Humor - Top Blogs Philippines

Saturday, January 15, 2011

Palatandaan ng Isang Ampon

masakit ang katotohanan, gayon paman kailangan mo itong harapin kahit gaano kahurt,
minsan man masaklap ang katotohanan, lagi mong tandaan
"ang Katotohanan ang Magpapalaya Sa iyo"

10 Palatandaan kung Ikaw ay Ampon

1. wala kang picture ng baby ka.
tingnan mo kung may pictur ka nung baby ka, kung meron man, baka malabo at parang hindi mo ito kamukha.
sa panahon ngayon madali na ring malaman, kasi halos lahat ng bagong panganak may picture sa Fb o Fs

2. ang pangalan mo ay pangkaraniwan.
kung ang pangalan mo ay john, jun, cris, ryan, mark at iba pang parang hindi na pinagisipan, magduda ka na at baka isa kang aksidente, o putok sa buo (its hurts ba? meron pa!)

3. ang pangalan mo ay may ibig sabihin
kung ang pangalan mo ay milagros, blessy, angel, angelo, angelica, cristina, atbp.
itanong mo sa ina mo kung bakit ganyan ang ipinangalan sa iyo, at ang magiging sagot nila ay ganito, "hulog ka kasi ng langit anak" maghinala ka na at baka napulot ka lang nila kung saan ka man hinulog.

4. kakaiba ang pangalan mo sa mga kapatid mo
kung ang pangalan mo ay halimbawa ganito "Mike" at ang sa mga kapatid mo ay lahat ay nagsisismula sa "R". rose ann. robin. richard, rey mark. maghinala ka na!

5. pansinin ang birthmonth mo at ang pangalan mo
kung ang name mo ay "Lito" habang ang sa mga kapatid mo ay May-ann, April Joy, June Victor, Julio Cris, isipin mo kung bakit "lito" ang pangalan mo, napakasimple at parang walang koneksiyon sa birthday mo na February 30, pansinin mo rin kung may february 30 nga sa kalendaryo at kung wala maghinala ka na!

6. Hindi ka inaasar na ampon.
inaasar ka ba nilang ampon? kung hindi, maghinala ka na? bakit sila nagaasarang ampon at ikaw hindi nila binibiro?

7. Malayo ang itsura mo sa kanila
Tingnan mo kung maykahawig ka sa kanila, at kung wala, 'wag munang maghinala
at baka sila ang ampon.

8. Hindi ka nagmana ng talento nila
halimbawang sila ay marunong kumanta at ikaw ay hindi,
bagkus sa sayaw ka naman nahilig, maghinala ka na at baka ang magulang mo ay si muble ng happy feet.

9. Nunal
pansinin mo ang nunal mo, kung sa mga kapatid at mga magulang wala silang nunal, samantalang ikaw ay meron marami at malaki pa, alamin mo ang katotohan at baka foreigner ang mga tunay mong magulang (Dalmatians)

10. Parehas ng kasarian ang mga magulang.
kung ang nanay at tatay mo ay parehas babae, ok lang atleast baka isa doon ang ina mo at iniwan ka lang ng ama mo. pero kung parehas lalaki ang mga magulang mo, maghinala ka na!


3 comments:

maenoodle said...

dalmatians amp. love na kita hihi :))

benjienious said...

love you too

Junepong said...

hahahaha.. love u too daw....

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...