Ang nakaraan...
"noon unang panahon, natuklasan ni uwak ang mga unang tao -si maganda at si mabait.
hindi nagkatuluyan ung lalaki at babae, dahil sa kabagalan ni Mabait.
paglipas ng mga taon na nais na niyang ipagtapat ay huli na ang lahat.
si Maganda ay asawa na ni Uwak (nasulot for short)
Ngayon,
Si mabait nga ay nakapagtapos na ng pag-aaral at naging matagumpay sa buhay, nakapagtapos siya ng Abogasya.
ngunit alam niya na ang kanyang pinakakaasam na pangarap ay malabo na. si maganda ay kay uwak na,
itinuon niya ang buhay niya sa pagtratrabaho at at sa mga ibang bagay para malimutan ang nakaraan. . sinuko niya na ang pag-ibig niya kay maganda lalo na nung nalaman niyang may anak na rin ang mga taksil.
ngunit isang malakas na "AYOKO NA!"
ang kanyang di sadyang isigaw, marahil ay kahit anong gawin niya ay di niya mapigilang isipin si Maganda.
naalala niya yung panahon na likhain sila ni bathala, sila ay lupa na hinulma at inuluto, pagkatapos ay binigyan ng buhay.
nagkaroon ng malaking pagbaha, napili ng bathala ang puno ng kawayan dahil sa kakayahan nitong sumabay at tumagal sa hamon ng unos. inalagaan sila sa loob nito at pagkatapos...
dumating ang uwak para buksan at palayain sila.
hinayang na hinayang, sinasapo niya ang kanyang dibdib, sinisisi niya ang sarili kung bakit di siya naging malakas.
ano na ang nangyari pagkalipas ng taon?
wari ba'y naiwan siya sa loob ng biyas ng kawayan,
"hanggang ngayon nakakulong parin ako, nakakulong sa loob ng mapait na nakaraan"
isang araw, naka-isip siya ng mga ideya;
una, nag-aral siya ng midwifery
pangalawa, binago niya ang pangalan niya, mula sa ngalang Mabait, siya na ngayon si Malakas.
at pangatlo ay gumawa siya ng tula.
'i got the power and fame,
I'll get back my mi amor.
Malakas is my name,
call me Mabait no more."
tinungo niya ang bahay ng mga dating kaibigan.
natagpuan niya si Uwak at si Maganda.... masaya silang nagkumustahan, doon uli sa kagubatan kung saan una silang nagkita-kita, naroon pa rin ang puno ng kawayan, este damo pala.
"kamusta mga friends" ang pagbati ni Malakas habang patakbo palapit sa mag-asawang Uwak at Maganda, kunwari hindi siya nagulat.
"ayyy ikaw pala mabait" ang sigaw ng mag-asawang nasupresa.
"ehem its Malakas. with capital M" Mabait said.
napansin ni Mabait este Malakas na malaki ang tiyan ni maganda.
" uy, KA-I-B-I-GAN buntis ka pala" ang tanong ni mabait.
"hinde, hindi siya buntis! kita mong malaki yung tiyan nagtatanong ka pa hahaha" ang sagot ni Uwak na natawa.
"kayo talaga, tara selfie tayong tatlo" ang anyaya ni Maganda.
"oh sige si uwak yung sa gitna" sabi ni mabait.
" diba masama yung magpapiktyur ang tatlo, mamatay daw yung sa gitna" sabi ni maganda
" to see is to believe, try nating si uwak ang sa gitna" ang payo ni mabait.
" pag buntis ba pinuktyuran makukunan?" pag alala ni uwak
" ewan, ang alam ko pag kinurot mo ng daliri yung siko mo hindi ka masasaktan" sagot ni Maganda.
" ang gulo niyo. eto na lang meron akong anting anting. sayo na lang Maganda para suwertehen ka naman." ang sabi ni Malakas at inabot kay maganda ang agimat.
"di ba maraming uri ng agimat, may pampasuwerte sa negosyo, pampasuwerte sa pag-ibig, pampahaba ng buhay, pampalakas at kung ano ano pa. Itong binigay mo para saan ito?" ang usisa ni maganda
" pag meron ka niyan, di mo na kailangan ng ibang agimat" ang tugon ni mabait.
" bakit?" ang tanong ni maganda.
