Wednesday, February 22, 2012

Salagubang Derby

hindi pa uso ang dota, hindi pa uso ang SF. 
bago pa ang panahon ng supermario, contra at urban champion. 
ay may 2 player game ng nilalaro ang mga bata.


at bukod sa Gagamba derby (sabong ng gagamba), nauuso na ang labananan ng salagubang .
hindi nga lang tulad ng labanan ng gagamba, sa salagubang derby ay walang rahas na kasali, walang mamatay sa dalawang salagubang na magtatagisan ng lakas. walang katis walang fishball


paano laruin?
ganito ang laban, bibili ka muna ngg tsiklet, mas maganda yung bubble joe bazooka kung naalala niyo pa.
nguyain ang tsiklet. 
pagkatpos, pagdikitin ang mga likod ng dalawang salagubang gamit ang tsiklet.
hayaan silang nakatumba patagilid.
pagsinubukang tumayo o makadapa ng isang salagubang kailangan niyang buhatin ang nakadikit sa likod niya na isa ring salagubang.
magpapalakasan sila, pattibayan ng kapit, pipilitin ng isa makatayo at hindi naman magpapatalo ang isa. magbubunuan sila.
exciting ang laban pag nakikita nang makakatayo ang isa at bigla namang nadulas at tumumba ulit.
at ang siyang makatayo ang siyang panalo.
ang talo ay ang siyang nakatiyayang buhat-buhat.

maaring ulitin hangang round 3, at ang manalo ng dalawang beses ang ay magagwaran ng unanimous decision.

kaya "lamang" ang salagubang na mas maliksi, mas makapit ang mga paa, at mas masuwerte.

gusto kong maglaro kaso wala akong salagubang?
makakahuli ka ng gagamba sa puno ng mangga, laksan mo lang ang yugyog at ng may mahulog na salagubang.
tulog sila sa umaga, at pag-gabi naman ay hyper. madalas marami nito tuwing hunyo o buwan ng tagulan, kaya siguro tinatawag din itong june beetle o june bug. at kung wala kang makuha meron namang mabibilhan, karaniwan sa labas ng school.

masama ba ito sa ecosystem? ang paglalaro ng salagubang?
hindi, sa totoo lang itunuturing itong peste dahil kinakain nito at kinakalbo ang mga dahon ng puno ng mangga. kaya hinuhuli ito ng mga magbubukid at minsan kinakain pa nga ng mga nagiinuman, madalas adobo ang luto at "lasang manok parin" (as usual).

kung makakakita ka ng kamukha nito ngunit kulay makintab na berde, ginto,o pilak. hindi ito salagubang kundi "Salaginto". kung ang itsura naman ay malaking may sungay, ito ay uwang. pero kung maitim, malambot at mabaho, baka ipis ang nakuha mo.

sa tagal ko ring naglaro nito, nalalaman ko kung babae o lalaki ang salagubang. babae siya kung maiitim siya. at kung may kalakihan. ito ay buntis. ang saya ko nung nangitlog yung favorite salagubang ko  na siyang pinakamalaki sa lahat . ibinilad ko ang mga itlog sa bintana-- ayun tumigas yung mga itlog at nasyaang parang nahardboil.

bukod sa paglalaban ng salagubang, pwede rin itong laruin, taliaan lamang ito sa katawan gamit ang sinulid at yun ihagis at lilipad-lipad ito.

ang sarap talaga isipin ng karanasan ng bata ka pa. nung bata ako gusto kong tumanda para di na ako patulugin sa tanghali. ngayong matanda na gusto ko uling bumalik kahit sandali lang sa pagkabata . hanggang dito na lang ang aking munting entry sana ay may napala ka naman. sige na maglalaro na ako ng bago kong paboritong salagubang.
siya si anub'arak ng DOTA

No comments:

Post a Comment

Comments, Complaints, Reaction

Cryptobrowser