Saturday, April 23, 2011

Paano Magsaing ng Bigas

Dito sa isumbongmo.blogspot.com,
pwedeng matuto.
hindi lang puro aksyon,
meron rin sa pagluluto.

PAANO MAGSAING NG BIGAS
ang bigas na sinasaing para maging kanin ay ang isa sa pangunahing pagkain nating mga pinoy.
may higit 40,000 klase ng bigas sa mundo.
sa pilipinas maraming klase ng bigas
18 pesos, 19, 20, 21, 22, 23, 24, 25, 26, 27, 28, 29, 30, and so on and so far

Preparation Time: 10 minutes
Cook Time: 30 minutes (tantiya ko)
Total Time: 40 minutes

Ingredients: Bigas (siyempre bigas)
Tubig 
pandan leaf para pampabango

1st step: ilagay ang bigas sa kaldero at hugasan, mga dalawang beses na paghugas, gawing tatlo depende sa kalidad ng bigas.
2nd step: ilagay ang tubig
a: sukatin ang dami ng bigas sa pamamagitan ng daliri
b: sukatin din ang dami ng tubig, above rice level. kailang magkasakto ang volume.
tip: mas mainam na raw na hilaw kaysa malagsa. 
ibig sabihin ayos lang na kulangin ng tubig wag lang sobra.
3rd step: isalang na ang kaldero at maghintay. hanggang sa kumulo malamang ito ay umabot na sa boiling point of water which is 100 degree celcius.,
buksan ang takip,  at ibalik uli.
4th step: hinaan ang apoy kung in-in na, o yung onti na lang ang tubig. pwede mo na ring ilagay and pandan leaf.
Last step: tikman ang kanin, subukan mong kamayin sige nang mapaso ka. 

kung sa tingin mo pwede na. hanguin na sa apoy.

ayan! marunong ka ng magsaing! handa na itong ihain.
sa susunod na pagaaral natin ay tuturuan naman kita ng mas advance. kaya be ready dahil mas mahirap na ang gagawin natin.
tuturuan kitang magpakulo ng mainit na tubig.

pwede kang magcomment kung may tanong, hinaing, suhestiyon at ilang tip.

Tuesday, April 12, 2011

Mga Madalas Gamiting Parusa ng mga Magulang

Sabi ng simbahan, ng mga matatanda at ng marami, ang palo ng mga magulang ay palo ng pagmamahal.
isa itong paraan para malaman ng bata ang tama at mali, at ang maling gawain ay karampatang parusa.
mahalaga ito para sa kanilang paglaki. tama ba yun? bahala kayo.
noong bata ako madalas din akong paluin o maparusahan, halika't talakayin natin ang
"Mga Madalas Gamiting Parusa ng mga Magulang"

Sinturon
pakk! pakk! pakkk! awww! huhuhu tama na po, di namauulit.
bago ka paluin gagawa muna ang mga magulang ng tunog ng hinahampas na sinturon
para ka takutin.
pagnapalo ka, babakat sa yo ang hugis ng sinturon, mapapansin ang mahabang pulang pantal na sapat na para bumait ka. kung makulit parin
tikman ang bakal ng sinturon, 
bakal sa filipino buckle sa ingles



Walis Tambo
dahil madaling makita madalas itong ipanghimbalos sa mga batang matitigas ang ulo.
kabaliktaran ng pagwawalissa pamamalo. hinahawakan ito sa bandang leeg ng walis at ipapanghampas ang dulo na dapat sana'y hawakan. gets niyo?
basta hinahampas dito ung kahoy.

Hanger
isa samadalas ihagupit ng mga magulang.
madalas maubos sapagkat madalas mabali
malas mo pag yari sa bakal o kahoy ang hanger.
bumabakat o pumapantal din ang hanger.






Munggo
ang munggo ay hindi pinapalo, syempre diba?
isa sa madalas iparusa ng mga magulang ay ang pagluhod sa munggo.
sa una hindi masakit sa tuhod pero maya-maya, magsisisi ka.
sa sobrang creative ng mga magulang, habang ikaw ay nakaluhod paiiskwatin ka. nakapatong sa dalawa mong kamay ang libro.
mangangawit ka at hihingi nang sorry. bumabakat din ito sa tuhod.
kinabukasan togue o kaya munggo ang ulam niyo.

Asin
pag hindi ka gumawa ng assignment, papaluhudin ka sa asin.
malas ka dahil mas masakit ang asin sa munggo.
unang luhod palang mararamdaman na ang hapdi.





Kamay
para saan ang kamay?
o c'mon, eto ang isa sa pinakamadalas ipamparusa ng mga magulang.
ginagamit ito panampal sa mga sumasagot ng pabalang.
pangkurot, mas masakit pag manipis.
pamingot, pag di marunong makinig
panuntok kung babading bading ka. at marami pang iba.

Sipit
pag tinatamad ang nanay mo mangurot dahil bagong manicure at baka masira pa ang cutics. eto ang pamalit sa kurot, paninipit.
ang nasa larawan ay ang pinakamasakit na sipit.




Isoprophyl alcohol
hindi naman siya talagang parusa, pero parang ganun parin.
nung bata ako takot akong magkasugat, kasi ayokong lagyan mo ako ng alcohol, pagumiiyak ako sa hapdi, ang laging sinasabi kasi, ayan kasi laro ng laro.
 kailangan daw niyan kasi baka may lumabas na pari, may lalabas na kanin, tren atbp.
lagi kong paki-usap betadyne na lang ang ilagay.



Panyo
hindi lang para sa personal hygiene pwede ring pangdisiplina
pinamimitik ito sa batang makulit.
mas masakit pag basa, na try niyo na?






Walis Ting-ting
tulad din ng walis tambo madalas itong ipamparusa,
pero dahil nasa loob ng bahay ang walis tambo at ang walis ting ting naman ay nasa bakuran, mapapansin mo pinapangparusa ito pag nasa labas ng bahay ang bata. nakakita ka na ba ng batang hinahabol ng walis ting ting?
Tip: mag lagay ng karton sa loob ng short pamawas sakit,





Ang mga nabanggit na pangkaraniwang parusa ay base sa aking sariling karanasan at kaalaman, kung tutuusin marami pang ibang pangkaraniwang parusa, pamatpat, bawas baon o allowance. nandiyan din ang bawal kang lumabas ng bahay (grounded kung baga).
pangkaraniwan din sa eskuwelahan ang pagsulat ng "i will do my assignment everyday" punuin ang papel niyan back to back. 5 pages mahigit. bahala ka nang dumiskarte diyan.

kung tutuusin sabi ng mga matatanda masuwerte pa raw tayo dahil hindi tulad noon (thank you po), mas magaan na raw ang parusa sa atin, hinahabol daw sila ng itak.
dati sa eskuwelahan pinapalo ng titser ang mga estudyante, ngayon ay bawal na.
talagang mapapatanim ka ng galit! pero bad yun.
ginagawa lang nila yon para lumaki kang mabuti. balang araw mare-realize mo din,

hanggang dito na lang.
maraming salamat sa pagbasa sa maikli ngunit walang saysay kong entry.
sana ay may natutunan ka, dahil expected namang wala.



Cryptobrowser