Humor - Top Blogs Philippines

Sunday, November 11, 2012

SUMBONG: Reklamo ng mga Nanga-ngaroling

isumbongmo.blogspot.com sumbong, solusyon at aksiyon

Etong sumbong na ito ay tungkol sa bahay na kailanman ay hindi nagbibigay sa mga nagka-karoling,

ani ng mga batang nangangaroling, kilala daw itong bahay na ito na never pa raw nagbigay ng kahit barya, ang masama pa nga imbes na sila ay magsabi ng "patawad" akalain mong aso ang pinapa-asikaso. ganun na lamang ang sindak ng mga carolers nang makitang papalapit na ang pinakawalang si bantay
kaya mas mainam na lang na lagpasan ang bahay na yan.

ay naku sukdulan na yang modus na yan,
ako man ay nararamdaman ang feelings ng mga batang apektado.
 alam niyo ho ma'am at sir hindi ko kayong matatawag na matino at mas masahol pa kayo sa barat,
 ni di kayo karapat-dapat na tawaging kuripot dahil atleast yung mga kuripot nagbibigay.

balita pa nga sa'min bukod sa pinapakawalan niyo yung aso niyo, binubulyawan niyo raw ang mga nangangarolings at pinaliliwanagan ng mga batas na binaluktot.

maari namang sabihin na lang na patawad at next time na lang.

susubaybayan ko ho kayo at sana naman ay magbago na ho kayo. pag hindi parin, mangangalap ako ng matitibay na mga ebidensya, videos, witnesses at anumang magpapatunay sa mga alegasyon na ito
aaraw-arawin ko ho kayo, kakalampagin sa internet at nang mairita ang tainga niyo.

mag-ingat din ang mga katulad nila
'wag ho tayong mag-subukan!
kaya ho itigil niyo na ho iyan para masaya ang pasko

bukod diyan hiwalay din na kalokohan ang nakalap ko sa internet.
masdan ang larawan
imbes na mamigay ginawa pang pagkakakitaan, tsk tsk tsk

1 comment:

Inong said...

minsan na nga lang naman magpasko.

May nangoroling sa amin kamakailan lang, at unang pasada pa lang tumahol na ang mga aso namin ayun lalabas na sana ako ng bahay bigla na lang silang nagsipaglaho sayang naman sarap pa namang makinig ng mga kantang pamasko lalo na kung bata ang mga nagsisipag-awit

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...