Saturday, October 12, 2013

Sumbong: Utang

Isang mainit na tanghali. may aleng siningil ng isang mama. sinisingil siya sa inutang nitong nagkakahalaga ng 20 pesos something. yung mama ay may-ari ng isang sari-sari store at may utang roon ang ale.
Sa harap ng maraming tao. Siningil ng mama ang ale. malakas ang boses ng mama kaya lahat ng naroon ay naagaw niya ang atensiyon. di na gaanong sumagot ang napahiyang babae.
umalis na rin ang magalang na mama kalaunan.

di pa lumulunog ang araw ay nagtungo ang ale sa tindahan ng may modong tindero.
nagwika ang ale ng ganito " oh eto na ang bayad ko, wag ka na ring manghihiram ng pliers, tester, electrical tape,  screw driver at iba pang gamit sa amin pati yung hindi na ginagamit na plywood" ani ng nagbayad na ale.
Ang tao nga naman, maiksi ang ala-ala sa mabuting nagawa ng kapwa niya pero sa kasalanan nito kahit 20 pesos lang eh halos di na makatulog kaya talagang nag-effort pa para painsultuhing singilin ang may utang sa kaniya.

pero kung ako kay aling maria.ganito gagawin ko pag sakaling may hiniram ang mama sa akin na gamit.
babawiin ko pagmeron siyang bisita at pagwiwikaan ko talaga ng malupit ng mapahiya rin siya. pero sabagay tanging mga tulad lang ni batoy ang makakagawa niyaon.

Kaya ko naikukuwento ito kasi marami akong nakitang tindahan na may ganitong naka-paskil (tingnan ang larawan). ganito rin ang nakapaskil sa mamang topic ng sumbong na ito.

kung may survey. mapapansin mo na kung sino pa ang mayroon nito siya yung talaga namang hindi nagpapautang. check niyo.
mga feeling nagpapa-utang nga!
oh sige marahil marami ang nangungutang sa kanya. lagi niyang sinasabi na si aling maria ay 5 beses umutang sa loob ng isang araw!
eh sa loob ng 5 beses na iyon ay 500 na beses ka humindi. at galit ka pa mang batoy.

kaya siguro batoy ang pangalan mo kasi para kang bato na mukha namang pitoy kaya batoy. para may clue kayo kung ano ang itsura niya. siya ay malaking tao, malaki ang tiyan, kalbo, makinis ang mukha kasing kinis ng kay Spongebob. ayon sa mga tsismis ng mga bading. meron siyang tattoo na paru-paro sa puson.



pero si batoy lamang pala ang may ganitong kalapad at makapal na mukha. kaya pihadong hindi ito magagawa ni aling maria.

isa pa. hindi naman sa sinisiraan ko yung abusadong tindahan nila.
pero yung mga tinda nila mas mahal ng piso kumpara sa tindahan ng iba.----may tubo na nga tutubuan pa!
kaya kung sakaling napabili ka roon, wag kang magulat kung kulang ng piso o higit pa, kasi hindi kulang kundi sobra ang presyo nila.
itanong mo muna kung magkano sa kanila ang presyo ng bibilhin. pag napansin mong mahal.
sabihin mo "ala grabe ka magpresyo, overprice. makabili na nga sa iba!" sabay itapon mo sa harap niya yung inabot niya sa iyo.

hanggat maari wag nang bumili kahit lumingon man lang sa mga tindahan niya. yung inaamag na hopia lang naman ang mura sa kanila kasi 1 taon nang di nabibili.

pag di sinasadyang napabili sa kanya, wag kang mahihiyang sabihin ang nasa loob mo.
"ang mahal ng tinda niyo"
para maramdaman niya yung mapahiya.
tama na ang utang ay dapat bayaran.
pero "Its better to be kind than to be right"

maningil ka Batoy sa tamang paraan dahil karapatan mong maningil.
wag yung mamahiya ng tao. nagagawa mong manapak ng iba nang kahit ilang pulgada lang eh tumaas ka.
aminin mo na ikaw rin ay may utang at baka mas malaki pa nga. aminin mo na ayaw mong mapahiya. kaya sana Batoy paka-isipin mo.
kung ayaw mong lihain, kuskusin, sabunan ka ng maraming banat ng isumbongmo,blogspot,com
para kuminis yang magaspang mong ugali.

pero bago ako magpa-alam. nasi kong malaman niyo na nais kong magpagawa ng t-shirt para kay Batoy.
sa tingin niyo magugustuhan niya ito? medyo kopya ko lang sa ibang design ng t-shirt na uso sa ngayon.
umaasa akong maiibigan mo ito batoy yabang matapobre.

