Tuesday, April 12, 2011

Mga Madalas Gamiting Parusa ng mga Magulang

Sabi ng simbahan, ng mga matatanda at ng marami, ang palo ng mga magulang ay palo ng pagmamahal.
isa itong paraan para malaman ng bata ang tama at mali, at ang maling gawain ay karampatang parusa.
mahalaga ito para sa kanilang paglaki. tama ba yun? bahala kayo.
noong bata ako madalas din akong paluin o maparusahan, halika't talakayin natin ang
"Mga Madalas Gamiting Parusa ng mga Magulang"

Sinturon
pakk! pakk! pakkk! awww! huhuhu tama na po, di namauulit.
bago ka paluin gagawa muna ang mga magulang ng tunog ng hinahampas na sinturon
para ka takutin.
pagnapalo ka, babakat sa yo ang hugis ng sinturon, mapapansin ang mahabang pulang pantal na sapat na para bumait ka. kung makulit parin
tikman ang bakal ng sinturon, 
bakal sa filipino buckle sa ingles



Walis Tambo
dahil madaling makita madalas itong ipanghimbalos sa mga batang matitigas ang ulo.
kabaliktaran ng pagwawalissa pamamalo. hinahawakan ito sa bandang leeg ng walis at ipapanghampas ang dulo na dapat sana'y hawakan. gets niyo?
basta hinahampas dito ung kahoy.

Hanger
isa samadalas ihagupit ng mga magulang.
madalas maubos sapagkat madalas mabali
malas mo pag yari sa bakal o kahoy ang hanger.
bumabakat o pumapantal din ang hanger.






Munggo
ang munggo ay hindi pinapalo, syempre diba?
isa sa madalas iparusa ng mga magulang ay ang pagluhod sa munggo.
sa una hindi masakit sa tuhod pero maya-maya, magsisisi ka.
sa sobrang creative ng mga magulang, habang ikaw ay nakaluhod paiiskwatin ka. nakapatong sa dalawa mong kamay ang libro.
mangangawit ka at hihingi nang sorry. bumabakat din ito sa tuhod.
kinabukasan togue o kaya munggo ang ulam niyo.

Asin
pag hindi ka gumawa ng assignment, papaluhudin ka sa asin.
malas ka dahil mas masakit ang asin sa munggo.
unang luhod palang mararamdaman na ang hapdi.





Kamay
para saan ang kamay?
o c'mon, eto ang isa sa pinakamadalas ipamparusa ng mga magulang.
ginagamit ito panampal sa mga sumasagot ng pabalang.
pangkurot, mas masakit pag manipis.
pamingot, pag di marunong makinig
panuntok kung babading bading ka. at marami pang iba.

Sipit
pag tinatamad ang nanay mo mangurot dahil bagong manicure at baka masira pa ang cutics. eto ang pamalit sa kurot, paninipit.
ang nasa larawan ay ang pinakamasakit na sipit.




Isoprophyl alcohol
hindi naman siya talagang parusa, pero parang ganun parin.
nung bata ako takot akong magkasugat, kasi ayokong lagyan mo ako ng alcohol, pagumiiyak ako sa hapdi, ang laging sinasabi kasi, ayan kasi laro ng laro.
 kailangan daw niyan kasi baka may lumabas na pari, may lalabas na kanin, tren atbp.
lagi kong paki-usap betadyne na lang ang ilagay.



Panyo
hindi lang para sa personal hygiene pwede ring pangdisiplina
pinamimitik ito sa batang makulit.
mas masakit pag basa, na try niyo na?






Walis Ting-ting
tulad din ng walis tambo madalas itong ipamparusa,
pero dahil nasa loob ng bahay ang walis tambo at ang walis ting ting naman ay nasa bakuran, mapapansin mo pinapangparusa ito pag nasa labas ng bahay ang bata. nakakita ka na ba ng batang hinahabol ng walis ting ting?
Tip: mag lagay ng karton sa loob ng short pamawas sakit,





Ang mga nabanggit na pangkaraniwang parusa ay base sa aking sariling karanasan at kaalaman, kung tutuusin marami pang ibang pangkaraniwang parusa, pamatpat, bawas baon o allowance. nandiyan din ang bawal kang lumabas ng bahay (grounded kung baga).
pangkaraniwan din sa eskuwelahan ang pagsulat ng "i will do my assignment everyday" punuin ang papel niyan back to back. 5 pages mahigit. bahala ka nang dumiskarte diyan.

kung tutuusin sabi ng mga matatanda masuwerte pa raw tayo dahil hindi tulad noon (thank you po), mas magaan na raw ang parusa sa atin, hinahabol daw sila ng itak.
dati sa eskuwelahan pinapalo ng titser ang mga estudyante, ngayon ay bawal na.
talagang mapapatanim ka ng galit! pero bad yun.
ginagawa lang nila yon para lumaki kang mabuti. balang araw mare-realize mo din,

hanggang dito na lang.
maraming salamat sa pagbasa sa maikli ngunit walang saysay kong entry.
sana ay may natutunan ka, dahil expected namang wala.



3 comments:

  1. haha hanep ka talaga! para kang si bob ong magsulat! nagulat ako dun sa alchohol, akala ko pinapainom sa mga bata yun dati. hahaha.

    napakagaling talaga ng blog na to :)

    ReplyDelete
  2. na try ko yung walis tambo. laki ng pasa ko nun sa likod ng binti kasi nakadapa ako habang pinapalo. expose yun kaya pag nakikita ako ng mga kaklase ko battered child tawag nila sakin dati. ganda ng sinulat mo. natuwa talaga ako. nakaka miss maging bata at mapalo ng mga matatanda.

    ReplyDelete

Comments, Complaints, Reaction

Cryptobrowser