Wednesday, March 20, 2013

Tama Pero Di Dapat

"Freedom of speech" salamat na lang at meron tayo niyan, malaya akong nakakapag-blog ngayon dahil diyan. pero dapat alam natin ang responsibilidad natin. mahirap yung banat ng banat!
parang pick-up lines kailangan alam natin kung kailan at paano gamitin(timing).
nitong March. 20, 2012. isang "status" ang nabasa ko sa friend ko. tungkol ito sa istudyanteng nag-suicide dahil sa problema sa eskuwela.
ganito ang comment niya:

"It isn’t her parents’ fault. Suicide is a selfish and self-centered way to deal with one’s problems. It is sad that she wasn't able to pay for her tuition, but I can bet you that the only person she was thinking before committing suicide was herself."

ang status na yan ay umani ng maraming likes, may mga nagcomment pa ng ganito.

"Siya tapos niya na ang problema niya, paano ang magulang niya. habambuhay na maghihinagpis."

Oo na, tama na kayo! kaso mali pa rin, tama pero di dapat.
maari niyo naman itong i-comment pero di ngayon, sa kasagsagan ng pagdadalamhati ng mga naiwan niya.
pero in-fairnes naman at nagsorry ang ilan sa kanila. nakakapagtaka lang at ayaw nilang idelete ang kanilang "words of wisdom(daw?)" na na-post.
may mga bagay talagang mas nakakabuti kung ipagpaliban muna o kaya naman ay kalimutan na lang.

hindi pwedeng maging pabaya tayo sa mga bibitawang salita. baka sa halip na mapabuti ay mapasama ka pa. nagmamalasakit ka lang ang lumabas, ikaw pa ang mali. laging ilulugar ang sarili.

Kahit galit ka, sikaping wag gumamit ng mura at mga maseselang salita lalo na't may mga bata.

Kung may matanda kang kausap at ito ay nagkamali kausapin mo ito ng buong galang at kagaya ng iyong ama kahit ikaw pa ang tama. 

may joke pa;  paano mo raw sasabihin sa katabi na bad breath siya. eto ang mga sagot..
"masarap ba talaga ang kinain mong durian?
"sibuyas ba agahan niyo kanina?"
" Wow pare ang baho ng hininga mo, kainggit ka"
"chat o text na lang tayo"
"anak ng... ambaho ng hininga mo!"

Pero di ba mas makakabuti na wag ka nang magtanong? 100% kasing mao-offend siya lalo na kung di kaniya close.
isa pa mas makakabuting wag ka na talagang magtanong para di niya na ibuka ang bibig niya. hehehe.
magtiis ka na lang, wag mong ipahalata na naiirita ka. tiis lang at may awa din si batman.

isa pa, tulad mo minsan nangigigil din ako sa mga sitwasyong ganito.
nakita ko sa facebook yung kaibigan ko na may kasamang sobrang hot na girl. minsan gusto ko nang maniwalang love is blind. biruin mo nakabulag yung mukhang ganoon(mukhang kontrabida). kung makita mo itsura non kasama yung girl, ay naku magdurobdob kang magcomment dahil kawawa yung babae.
LUGING LUGI TALAGA!.
kung may kapangyarihan lang ako. iuuntog ko yung girl nang magising.
gusto kong i-comment sa fb kung  anong hinalo niya sa alak----vetsin  ba o floorwax?
maraming masasakit na salita akong naiiisip. maraming panlalait akong nakikita sa mukha ng bestfriend ko.
mga salitang humihiwa ng laman at tumatagos hanggang buto.
hindi na ako makahinga sa tindi ng gigil at awa sa babae nang bumalik ang ulirat ko.
at "no comment" na lang ang isinulat ko sa comment.
hindi kaya ng kunsensiya ko na sabihing: "naks bagay kayo!"
sayang din ang kaibigan ko baka di niya maintindahan na nagsasabi lang ako ng totoo. kaya pinili kong manahimik at magkunwaring masaya ako nang maka-jackpot siya

kailangan mo talagang magtimpi. baka pag pinagsabay mo ang galit at talim nang salita ay makagat ng ngipin mo ang dila mo. ikaw din pala ang masasaktan. kaya chillax lang!
pabayaan mo na. minsan mas magandang manahimik na lang.
ang nawawala lang sa taong mapagkumbaba ay ang pride niya.