eto ang design, hahanap pa ako ng triple XL


hanggang dito na lang.
patuloy ang blog na itong magmamatiyag,
mga pasaway, si b3n 2lfowh ang aatupag




attributes:
https://www.facebook.com/PUBPSG

Saturday, October 5, 2013

How to Draw Manga (MS PAINT)

Learn to draw manga as easy as A, B, C. using MS Paint
Madali lang! tulad mo, ako rin ay tagahanga. una kong natutunan i-drowing si Son Gokou ng Dragon Ball Z.
tapos, kasikatan ng Ghost Fighter, Trigun, Powerpuff Girl (hindi siya manga) lahat ng karakter dun kaya kong iguhit. then nag enhance pa ang aking talento dahil na rin sa hilig ko talaga. kaya't heto't nais mamahagi ng kaalaman. wish ko na mapakinabangan mo rin.


pero bago ang lahat ano nga ba ang manga.

Manga loosely refers to a style of cartoons originating in Japan. They usually are published in installments, and depending on their form, can be up to several hundred pages long. Many different genres are available, so they are popular with people of all ages and backgrounds. 
Known for their in-depth plots and characters, these well-respected works have been drawn for hundreds of years, 
although the modern version developed starting in the mid-20th century. <---wag mo nang basahin 'to, ok?

LET START on How To Draw Manga...... using Microsoft Paint


STEP 1
Draw a S line like this. this line will serve as Left cheek


STEP 2

Draw a Curve for left Cheek (now you already have the shape of the face)


 STEP 3
Draw a Curve on top



STEP 4
add another curve opposite to the first as you see.


STEP 4
draw a S curve between 2 curve lines on top


STEP 5
Add Lines, Do as many as you like.


STEP 4
And last. the finishing touch!!! 
Erase the pointed tip at the bottom of the mango or manga in  tagalog. and replace a curve.
edit also the stalk (tangkay ng manga) to make it more realistic and cute.

congratulations. now you can draw manga as many as you like. just leave comment and suggestion.

http://www.wisegeek.com
http://www.howtodrawmanga3d.com/

Friday, September 27, 2013

10 Dis-advantages ng Pagpapa-Tattoo

may kaibigan akong laging ginugulpi ng kanyang tatay kasi lalambot-lambot.
kaya naisipan niyang magpa tatoo para ipakita sa ama niya na tigasin siya.
problema ginulpi pa rin siya, bakit? sa kilay kasi siya nagpalagay. (ay taray!)

anyway. para sa akin eh wala namang problema sa tattoo. panahon pa ni lapu lapu eh kultura na natin yan.
nang dumating ang mga misyonerong kastila. nabago ang pananaw natin sa tattoo. alam naman natin ang paliwanag nila. ang katawan ng tao ay templo ng Diyos kaya dapat nating panatilihing malinis ito.
gayunpaman, bukod dito. naniniwala akong astig din ang walang tattoo. at heto ang mga punto ko.

Una. Pagsasakay ka ng dyip, madali kang matandaan pag may tattoo ka kaya mahirap makapag 1,2,3.

Pangalawa. Pag may mahal ka sa buhay na nangailangan ng dugo. rejected ka kaagad pag may tattoo ka. sayang diba? marumi na raw ang dugo ng taong may tattoo kaya hindi ka qualified maging maging blood donor.
dahil lang sa tattoo? ang mangyayari imbes na gatas na sterilized lang bibilhin mo pagkatapos mong makapagdonate eh hindi na ito mangyayari kasi hindi ka pwedeng magdonate ng dugo.  mapapagastos ka ng libo para bumili ng bag ng dugo.

Pangatlo. Hassle pag maga-apply ng trabaho. saka ka na mag-tattoo kung mayaman ka na.

Pang-Apat. mukha kang taga kulungan. akala ng marami astig ang taong may tattoo. kung alam lang nila na scratch paper lang ng mga mayores ang mga yun sa loob wala kasi silang gaanong libangan kaya balat nila ang pinagdidiskitahan.

Pang-Lima. bago raw itatak ang tattoo sa balat una na itong naitatak sa isipan. kaso paano pag nagsawa ka o gusto mo itong ipabago, di natin alam ang bukas. kaya mas maganda kung "henna tatto" na lang para madali at mura kung buburahin. oh kaya try mo yung tattoo gamit tung plastic ng chichiria. lagyang mo lang ng alcohol yung parte ng balat at ilapat ang printed na bahagi ng plastic. try mo yung plastic ng boy bawang.