" siyempre meron ka na" ang sagot ni Malakas.
" pwede kaya to sa left handed" mahinang sambit ni maganda at sinuot sa kaliwang kamay ang anting-anting.
" btw, di niyo naitatanong midwife din ako, alam kung wala kang trabahong matino Uwak. kaya kung nais niyo ay pwede akong maging midwife. no problem sa'kin.." ang offer ni malakas
" aba talaga, good news kasi gipit kami ngayon, mahirap ang buhay namin, isang kahig isang tuka, wala kaming pambayad sa ospital" ang nasabi ni Maganda
" may kakilala ako [areng uwak, pwede kitang ipasok ng trabaho. di kailangan ng talino kaya pwedeng pwede ka roon." anyaya ni Malakas
" teka, hindi pwede, sobra na" ang pagpigil ni uwak na kanina pa nanahimik,
" no no no" ang sagot ni mabait.
" ang ibig kong sabihin ay SOBRA KA!, wag mong iisiping hindi ko alam ang nasa isip mo, ikaw ang magpapa-anak? para ano? para maka-isa ka sa asawa ko" nakakagulat na sigaw ni uwak
"hindi ko alam ang pinagsasabi mo, ang ganang akin lang ay bigyan mo sana nang magandang buhay ang mag-anak mo. kelan ka kikilos? sa pagputi ng uwak?" ang pagtanggol ni Malakas sa sarili
" umalis ka na rito at huwag ng magpapakita sa amin, SULUTERO" ang bulyaw ni Uwak na kanina pa nagtitimpi.
"ano sinong sulutero?" nagpantig ang tenga ni Malakas. "sino nga ulet? tama ba ang narinig ko? put..." nag-init ang ulo ni mabait. isang unos ang paparating.
" alam mo naman na ikaw ang sulotero, alam mong una pa lang ay may pagtingin na ako kay Maganda,(ligaw tingin)" ang wika ni Malakas
"teka naguguluhan ako, may pagtingin ka sa akin dati pa?" ang epal ni Maganda.
"oo! at kahit kailan, hindi ako tumigil magmahal sa'yo. sinubukan ko. pero mahal talaga kita. noon, ngayon, at panghabang panahon" ang pagtatapat na ni mabait.
"teka, mahal mo siya, pero di ka niya mahal, wag mo nang pagpilitan ang sarili mo mabait, nagmamahalan kami at may sarili ng pamilya, mahiya ka naman, homewrecker ka?" ang sambit ni uwak.
"sabihin mo na ang lahat uwak, pero alam ko, sa puso ni Maganda ay nandyan ako, pero kung gusto mo idaan natin sa isang labanan ang lahat ng ito" ang hamon ni Malakas
"hinahamon kita uwak kung lalaki ka! isang duwelo, pick up lines battle, no overtime, and the crowd will be the judges. the winner takes all" .ang dag-dag pa ni Malakas.
hindi nila napapansin na parami na ng parami ang mga nakikiusyoso dahil na rin naglalakasan na ang mga boses nila.
"pick up?, lines?" mahinang sabi ni uwak.
" oh nasaan na ang tapang mo kanina, bakit di ka makapagsalita, ano napipi ka na?" ang pangugutya ni Malakas.
" hahah nakakapagsalita ako, eh ikaw kaya mong lumipad? huh?" ang banat ni uwak.
" hindi, pero kumakain ako ng buhay na manok" ang sagot ni mabait
"hindi ako manok" sagot ni uwak.
magsusuntukan na sana ang dalawang dating magkaibigan, nakaamba na ang kamao ni Malakas at handa namang sumagot si uwak gamit ang kamao niya (basta may kamao siya)
"teka wag kayong ganyan, magkaibigan kayo" ang awat ni Maganda.
wala ng nagawa si Maganda kundi maging neneng B
napalibutan sila ng maraming usisero na nagsisigawan, karamihan ay boto kay uwak.
inumpisahan na ang laban.