maging maingat sa pagbitiw ng salita. lahat tayo ay may karapatang ihayag ang damdamin. pero minsan talaga nagiging mali

"to be right is good but to be kind is better"
pero kung gustong mong "the best"--- gamitin ang puso't isip.

sana ay may natutunan ka, tulad ko na akala ko rati ay napakatalino ko at kaya kung harapin ang lahat. yun pala imbes na matalino ka tingnan eh nagmumukha kang mayabang, bastos at walang bait.
original link: http://sphotos-c.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash3/c67.0.403.403/p403x403/544180_437483696333243_1544629880_n.jpg


maraming salamat sa pagbasa, napaiyak ba kita?.

Saturday, March 16, 2013

300 Spartan (Pinoy Version) ahoo ahoo!

Filipino warriors puro pogi mas pogi pa sa mga spartans

Feb. 11, 2013 nag simula ang Sabah Standoff. Tumuntong ang mga tausug warriors sa distrito ng Lahad Datu, Sabah sa pangunguna ni leonidas este Raja Muda ("crown prince"), Agbimuddin Kiram. sila ay mula sa isla ng tawi-tawi na kadikit lang ng Sabah.
pinaglalaban nila ang kanilang historical dispute patungkol sa karapatan nila sa Sabah.
hundreds vs a nation.

isang hamon na naman ito sa ating gobyerno at sa bawat pilipino.

ako man ay hindi pabor sa digmaan lugi man o hindi.
Pero natuloy na nga ang kinakatakutan. March 1, 2013 ng lumusob na ang Persian este Malaysian Police.
ganyang ganyan yung itsura nila

Nagpadala ang gobyerno ng mga tulong at patuloy parin ang paghikayat nito sa mga kapatid natin na umuwi na dahil siguradong kakatayin lang sila. pero talagang buo na ang isip nila. ganyan talaga pag awayan sa lupa.

Matigas ang ulo, nagmamatigas. ganito ang definition ng media sa mga kapatid nating Tausug. imbes na Filipino ang itawag sa mga tausug na ito, sa balita "mga tagasunod ng sultan" ang tawag nila. 
Bakit? 
eh ganyan tayong mga pinoy watak-watak. bahala ka sa buhay mo.

Naglabas pa sila ng malisyosong balita na diumano ay hinikayat ng sultanato ng sulu ang mga tausug na pumunta at mag-alsa sa malaysia kapalit ng pera.

Binalita pa nila na "nagpapansin" lang daw ang mga ito dahil naechepwera sila nang buohin ang Bansamoro Framework Agreement.

Isa pa, may nanunulsol daw o sabwatan.

Magaling talaga tayong bumanat pag pinoy ang babanatan (Pinoy Media as its Best).
gma7 at abs-cbn

Ang tangi yatang nila pakay ay para di makuha ng Sulu Royal Security Force ang simpatya ng mga pinoy.
effective kasi eh,  Maraming mga pinoy ang nabola ng media. Kumbaga sila si Traitoro ng movie na 300. 
Ilang Persian gold coins este Malaysian Ringgits kaya ang bayad nila sa Kapatid, Kapuso at Kapamilya Station.

May ilang Pinoy Warriors ang nakauwi na sa bansa. at yung gobyerno ambilis ng aksiyon.
sinampahan sila ng kaso. (impressive!)

Tapos  ayan na nga, Ang nangyari  lang ay dumanak ang dugo.
Sana hindi nangyari ito kung naging mahusay si Pnoy. Sana nabasa niya ang sulat ng sultanato na nawala (burara).
Di sana nangyari ito kung may aksiyon at hindi lang puro painterbyu.

Ganoon pamandin. ang isang pagkukulang na ito ay di sapat para mawalan ng tiwala sa ating pangulo.
Hindi pa lubos na huli. nawa'y magawan ito ng aksiyon.
Nakakatakot baka isang araw, Alukin ng Malaysian Gov't ang Sultanate ng Sulu na jumoin na lang sa kanila.
Di nila kasi maramdaman na pinoy sila sa ginagawa ng gobyerno.

Teka anong nagyari sa pagkamkam ng China sa Scarborough, Baka nandiyan na sila sa Palawan.