Pang-Anim. Likas na mapanghusga ang mga tao. may tattoo ka lang ang tingin na sa'yo kriminal. may nakakompronta akong mama. tatlo sila bukod pa sa mga rumesbak. walang nagawa yung tattoo nila. pagkatapos ko silang pagsalansangin buti na lang maydala akong pambura. naabutan ako ng mga pulis na binubura ko yung tattoo nila. nakuwento ko na'to sa mama at kamaganak ko pero walang naniniwala.
anyway hindi naman laging nakakasindak ang tattoo minsan nga imbes na matakot sila eh bumubulong sila patalikod ng kung ano-ano--yun ang nangyayari.

Pang-Pito. Pag nagka-raid sa lugar mo. isa ka sa dadamputin? bakit?
kasi kung sakaling sangkot ang frat mo tapos may tattoo ka na emblem pa ng kapatiran mo. sa presinto ka na magpaliwanag Pag minalas pa, baka taniman ka pa ng pulis ng ebidensya. yung bang may ilalagay sayo na isang bagay tapos palalabasin nilang may nakapkap sila sayo. sakit sa bangs diba. eh kung wala kang tattoo .

Pang-Walo. Pag simbolo ng frat mo ang ilalagay, tapos nadayo ka sa lugar ng karibal na frat niyo. paano mo maitatanggi na di ka kalaban nila. at paano kung kasama mo ang mga mahal mo sa buhay?

Pang-Siyam. Hindi mo maitatago ang identity mo kung kailangan. may kaibigan ako na naprotesta sa basketball kasi sumali siya sa kidz division ng liga. eh 36 na siya. sinubukan niyang magpalusot. ang problema sa kanang balikat niya ay may tattoo siya ng date ng kaniyang kapanganakan. wala siyang nagawa. meron ding nagpapanggap na pulis samantalang siya ay guwardiya. nagpalagay siya ng tatto sa kanyang balikat. yung motto ng PNP na "To Serve and Protect" ayun ginulpi siya ng mapunta sa isang probinsya na pugad ng mga NPA. 

Pang-Sampu. May mga pag-aaaral na maaring magdulot ng sakit at masamang epekto sa kalusugan ang pagta-tattoo. para sa ibang impormasyon narito ang link.
 http://www.medimanage.com/my-looks/articles/the-good-and-bad-sides-of-tatoo.aspx

 Yun lamang po at salamat sa pagbasa. pero kung may tatto ka na eh wala ng magagawa, nandiyan na yan eh. be proud na lang at sana maging masaya ka sa desisyon mo.


pero kung may kapatid kang nagpaplano rin. try mo siyang kausapin at payuhan. but in the end of the day. wala ka namang sinasaktang tao kaya walang problema. may good sides din naman ang paglalagay ng tattoo. sa ngayon eh mas naniniwala ako na kung titimbangin eh mas praktikal ang walang tattoo. pwede ka parin namang maging astig kahit wala niyan. at wag kang magpapauto sa mga taong gustong gawing human banner ng fratetnity ang katawan mo. hingin ang payo ng mga kaibigan at mga mahal sa buhay.

attributes: https://www.facebook.com/InkSpiredMagazine
robin estores and www.google.com


Tuesday, June 11, 2013

Himala o Apophenia?

Tayong mga pinoy mahilig sa himala, kahit ano napapansin, lahat binibigyan ng banal na kahulugan, kesyo ang mukha raw ni mama mary ay nasa puno nang saging, yung mukha raw ni Lord Jesus ay nakatatak sa isang pader, sa tinapay, sa bubong etc.
hindi lang naman sa pilipinas nangyayari ang pagkahumaling natin sa mga bagay na yan. maging sa ibang bansa. Himala nga ba o "Apophenia" --- Apophenia /æpɵˈfniə/ is the experience of seeing meaningful patterns or connections in random or meaningless data.  (galing sa wikipedia)

sa madaling salita, likas na sa atin ang makabuo ng imahe mula sa isang bagay. halimbawa na lang sa mapa ng pilipinas. 
sabi nang marami mukha raw "tao na nakaluhod" kung titingnan mo sa mapa. 
sabi nang mga Christian, mukha raw donkey (donkey kasi yung sinakyan ni Lord nang pumunta siya jerusalem).
sa mga taga bilyaran naman, mukha raw nagbibilyar, yung palawan kasi parang braso na naka-planketa/.
sabi nang teacher ko, mukha raw sinaboy na kwintas na perlas,
at mukha raw gown para sa mga fashion designer, sastre at modista.

IKAW? ANO ANG TINGIN MO?
ano man ang tingin mo, ang naranasan mo ngayon ay ang tinatawag ngang "APOPHENIA"


hindi mo masasabing himala (agad) kasi maaring nagkataon lang naman. at hindi himalang magkataon nga dahil posible talaga. Nakakaranas ka ng Apophenia, dahil instinct nang mga nilalang yan para mag-survive, para makahanap ng pagkain at makaiwas sa panganib dati pa.  maski hayop meron niyan. tanungin mo pa yung pusa niyo.  Kasama yan sa package nang bigyan tayo ng talino ng Maykapal.

