Sunday, February 17, 2013

Tula Tungkol sa Pagtutuli


Tula Tuli
by Benjie Cantuba and Robin Estores




Ang sarap  sigurong  maging tuli,
maka-iwas sa panlalait at pambubuli.
sana'y tuli na ng sanggol pa lamang,
para nang mula noo'y wala ng ikailang.




Gusto kong magpatuli,
ang panalanging masidhi.
ayokong mamatay na supot,
kaya't pipiliting matagpos





Pag hindi... anak ko raw ay magiging mutain,
at never raw akong magkaka-girlfriend.
kung di raw ako bading?,
ang tuling pukpok ay subukin.


Pag natuli... ako raw ay tatangkad,
mawawala 'yung sticky and stinky  sa balat.
di na raw ako mabubulol,
at  magkakaroon na ng bul. 
("bul" as in bulak)






This papalapit na bakasyon
daraan na ako sa 'sang orasyon
ritual ng mga tunay na lalake,
sa kamay ng doktorang mayumi.



Next na me, ay naku kinakabhan ako!,
moral support naman diyan mga pare ko.
pahigop naman niyang halo-halo,
"oh my gosh! Dugo!"



Sa wakas ako'y natuli rin,
buong sanlibutan, proud sa akin.
indemand  ang dahon ng bayabas,
sa bakuran nila crush pa namin pinitas.







Bawal niya itong masilayan,
nang pangangamatis ay maiwasan.
so girl, don't be short-patient,
'til im no longer a patient.







Gamot, kalinisan at kailanga'y pahinga,
gayak pa ng maluwang na palda.
maglakad man ay paika-ika,
problema ko ay natapos na.







oOo


2 comments:

Anonymous said...

pano nyo nmn nalaman na supot si Leonardo Di Caprio kung totoo yan ewwwwwwwwwwwwwww yuck!

benjie said...

hehehe pwede mong i-search, masha-shock ka

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kamusta ang Pagbabasa?

Cryptobrowser