Ano man ang sabihin ng pangulo. Sino man ang sisihin niya. Sino man ang latest GF niya.
sa pangyayaring ito tulad ng pangyayari sa pelikulang 300
ang Pangulong Noy ay ginampanan ang karakter ni Ephialtes ang nagtraydor sa mga Spartans.
Totoo kaya ang sabi-sabi na ang Gobyerno ay tumatanggap ng pera mula sa Malaysia itikom lang ang bibig?

Wednesday, March 13, 2013

Ang Hiling ni Kapatid na Jun

isang makapagbagbag damdamin ang matutunghayan. Isang hiling ang aming bibigyan kasagutan.
humanda, dahil para kang binatang umihi===di mo maiiwasang kiligin sa mga magaganap. basahin natin ang kanyang liham.

dear ser b3n,

   ako po si Jun. ako po ay napilitang lumuwas rito sa maynila. iniwan ko ho ang aking 4 na taong anak at asawa sa probinsya. tinitiis ko po ang hirap ng trabaho rito, kahit na po may nararamdaman akong masakit eh tinitiis ko. ang isang mahirap pa ay ang malayo sa pamilya mo. ibang pangungulila at paninimdim ang lagi kong kayakap araw at gabi makapagpadala lang ng pera sa mga mahal ko sa buhay sa probinsya.
   
  Ang hiling ko po sana'y makasama ang pamilya ko dahil, mahirap po pala talagang mag-isa. wala akong magawa kasi kailangan namin ng kuwarta para di magutom. di ako makauwi dahil narin sa maliit lang ang sahod ko, kaya yung ipapamasahe sa barko ay ipapadala ko na lang. sana po ay mabigyan niyo ng pansin ang aking liham.

umaasa sa iyo,

Jun


Ilang araw lang pagkatanggap namin ng sulat ay agad naming tinungo si Jun sa kanyang tahanan.
bitbit ang mga regalong handog ng aming team.
nasopresa si mang jun.
ang unang regalo ay ang pangkabuhayan package.


sumunod ay pinasuri namin siya sa isang eksperto sa kalusugan. dahil umano sa iniinda niyang karamdaman.
at aniya ng doctor. usog lamang ang sakit ni mang jun. nilawayan lamang siya para gumaling.

nakikita ko ang ligaya sa mata ni mang jun, ngunit umpisa pa lang yan.
batid namin ang kaniyang pangungulila. kaya isang sorpresa at tiyakkk na ikagugulat ng mabuting ama.
naka-blindfold si mang jun ng dinala namin siya sa isang kwarto at doon tinanggal ang piring.
tumambad sa kanya ang ilang bagong kagamitan, bagong sabon at shampoo, bagong brief, bagong sipilyo rin para hindi na siya nanghihiram sa kapitbahay.

at

maya-maya pa ay isang babae ang patakbong umiiyak na yumakap sa nakatalikod na si mang jun.
kasama pa ng isang bata na sobrang adorable at isang dalaga.
yumakap narin si mang jun.
doon ay di niya naring mapigilang umiyak. gayon din ang buong staff.
sa kalagitnaan ng pag-iyak niya ay itinanong niya sa amin. "huhuhu Sino siya(yung babae)?, bakit siya umiiyak huhuhu?".

"Mang jun, siya ang bago mong asawa at bagong anak, tada!! nasopresa ka ba?"
oo! totoo mang jun, bago lahat yan, mas cute sila diba?"
kaya di ka na mangulila pa at mag-iisa rito sa maynila.
maasikaso ang maganda at balingkinitang chix na dating nurse at HRM graduate din.
sure na malambing, hindi bungangera, mas maganda at maunawain pa yan. ako yata ang pumili niyan. at sagot lahat yan ng isumbongmo.blogspot.com!
masaya ka na ba"

hindi lingid sa kaalaman ko na niya maiiwasang mag-alala sa pamilyang naiwan sa probinsya. kitang kita ko sa kanyang mga mata.
paano na sila.
kaya bago siya magsalita  ay binuksan na namin ang computer at nag-open ng skype

kung tungkol naman po sa pamilya niyo sa cagayan. wag ho kayong mabahala mang jun sapagkat binilhan na rin namin ang tunay na misis niyo ng bagong asawa. at masaya sila rito. mas gwapo at kumikita ng sapat at di na kailangan lumayo.

doon siya lalong umiyak. 