Isa pang Apophenia Experience ko  habang naglalaro ako ng dota. 
Anong napapansin niyo sa green na lupa (hindi yung kulay blue, si rasta yon), Wala ba?
ano? napansin na ba? (pwede mong alamin sa sarili mo at maglaro ng dota. kung di ka naman dota player ay pwedeng humingi ng tulong sa anak o kapatid mong kunwaring nag-aaral)

 ANO BA KAYO! umiyak na kayo kasi iyan ang banal na imahe ni lord (pasensya na sa mga di maka-relate sa dota)
Eto ang picture ng hero sa DOTA. siya si LORD. ang Lord of Avernus sa Dota,  siya ang mahal na ABADDON. magsiluhod kayo!
ayan ang napansin ko, tingnan ang red markings ko. hawig niya diba?


Thursday, June 6, 2013

Kumakatok sa Sinumang may Busilak na Kalooban

Isumbong mo ang anomang mali,
itutumba ko ang sinomang tiwali.
at huwag kang mag-iimi.
tulungan yaong dukha at sawi.

isang litrato ang agad pumukaw sa aking damdamin. ito ay larawan ng naghihikahos na lalake, 

Ang nakaka-iyak na larawan ni kuya (itago na lang sa pangalang Enzo). bigo, kapos-palad, nakaka-awa, dusta. anoman ang depinisyon, tao rin gaya mo. Sa pamamagitan ng pakikinig lamang ng kanyang kwento ay maari ka nang makatulong. kumakatok sa sinomang may busilak na ginintuang puso. heto ang malungkot niyang kuwento ng tunay na buhay....

 meron siyang hundreds of posers sa facebook, instagram at twitter. tsk tsk tsk
di na niya mabilang ang kanyang friends at kalat na kalat na ang kanyang larawan sa internet world
wag mong pigilan ang pagluha,
talagang nangyayari ang mga ito sa malupit na lipunan ng mga tao.
shocks, nagpagupit na ako for a change,
Umaasa na lamang siya sa awa ng iba para lang makaraos sa pang-araw araw na buhay,
at sa gabi, niyayakap niya ang lamig ng kalsada. pinagsisihan niya nang bumili siya ng china phone na gadgets. nakakahiya pala sa mga peers. gusto niyang magtravel around the world kasi 10 countries pa lang sa asia ang kanyang napuntahan. di pa siya nakakatuntong sa europe at america.

My ex-Girlfriend and my...........ex-dad
galing lang siya sa break-up ang masama pa noon, ang pinalit sa kanya ng taksil na babae ay ang mismong tatay niya (MISMONG TATAY NIYA!!!) na sobrang istrikto at eversince ay wala nang time sa kanya.

Ang Kahulugan ng kwento:
wala naman talagang ibang meaning ang kwento ko maliban sa  tinatalakay ko ang karaniwang problema nang mga mayayaman. Minsan nasabi ko sa sarili ko, "Ang mga mapepera bakit parang gumagawa na lang ng problema".
natatawa na lang ako pag nahi-hysterical sila pag pangit ang hairstyle nila, vintage ang kotse, walang bagong gadgets, etc.
marami sa kanila nage-emote at mabilis magtampo. meron pa ngang gustong magpakamatay sa problemang pang kayabangan lang. yung iba nagpapakamatay dahil sa boyfriend. puro status sa fb. samantalang may mga taong may taning na ang buhay pero pinipilit pa ring mabuhay. sarap i-untog nang mga maarteng yan (JOKE)

Isa pa doon, bakit kung kailan halos lahat na ay nakuha muna eh maghahangad ka pa ng bagong suliranin. ang tinutukoy ko eh yung mayayamang kinakaliwa pa ang maganda niyang asawa? anggulo rin eh.
mayaman ka na, gwapo at may asawang maganda na mabait pa, plus mahal ka talaga gagawa ka pa rin ng bagay na ikakapangit o ikagugulo ng buhay? come on.

sana magets niyo :)
salamat sa pagbasa :)



attribution: 
http://www.pinoyden.com.ph/index.php?topic=172685.180, 
http://tristancafe.com/tag/wtf/page/5/a
https://en-gb.facebook.com/PagAkoHindiNaSingleHumandaKaSaAkin/timeline
https://www.facebook.com/DonPulubi.Story

Monday, June 3, 2013

Nakakatawang Tanong Compilation

Mga nakakatawang tanong na nakalap sa internet, sa amin, doon, sa television at sa mga taong nakakuwentuhan. magbasa muna at limutan ang problema kahit saglit.

Pag ang Buntis ba pinuktyuran , makukunan?

