Humor - Top Blogs Philippines

Saturday, January 15, 2011

This Guy is Inlove with You Pare (Paminta)

maligayang pagbisita, kung gusto mong sayangin ang oras mo? halika at kwentuhan kita
ang kwento ngayon ay tungkol sa....

Palatandaan kung Bakla na ang Kumpare Mo.
(makabuluhang sanaysay)

1. bakla ang kumpare mo kung napaiyak siya o kaya naman ay pinanood niya ng paulit-ulit ang pelikulang "brokeback mountain"

2. pagnaglalaro kayo ng basketball, iba na ang pangba-boxout niya,
makiramdam ka kung dinadama niya ang bawat pagdikit ng iyong mga katawan. yung tipong iba na siya makahawak at tuwing tumatawag ka ng foul ang sinabi niya "sorry pare" sa bahay halik.
malamang siya ay bumigay na

3. tuwing kayo ay naglalasing ikaw ang gusto niyang kausap, at dahil sa kalasingan kayo ay nakatulog, siya ay dumadantay sa iyo, at tuwing aalisin mo ang pagkadantay niya, nagkukunwari siyang tulog.

4. palatandaan din na bakla na siya kung pinagmamayabang niya ang kanyang bagong tattoo
---tattoo sa kilay

5. tingnan ang kanyang bag, magtaka ka kung nakakita ka ng foundation, blush-on at lipstick,
bagamat ang kumapare mo ay nagtatrabaho sa restaurant, hindi naman siya si mcdo para maglipstick.

6. nahihilig na siya sa showbiz. ang testamento kong ito ay pilit pinabubulaanan nila sir. boy abunda, kuya germs, at arnel ignacio(mga bigatin). wala daw sapat na basehan ang aking sanaysay.

7. hate niya na ang mga movies na may barilan, mas pinipilit niya ang pelikula na may ispadahan.

8. malagkit na siya kung makatingin,

9. pag nagsasalita siya ng "hot dog" napapadila siya. ang tunay na lalaki ay napapakagat pag sinasabi ito, waring pagalit magsalita.

10. iba na ang kulay ng kanyang dugo (pink). pumupusyaw ang kanyang dugo. mali ang pananaw ng marami na "berde" ang dugo ng mga bakla, hindi naman siya uod-dagat para maging ganon.

11. madalas na siyang magpunta sa gym, hindi para magpalaki ng muscles kundi para makipagkwentuhan lamang. tsine-tsek niya rin araw araw ang improvements ng mga ka-gymmates niya.

12. Tanungin mo siya ng ganito; "kung magiging babae ka, ano ang gusto mong pangalan?"
pag nag isip muna siya ibig sabihin lalaki talaga, pero kung may sagot kaagad siya, well ibig sabihin may chance. ang landi talaga.

yun lamang po at sana ay may natutuhan kayo, bukod sa aral na ...
"walang mapapala sa pagbisita sa blog ni b3n 2lfowh"
pagkatapos mabasa ang post na ito, 'wag mailang na subukan ang iyong kaibigan. 'wag maging biktima sa huli
.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...