"hu hu hu, di ko na alam ang sasabihin ko" ang huling nabigkas ni Mang Jun bago siya nahimatay.
oOo

diyan na natapos ang isang araw naman ng pagtupad sa mga hiling. 
abangan ninyo ang mga susunod pang episode.
eto si b3n 2lfowh at sampu ng mga bumubuo ng isumbongmo.blogspot.com na laging nagpapa-alala na libreng mangarap at wag mawalan ng pag-asa.

Monday, March 11, 2013

Ang Dating Don

Sa isang lugar sa Saranggani ay may lalakeng mayaman. siya si Don Gerry--- may ari ng malaking palaisadaan
saksakan ng kunat at gulang ang taong ito. bukod dun eh may pagkamatapobre rin ang nilalang na'to
mistulang binabad sa kayabangan ang ugali niya.
ngunit marami rin ang nakakaalam na mula rin siya sa pagiging anakpawis.

lagi niyang ikinukuwento na noong binata siya eh nakapagtrabaho siya sa Banko Sentral ng Pilipinas (wow)
hindi niya naman kinukuwento na ang trabaho niya roon ay taga-guhit ng gilid ng piso nung araw.

Isang araw bumisita ang kanyang ina na nanghihingi ng tulong, ngunit sa halip na tulungan ito ay pinagwikaan pa ng ganito; "kaya kayo walang asenso, lagi kayo hingi ng hingi.
ay naku! sa tingin ko mas makakatulong ako kung di ko kayo tutulungan ng sa ganoon matuto kayong hindi umasa sa akin"

umalis ang kanyang ina na nanghihingi ng pambayad sa ospital bill ng kapatid niyang maykaramdaman.
totoo namang hingi ng hingi si aling maria kay gerry, yun naman ay dahil sa sampung beses na humingi ang matanda ng tulong eh daang beses naman itong tinanggihan ni Don Gerry.

maya-maya'y dumating si Don Pruke--isang mayaman na sinawsaw sa kayabangan.
malugod na tinanggap ni don gerry ang kaibigan, at masayang nag-usap.

Don Gerry: kumusta don Prekprek, este Pruke pala. nitong huli, sabi mo nang nakaraan eh isasakay mo ako sa bago mong yateng nabili sa napakalaking halaga

Don Pruke: Oo sana, kaso eh di natin magagamit ngayon, yung yate nabasa. tsk tsk tsk.

Don Gerry: ah ganoon ba, masyado palang sensitive yang yate, kaya ayaw kong bumili ng mga mumurahin.

Don Pruke: teka, eh, bakit di nalang yung sinasabi mong nabili mong submarine ang sakyan natin ngayon kaibigan?.

Don Gerry: ipagpaumanhin mo... (hindi pa nakakatapos ng sasabihin si Don Gerry eh sumabat na agad si...)

Don Pruke: hahahaha, huwag mong sabihining nabasa rin?!

Don Gerry: ah hindi naman kasing pipitsugin ng yate mo ang submarine ko. ang problema kasi yung submarine ko---lumubog!

natapos ang palitan ng mahahangin na salita ng dalawa at nagpaalam na si Don Pruke
lumipas ang ilang taon, isang wild fire ang kumalat sa lugar nila at kasamang nasunog ang malaking palaisdaan ni Don Gerry. marami kasing tambay na dumudura ng plema kaya naging plemable (Flamable)--- nakuha niyo yung wordplay?


nalugi ng malaki ang Don at nabaon pa sa utang, sumubok rin sa ibang negosyo at nabigo.
mahirap na Ang Dating Don (ADD)
humingi siya ng tulong sa mga kaibigan at koneksyon niya ngunit ito ang karaniwang sagot nila.
"sa tingin ko mas makakatulong ako kung di kita tutulungan"
naalala niya ang kanyang ina at humingi ng tulong at siya namang di matiis nito.
nadatnan niya rin ang kanyang kapatid na masaya siyang nakita at ilang araw ay pumanaw na.

napagtanto niya ang tunay na yaman na nararapat ingatan.

natuto na rin siya sa pagpili ng kaibigan.

naisip niya rin na may mga kaibigan tayong triple-triple ang cellphone ngunit di naman matawagan kung kailangan.

meron namang mga taong kahit di nga tayo magsalita eh nariyan at naiintindihan ka.


sa muling pagbangon ng dating Don.
unti-unting bumalik ang mga nawala kay Don Gerry.
mas naging matagumpay siya at higit sa lahat ----naging mas masaya :)

Cryptobrowser