Pag ang saging nakatuhog banana cue. Pag  kamote, kamote cue. pag kabayo, carousel?
nakakatawang tanong
Ang lason ba pag na-expire, nakakalason parin?

Bakit kapag "close" kayo ng isang tao, "open" kayo sa isat-isa?

Bakit ang mga bading di naman nangangak pero dumarami?

Anong meron sa Brand X at galit na galit ang ibang brand sa kanya?

Bakit Ini-Sterilized pa yung karayom na gagamitin sa lethal injection?

Nauuhaw din ba ang mga isda?

Pare-pareho nga ba ang napangasawa ni Rapunzel, Sleeping beauty at Snow White? --Si Prince Charming.

Kung Mula sa corn ang "Corn oil", saan galing ang "baby oil"?

Sagutin mo, OO o HINDI, hindi ka ba naliligo? (oo o hindi lang ang sagot)

Anong tawag mo sa lalaking "ladybug"?

Bakit di natin makiliti ang sarili natin?

Bakit nakakatawang pagmasdan ang EMO na umorder ng HAPPY MEAL?

Anong oras naimbento ang orasan?

Lahat ba nang manok na kinatay malungkot?---bakit may chicken joy

Ang sardinas may Ligo, bakit ikaw wala? 

Kung walang nilikhang panget ang DIYOS, Sino ang lumikha sa'yo

Kung Nag-evolve ang tao mula sa unggoy, at what point ka nag pa-iwan?

Bukod sa mukha mo ano pa ang problema mo?

Ano ang mas malaki? back pack ni dora o bulsa ni doraemon?

yan lamang po, bilang pagtatapos magiiwan muna akong quotes galing sa internet.
"Laughter is the best medicine, but if you laugh with no reason you need medicine" -anonymous

Salamat sa paglingap sa aking blog, kung meron kang nais i-share, share mo naman. feel free sa pagcomment, pagbigay ng reaksiyon, suhestion o anomang puna. :)

Thank you pexels.com for free photos
https://www.pexels.com/photo/purple-liquid-poison-on-brown-wooden-surface-159296/

10 Parusa ni Fadir

Eto ang top 10 na madalas iparusa ng ama sa kanyang anak na bading, wala itong  ispesipikong pagkakasunod-sunod. batay lamang sa sariling karanasan, pag search sa google at pagtatanong-tanong. ah tama na ang daldal eto na ang Krompung(Sampu) Pinakamadalas na Parusa ni Fadir.

mula MV na Sirena ni Gloc 9 at Ebe Dancel
1.Drum na may Tubig.
Once na mahuli ka ng ama mo na nagsuot ng duster o kahit anong damit pambabae.  Humanda ka kasi tutubigin ka niya. Iluloblob ka sa drum na yan na parang kriminal. “BABAE KA O LALAKE?” pagsumagot ka ng mali. ” babae po akez” ilulublob ka niya ng paulit-ulit.
kailangan isagot mo yung gusto niyang marinig.” LALAKE AKO?”
pero dumaan ang mga araw. di ka niya mapigil sa gusto.  Tinawag ang sarili na sirena . nanindigan at naging waterproof ang puso mo.

litrato mula sa www.pinoyexchange.com
2.Itinatali sa Puno
Sa pagaakalang mababago ka nila sa pamamagitan ng pagtali sa iyo sa puno at iiwanan doon ng buong araw ay magiging masunurin ka at magiging straight. Pero di nila alam kahit pinapapak ka na ng langgam at lamok. Iniimagine mo na lang na darating yung “knight on shining armor” mo at ililigtas ka.  Kinakausap mo ang mga paru paro, bulaklak at halaman.” Making kayo, ako ang diyosa ng kagubatang ito”. Iniimagine mo rin na ang puno ay ang BF mo. Pinangalanan mo siyang Dong Puno. In the end bakla ka parin.






3.Pamalo
“Pitpitin niyo man kami, bakla parin kami”. Yan ang matigas na paninindigan ng mga bading ang problema pinitpit nga talaga sila ng kani-kanilang ama. Gamit ang ano mang mahabang mahawakan;  hanger, sandok, sinturon, patpat, kahoy, sinturon at maging itak ay ihahambalos sa malamyang anak. “Pitpitan pala gusto mo huh?!”





4.Kinakalbo
Kahit walang karanasan sa panggugupit ang itay. Hahawak siya ng gunting para kalbuhin ka. Para raw di ka lumandi at magpaganda pa. magmumukha kang matikas at matapang. Di nila alam na suportado ka ni kuya Boy Abunda sa bagong hairstyle.




