Saturday, December 8, 2012

Mga Pamahiin para Tumalino

nung bata ako gusto kong malaman kung gaano ako katalino.
naisipan kong sukatin gamit ang "electrical tester"

idinikit ko lang sa magkabilang parte ng ulo ko yung dal'wang rods
pinilit ko't diniin  para pumalo yung pointer, pinihit-pihit ko yung pihitan sa pag-aakalang nasusukat nito ang talino ng isang tao.
ngunit ng highschool na ako natawa na lang ako ng malaman ko na yung mga numbers sa tester ay pababa. ibig sabihin pagpumalo ng malayo yung pointer eh mas mababa.

Paano ba tumalino?  wala man akong karapatang magmarunong.
mayroon akong mga napulot na mga Pamahiin  para Tumalino.
ang iba sa mga ito ay maaring totoo batay sa lohikal na pagpapaliwanag, meron namang hanggang ngayon ay nananatiling pamahiin at parte lamang ng ating kultura.

kaya heto na ang Mga Pamahiin ng mga Pinoy para Tumalino

Una. Kumain ng Maraming Mani.
Sa ngayon hindi na to pamahiin na lang. kasi scientific proven na ang peanut bilang brain booster. mayaman ito sa vitamin B6, Protein and folate, marami rin itong mga health benefits.
ang problema lang nakakatigyawat din daw. kaya nasa iyo ang desisyon---pakinisin ang mukha o palusugin ang isipan.  kung di ka makapili ay meron pa namang iba, magpatuloy lang sa pagbabasa.

Pangalawa. Kumain ng Libro este i-unan ang Libro
pagmatutulog raw? iunan ang libro o kaya ilagay sa ilalaim ng unan mo ang libro para tumalino ka.
siguro hindi siya pamahiin kundi malalim na kasabihan. sa tingin ko, yung mga henyo nung araw eh nagbabasa ng libro at di nila namamalayang nakatulog na sila at bumagsak ang ulo sa librong binabasa. parang ganito.

Pangatlo. Pinaggupitang Buhok sa Libro
simple lang. Ilagay ang Kauna-unahang nagupit na buhok ng baby sa loob ng libro na gusto mo.
Dictionanry, Bible, Encyclopedia etc.
reminders: wag isama ang baby!

Pang-Apat. Pinag-gupitang mga kuko
tulad ng nauna, ilagay lang ang kauna-unahang pinaggupitang mga kuko at ilagay sa libro.
effectiveness: ewan?
try mo na lang kesa itapon na lang kung saan.

Pang-Lima. Kailangan Matalino ang Unang Gugupit ng Buhok ng Baby mo.
pagtuntong ng unang taon ng bata. humanap ka ng matalinong tao sa tingin mo, siya ang mag-gugupit ng buhok ng sanggol at tatalino na ang supling.

Pang-Anim. Lapis at Papel sa Unang Dapa
Sa unang dapa ng bata pahawakin siya ng papel at lapis. tatalino ang bata!

Pang-Pito. Iwasang Mauntog
nakaka-bobo raw ang madalas na pagkauntog ng bata. kung sakali mang mauntog. tapikin lang ang baba paitaas. siguro yata kasi baka nausog o naiwala sa tamang pwesto ang utak mo.

Pang-Walo. Pinagupitang Pusod
tatalino raw ang bata kung yung ginupit na pusod ng sanggol ay kukunin at ipapa-anod sa alulod ng bahay ninyo.

 Pang-Siyam. Gatas ng Ina
sa  ngayon di na ito pamahiin dahil proven na. ang batang dumaan sa breastfeeding ay lalaking masigla, matibay at malusog. maraming sustansiya ang makukuha sa gatas ng ina na kailangan ng bata sa kanyang paglaki. ang anak ng tita ko halos lahat may honorable mention ng nagtapos.
ang nanatiling pamahiin na lamang ngayon ay mas masunurin raw ang mga batang na "breastfeed" kasi sa magulang galing ang gatas. ngayon raw ang mga bata eh galing sa hayop ang iniinom na gatas kaya asal-hayop? ewan

Pang-Sampu at Panghuli: Kumain ng Gulay
nung bata ako pinapakain ako ng gulay para raw pampatalino. pampa-pogi, pampalinaw ng mata, pampa-tangkad, pampa-macho, pampatalino etc. hindi totoo yun pampa-pogi lang siguro ang tumalab.
-------------------------------------------------------------------------------------
Sa ngayon, yun pa lamang ang nakalap ko, salamat kay tita belen, ate danica, at google sa dagdag na impormasyon.
siguro kung paano tumalino eto ang alam kong mabisang paraan.
LAGING MAGTANONG
tunay na ang batang palatanong ay batang marunong

pwede kang maging marunong sa maraming bagay. pero nakakatawa, na kahit na alam mo na yung mga kumplikadong bagay, meron paring simpleng bagay na kakamot ka sa ulo mo.
halimbawa: ano kaya ang kulay ng ilong ni elmo?



anyway maraming salamat sa iyo at sa lahat ng natanungan ko. may ibang nagsasabing walang katotohanan ang pamahiin. ang iba ay kung sumimangot muna bago sumagot. sabi nila meron talagang gifted. sabagay naiintindihan ko naman sila.
di naman pwedeng sumandal na lang sa pamahiin.
wala rin raw golden spoon sa edukasyon.
lahat kailangan magsunog ng kilay.
ito ang kasabihan ng matatanda.
na kelan ko lang naintindihan noong ang ate ko ay nagrereview. nakatira kami noon sa probinsya. walang kuryente kaya gasera ang gamit namin. sa sobrang yuko ng ate ko na halos nakasubasob na.
yung dila ng apoy ng gasera ay naabot ang buhok ng ate ko ng di niya alam, mabilis na nasunog ang buhok niya.

yun yata ang ibig sabihin niyon, siguro sa sobrang pagtiya-tiyaga ng mga tao noon eh hindi lang buhok kundi pati kilay nasusunog na rin.

hanggang dito na lang at GOD BLESS

2 comments:

Marinella said...

Maraming salamat sa muling pag-papaalala sa akin ng mga pamahiing yun. Natuwa ako at nagalak nang aking mapagtantong naniwala ako sa ilang pamahiin na yun noong araw.

benjie said...

hahaha, nakakatuwa ngang isipin ang nakaraan.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser