Humor - Top Blogs Philippines

Wednesday, January 26, 2011

Sumbong: Fake Money

para sa bayan...
para sa tao...
para sa lahat...
mahalaga ang sumbong mo
isumbongmo.blogspot.com

Isang sumbong ang aming natanggap.
ayon sa nagsusumbong, sinusumbong niya ang pagkalat ng pekeng pera.
sa una di mo aakaling peke, pero pag tinitigan mo ay malalaman mo na.
 kinuha namin ang sample nito at ipanasuri sa mga eksperto.
ang resulta; dekalidad naman ang papel na ginamit dito at katulad din ng pera na totoo
ang problema  lang
napalitan ang value ng pera
(tingnan maigi ang larawan)

agarang umaksiyon ang isumbongmo.blogspot.com team,
nahuli namin ang suspek at napaamin sa kanyang pakana
napag-alamang isa siyang chinese nationals na nagbebenta ng mga murang calculator, abacus, jomath at iba pang uri ng pangkwenta
nalaman namin ang kanyang totoong motibo.
"kung mauuso ang perang yan, mauuso din ang paninda kong mga calculator, tatalunin nito ang smart at globe"
"may balak din sana akong ubusin ang mga baryang (1 peso, 5 pesos at 10 pesos) hanggang sa wala nang magamit ang mga pinoy "dagdag pa niya,

salamat na lang tayo at napigilan natin sila,
kung hindi, lalaki ang kaguluhan at mahihirapan pati ang mga henyo sa math.
nasa pulisya na ang nasabing suspek
isang patunay lang na.
"kung tayo ay magtutulungan
kasamaan ay mapipigilan"

hanggang sa muli, kung mayroon kayong nakitang ganyang pera ipagbigay alam lamang sa isumbongmo.blogspot.com
salamat sa pagbabasa ng maikling post na ito ngunit makasaysayan
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...