Pechay na nakasako.
Pechay(beki) na sinasako. ang lalim ano?
5.Sinasako
Pagkakasyahin ka sa sako at tatalian iyon, wala kang magagawa kundi maghintay ng awa sa ama mo. Kung mamalasin, wag sanang maisama ka sa mga basurang ididispatsya sa truck. Ganoon pa man kahit isilid ka niya sa anumang bagay, hindi niya mapipigilan ang ngiyaw ng puso mong mamon.











6.Nginungudngod sa Harina.
Ingungudngod ang mukha mo sa harina, makakain mo at maatsing sa harina, pahihirapan ka lalakeng geisha.




7.Suntok, Tadyak, Bali.
Simpleng simple, Gulpe  ka sa fadir mo pag nahuli ka niyang nagme-makeup o nakikipaglandian sa boys. Di niya maintindihan na nagdadalaga na si junior. Didikdikin ka ng mga biceps at iuuntog sa abs. pipilipitin ang leeg mo hanggang sa mag-tap out ka. “Ama, LaLaK3h aKEtch”.


8.Sili
Marami siguro ang naninibago rito pero maniwala kayo sa hindi may mga taong pinapakain ang anak nila nito ng tumuwid ayon sa gusto nila. Tatapang raw at magiging ala-labuyo ang tapang at magaalab ang puso ng mga pechay.






9.Ibitin Patiwarik
Kung may potensyal o babading-bading ka. Tatalian ang iyong paa at ibibitin sa sanga ng puno o sa soleras ng kisame. Mag-isip ka ng mabuti
at ipangako mo sa ama mo na di ka magiging bading.  Magmumukha kang paniking nakalambitin kung magmamatigas maging malambot.



10.Masakit na Salita
Ito na yata ang “ULTI” ng tatay mo. Di kita bibigyan ng mana, wala akong anak na bakla, Salot, Masamang tao, marumi, baboy, bastos, rapist, nakakadiri, at marami pang iba. Itatakwil ka niya at ikakahiya. Pag sumagot ka, naku humanda ka. Dudugo ang labi mo at magiging kamukha mo si McDo sa halip na ang kissable lips ni Angelina jolie. Bumagay pa ang pulbos mo kaya lalo kang nagiging mukhang clown. Nakakaawa na nakakatawa.



yun lamang po ang pinakamadalas na parusa ng mga ama sa anak niyang beki. bago matapos gusto kong mag thank you kay gelo sa suggestion niya. 


Monday, May 27, 2013

Convicted Criminals

Ako ay naatasang dakpin ang mga kriminal na ito at patunayang maykasalanan ---at nagtagumpay ako.
sila ngayon ay nahaharap sa parusang kamatayan.
ngunit...isang grupo ang nagtungo sa akin. sila raw ay miyembro ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA)
nakipag-dayalogo sila tungkol sa mga karapatan ng mga hayop, maliit man o malaki. ngunit matibay ang aking paninindigan-sila ay nararapat mamatay

pero dahil magaganda sila... gumawa na rin ako nang paraan.

naghain ako motion for reconsideration letter sa mga nakakataas sakin.
ngunit isa lamang ako sa mga commisioners ng Kagawaran ng mga Kulang sa Pansin.
isang ahensya ng gobyerno na nangenge-elam sa mga bagay na walang kwenta.

hindi ko masasabing succesful ang aksyon ngunit binigay ko naman ang da best ko.
dahil diyan napagpaliban ko ang takdang death penalty sa kanila.
hindi ko man naligtas ang buhay ng tatlo. maaari paring mailigtas ang isa sa kanila.

napagpasiyahan ng lahat na idaan sa botohan ang paghatol. mala-poncio pilato man ang nangyari. yun na ang nakayanan ko.

Paiiralin natin ngayon ang demokrasya.
nasa inyo ngayon ang pagpapasiya!
Sino sa Kanila ang Dapat Buhayin?
at ikulong na lang panghabambuhay?

A. Ipis

Nahuli ko ang salarin sa isang drawer. masiyadong madulas o mabaho at hindi ko mahuli. sa katunayan kinailangan ko pang gumamit ng plastik para mahawakan siya.
Akusado siya sa pagkakalat ng sakit. Marami siyang tinatakot na tao pag lumilipad siya.. nanggagapang din ang manyak at ang pinaka-nakakarimarim ay nangangagat siya ng parte ng katawan lalo na sa mata. anong sakit at hapdi ang dulot ng kagat ng ipis.
sa inyong palagay nararapat ba siyang buhayin?

To Vote for Ipis:
A_Ipis <SPACE> your opinion <SPACE> your address
and comment on facebook comment box below.
(pwede ring A na lang at magdagdag ng opinyon.)


