ang salitang bayanihan ay nagmula sa tradisyon nating mga pilipino na kung saan ang buong kumunidad ay nagtutulungang buhatin ang isang bahay para ilipat sa bagong kalalagyan.
ngayon, tumutukoy din ito sa pagtulong sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit. tunay na kahanga-hanga na pamana ng ating mga ninuno. ito ang diwang bayanihan.
ngunit ngayon, buhay pa ba ang bayanihan?
ngayong bato na ang mga bahay, meron parin bang handang tumulong ng kusa?
meron pa bang may dugong bayani na handang tumulong sa di niya kakilala?
o ang bayanihan ay pangalan nalang ng kalye sa amin.
kaya, isang dokumentaryo ang aming ginawa, isang eksperimento.
sa tulong ng aming asset, dumako ang aming team sa isang simbahan,
ATTEMPT 1
nakita namin ang matandang sampaguita vendor, humingi ng tulong ang asset,
asset: pwede bang makahingi ng nag-iisang tinapay mo.
sampaguita vendor: nagiisa na lang ito iho, at wala pa akong kain.
asset: ipapakain ko lang sana sa alaga kong dagang-costa
umalis ang matanda at lumipat ng puwesto.
resulta: Ekis....Bigo ang team,na makatagpo ng may dugong bayani. :)
ATTEMPT 2, 3 and 4
ganun din ang ginawa namin sa nagtitinda ng basahan, sa bulag na tumutogtog, at sa magbobote.
"hindi na sila naawa sa dagang costa ko, paano pagnamatay yun" wika ng aming asset.
Resulta: Ekis...Lahat sila, pare-parehas, wala silang dugong bayani.
akala ko ay bigo kaming masumpungan ang hinahanap namin, ngunit iba ang nangyari sa panglimang attempt.
ATTEMPT 5
naglalakad lang ang aming asset ng bigla niyang madaanan ang mga nag-iinuman at bigla siyang tinawag ng mga ito.
Nagiinuman: pare tagay,
Asset: hindi, pass muna
Nagiinuman: tang ^#$ K@...tumatanggi ka sa amin?!
Asset:hindi, sige iinom na, eto na oh.
Nagiinuman: pulutan?, kuha ka lang.
Asset: thanks.:hindi ko pa nasasabi ang problema ko ay alam na nila.
Resulta: check, Kakaiba! namimilit pa,
napakamapagbigay nila, nagagalit pa pag tumanggi ka!
dahil diyan, mabuhay kayo!
dito na nagtatapos ang ating dokumentaryo,
maiksi lamang pero detalyado.
madalian lamang ngunit sigurado.
. Maraming salamat sa pagbasa,
(nag jo-joke lang naman ako, sa totoo lang naisip ko lang ito dahil sa inis sa mga haterz ni pacman, yung iba nagpapanggap pang pilipino.
balang araw sa pamamagitan ng bayanihan, aasenso ang bayan natin,at hindi na tayo mamaliitin ng ibang lahi, tulad ng nangyari ng pag boo at pagbabatuhin ng mga basura si pound for pound king..
nawa nga loobin Niya.
2 comments:
Napaka relevant nung bayanihan attempt 5 mo sa buhay ko. Di ako umiinom pero asawa ko super lakas uminom at madalas di maka tanggi kasi nagagalit nga ang mga BFF niya. Pero sa totoo lang super useful sa amin ang ganitong culture ng Pinoy drinkers. Pag may problema kami, ang daming mga tumutulong at walang hinihinging kapalit. Madalas ang mga tumutulong yung mga kainuman niya :)
marami tayong maiipon na tansyan niyan!
likas na talaga sa ating mga pinoy ang damayan.
salamt sa comment hehehe
Post a Comment