Maganda: welcome to the pick-up line battle, everybody make some noise!!
crowd: whooaahh
mauunang bumanat si Malakas, pinatunog ang mga kamao (praakkkk!)
at nagsimula ng bumanat
bumanat ng pick up lines si Malakas
Malakas: pwede ka bang maabot?
maganda: bakit?
mabait: ikaw kasi ang pangarap ko! whooo
walang pumalakpak, onting huni ng insekto, ngumiti si maganda ng onti "ahihihi".
ngingit-ngiti lang si uwak.
babanat na si Uwak,
uwak : ketchup ka ba?
maganda: bakit?
uwak : kailangan ka kasi ng hotdog ko. boom!
nagsisigawan, nagsitalunan ang mga crowd. may nagkakauntugan pa nga at sa round 1 ay mukhang nakuha ni uwak.hindi man ngumiti si maganda, kitang kita parin ang saya nito sa kanyang mata at expression ng mukha.
babawi naman si Malakas
nakataas ang mga kamay at titira na,
Malakas: may kilala ka bang gumagawa ng relo?
maganda: bakit?
mabait: kasi tuwing kausap kita..... tumitigil ang oras ko... woooooaahhhhh.
may napilitang pumalakpak at napangiti si maganda
uwak: katahimikan, ako naman (pakahig-kahig pa sa lupa)
uwak: manok ka ba?
maganda: bakit?
uwak: kailangan ka kasi ng mga itlog ko, woooh boom!
hindi mapigilan ang sigawan ng crowd at nakangiti na halos kaluluwa ni Maganda. mukha ngang tagilid si Malakas. sure win na. imposibleng manalo si Malakas sa scorecards, its a clear unanimous decision victory!
hindi makapagpasya si Maganda kaya ipinasa niya na lang ito sa sigawan ng crowd
crowd: tatay, tatay, tatay, tatay....
tatay, tatay, tatay, tatay....---sigaw ng mga tao na mga anak pala ni Uwak at Maganda
kesa magulpi, nag-concede na lang si Malakas
Malakas: dami niyo na palang anak.panalo ka na, sibat na ko.
* ang kuwento na ito ay karugtong ng "Si Maganda at Mabait(Ang Alamat ng Unang mga Tao)sa mga di pa nakabasa ng unang chapter, narito ang link
http://isumbongmo.blogspot.com/2011/02/si-maganda-at-si-mabait.html

at nanalo si uwak
Uwak: kaibigang mabait este malakas, ipagtatapat ko sa iyo ito, dati na akong umiibig kay maganda, nung narinig ko palang ang boses niya ay parang nagsisitalon na ang puso ko. kaya nung nakita ko siya, ipinangalan ko sa kanya ay maganda
Maganda: bolero ka parin uwak pero okay yan atleast nagsasabi ka ng totoo. Ang totoo'y masuwerte ang babaeng makakatuluyan mo mabait. you deserve better.
Malakas: masaya narin ako at kampanteng alam kong nasa mabuti kang kamay este pakpak maganda. sayo naman uwak ay may tanong ako, bakit nga ba "mabait" ang iningalan mo at hindi malakas?
Uwak: paanong malakas, eh pagbuwal sa kawayan sa munting ibon ka pa nagpatulong, balak ko ngang ipangalan sa iyo Tamad"
Malakas: basta mula ngayon hindi Tamad o Mabait ang pangalan ko, kundi malakas,
nagtawanan ang magkakaibigan. parang dati nung una. naputol ang tawanan nang ibinigay ni maganda ang bagong print na litrato nilang tatlo.
Maganda: salamat rito sa magarang anting-anting, nagustuhan ko siya talaga.

Uwak: kahit baguhin mo ng ilang beses ang pangalan mo, ikaw parin ang mahal naming kaibigan.
Malakas: ganoon din ako.
nagpakalayo layo si Malakas/Mabait. tuloy ang buhay. hindi man sila ni maganda sa huli siya parin ang unang pagibig niya. sapat na ang maipagtapat niya ang nararamdaman at para siyang nakahinga ng maluwag. kung kayo, kayo talaga. if you love somebody set her free. naniniwala siya na merong destiny talaga.
hanggang sa makilala niya si Destiny ang babaeng muling nagpatibok ng kanyang puso ---ex ni uwak.

the end
* ang kuwento na ito ay karugtong ng "Si Maganda at Mabait(Ang Alamat ng Unang mga Tao)sa mga di pa nakabasa ng unang chapter, narito ang link
http://isumbongmo.blogspot.com/2011/02/si-maganda-at-si-mabait.html
No comments:
Post a Comment
Comments, Complaints, Reaction