B. Daga
Isang daga ang natrap namin. huli sa akto ang pagnanakaw niya ng nagiisang tocino na tanging kakainin ng isang kawawang pamilya. akusado rin sa pagkakalat ng sakit(leptospirosis) na ikinamatay na nang marami.
Mabaho at Marumi. mahilig pang ngatngatin ang sapatos natin. pati mga papeles at iba pa ay ginagawa niya lang confetti. matindi rin mangagat kaya buwisit ang hayop!
bumoto na kung sa tingin niyo ay dapat siyang bigyan ng chance mabuhay pa?
To Vote for Daga:
B_Daga <SPACE> your opinion <SPACE> your address
and comment on facebook comment box below
(pwede ring B na lang at magdagdag ng opinyon.)


Anay
Certified homewrecker ang pesteng anay. nahuli ko sa isang raid sa isang poste ng kahoy na ginawa na nilang baranggay. maraming bahay at ari-arian ang sinira niya.
maraming pinaghirapan ang ginawa niya lang lupa. nakakadiri pang tingnan. pagnaging gamo-gamo pa ay laking perwisyo sa kabayanan. napipilitan ang mga bahay na magtiis munang walang ilaw para di sila dayuhan ng pulutong ng gamo-gamo. para sa kaalaman mo ang anay ay nagkakaroon ng pakpak. sila ngayon ang tinatawag mong gamo-gamo. tulad ng ibang insekto. naa-attract sila sa ilaw. by the way. ang anay ay walang ginawa kundi mag-squatter at manira pagkatapos pakinabangn ang di kanila.
iboto siya kung sa tingin mo ay nararapat siyang ikulong na lang ?

To Vote for Anay:
C_Anay <SPACE> your opinion <SPACE> your address
and comment on facebook comment box below
(pwede ring C na lang at magdagdag ng opinyon.)


D. Walang Dapat Buhayin
Ito ang option mo kung nais mo na ang tatlong nauna (Ipis, Daga at Anay) ay nararapat mamatay.
sila ay mga salarin at napatunayang nagcommit ng kasuklam-suklam na mga bagay. mga kriminal na nararapat uminom sa saro ng kamatayan. sila ay parusahan ng kamatayan, sila ay mga walang karapatang mabuhay pa. MGA HAYOP! 
Ito ang iboto kung ang sigaw mo ay hustisya para sa mga biktima / kung nais mong wakasan ang buhay nilang lahat (Ipis, Daga at Anay)



To Vote for Walang Dapat Buhayin:
D_Walang_Dapat_Buhayin <SPACE> your opinion <SPACE> your address
and comment on facebook comment box below
(pwede ring D na lang at magdagdag ng opinyon.)

AND THE VOTING STARTS NOW!!!!!
Rule: ang unang multiple choice na makakakuha ng 100 na boto ay siyang magiging huling pasiya o hatol


Sunday, May 19, 2013

Pampahaba ng Buhok

Gusto mo bang Humaba ang iyong buhok?
Marahil, kaya nga napadpad ka rito.
kung gayon... mapalad ka dahil may alam akong facts, tips and trivia about sa hair care.

Maraming paraan para humaba ang buhok narito. malaya kang mamili ng ilan lang sa mga tips ko. pero mas maganda kung paniwalaan ang lahat dahil epektib talaga. sige simulan na ang pagkamkam ng mga bagong kaalaman.

pero kung doubted ka parin. eto ang feedback ng tulad mo rin na naghangad ng mahabang buhok. sinunod niya ang isang tip ko nang napansin niya ang improvements, well sinubukan niya na rin ang iba at what he get? the freddie aguilar look. kalbo no more... he got what he is looking for. heto ang salaysay niya sa isang interview at kasama ang kanyang larawan before and after

BEFORE
"Ako si Empoy. isang kalbo. kalbong kahiya-hiya. kalbong dusta, sadlak, aba at walang pag-asa. wala talagang kalbong ginagalang. magsabi ka nga ng kalbong ginagalang? ang totoo wala.

Lagi na lang akong nakakakita ng mga taong nagtatawanan sa likod ko. di ko sila pinapansin pero minsan may narinig ako mula sa grupo ng mga kababaihan na nagtatawanan. sabi pa ng isa "pendong peace may kalbo". binatukan niya yung isang di na ka "peace hand sign".
alam kong ako ang tinutuya nila. huhuhu.

naisipan kong magpakamatay. bakit kasi noong bata ako ay inabuso ko ang pag-gel maging kachupoy lang? kaya nag search ako sa google. ang ita-type ko sana eh yung "mabilis na pagpapatiwakal". pero yung word na" MABILIS....." pa lang ang naisusulat ko nang di ko namalayang pumatak ang luha ko sa keyboard at aksidenteng pumatak ito mismo sa "ENTER KEY"
then poof...Napunta ako sa mga articles na about "MABILIS NA PAGPAPAHABA NG BUHOK".  I accidentally saw mr B3n 2Lfowh angelic face (photo). i click on it and read some of his works. i ask him about my problem. he gave me tips and words of wisdom. and now thanks mr 2Lfowh. ang buhok ko ay mahaba na. nagkaroon na rin ako ng confident sa sarili at positibong pananaw sa buhay. salamat sir b3n. sana ay marami ka pang matulungan. epektib talaga ang ibinigay mong tips"

AFTER
Si Empoy. habang masayang nakangiti. taglay ang mahabang buhok na nakamit niya.


