lamang sa sarili ko at sa mga napagtanungan ko.

maraming salamat sa pagbasa at sana ay makatulog ka ng mahimbing.
oops.. tingnan mo muna kung sino ang nasa ilalim ng higaan mo.

4 comments:

Rence said...

Eto, di ako makatulog, nagbasa ng mga blog. Pero curious lang ako. Nangyari na ba sa iyo yung number 10? Yung may kaibigan kang katabi matulog, tapos doon mo nadiskubre na pechay pala?

benjienious said...

wag naman!

Cristina said...

Hi.nakakatuwa naman to.ngayon may bago na akong natutunan.una, namimitas pag gabi at pechay.haha.thanks!

benjienious said...

hahaha andaming matutunan, malas mo yung kalokohan pa.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...