Kung kumbinsido na... lets start.

1. Wag Mag-pagupit.
may paniniwalang pag di ka nagpagupit hahaba ang buhok mo. just wait a weeks or a months. stay at home and watch the skyline pigeon fly. hahaba rin yan

2. Wag Maligo
Subukan wag maligo ewan ko lang kung may barberong papayag kang gupitan. dahil hindi ka nagupitan tuloy-tuuloy ang paghaba ng buhok mo. may iba pang paniniwalang ang natural na langis na lumalabas mula sa pores ng mga anit natin ay nakakatulong sa mabilis na paghaba ng buhok. sabi ng nakainuman ko.

3. Shampoo ng Kabayo.
Proven na nang siyensya ang paniniwalang nakakahaba ng buhok ang shampoo ng kabayo. kung pwede sa kabayo baka pwede rin sa tao. di lang hahaba, shiny pa at walang tikwas. mag ingat sa mga pekeng produkto. magingat din sa paggamit ng shampoo na ito. siguraduhing maia-apply lang ito sa buhok. may kaibigan akong aksidenteng naia-apply ito sa mukha niya. eto ang kinalabasan
si diego ng paboritong comedy show. ang BUBBLE GANG
4. Magsuot ng Wig o Extension
sa loob lamang ng ilang mga segundo ay makakamtam na ang desired hair looks.

5. Gumamit ng Photoshop.
Pinakaepektib sa lahat ng nabanggit. simple lamang. ilipat ang buhok ng mahabang buhok at ilagay sa litrato mo. presto ayan na ang long hair mo.

6. Iwasan ang Madalas na Pag-gamit ng Gel o Spraynet.
Lahat ng sobra ay masama. wala namang problema sa paglagay ng Gel o Spraynet basta yung sakto lang. May mga kaso rin nang mga pagkalagas ng buhok dahil sa shampoo. May mga tao kasi na hindi hiyang sa particular na shampoo o produkto. ang mainam ay alamin ang history ng angkan. alamin kung may kamag-anak ka bang nakalbo dahil sa  shampoo, spraynet o gel. kung wala e di ayos. basta paalala lagi sa atin na everything in moderate is good. Tip ito mula sa nakainuman kong panot.

7. Magpahid ng Langis at Aloe Vera
Noong araw pa ay proven na nakakanurture ng buhok ang langis. no need to question that.
ang aloe vera naman ay nagtataglay ng mga nutrients para sa ikakabuti ng iyong buhok.

8. Magpa-gupit Lagi
parang balahibo sa binti. sa tuwing aahitin mo lalong kumakapal paglipas ng ilang linggo. ganyan din sa buhok ko. isang buwan lang eh lagpas na sa mata ko ang bangs ko. marahil bata pa lamang ako ay madalas akong gupitan ng aking lolo. kaya ganito na lang ang bilis ng haba ng buhok ko. sarili ko nang experience yan kaya oks ito.

9. Nasa Pagkain ang Sikreto
kumain ng mga pagkaing makakatulong sa pangangalaga ng buhok. mga pagkaing mayaman sa
panthotenic acid (vitamin B5), Omega 3 (fatty acids) , protein, Vitamin A and C, Zinc, Calcium at Biotin.

10. Magsuklay Palagi.
maraming nagsasabing nakakatulong ito. kung hindi man eh wala namang mawawala kasi nararapat lamang na lagi kang mukhang matino. hindi ka naman talo kung ugaliing maayos ang iyong buhok. diba?

11. Monoxidil
hanggang sampu lamang ang nais kong ibigay na tips pero dahil di kita matiis.
ang monoxidil ay isang solution na makakatulong para sa pagpapatubo ng buhok, pampabilis at pagiwas sa pagkalagas ng hokbu mo. pero dahil tulad ng ibang gamot meron itong tamang direction kung paano gamitin. meron ring side effects. kaya payo ko ay gumamit na lang ng palo-palo tuwing maliligo. funny

salamat sa pagbabasa, salamat kay empoy na isang masugid kong mambabasa, tagapayo at kunsintidor.


Monday, May 6, 2013

Pick-up Lines (use the word)

Boy: Chicken ka ba?
Girl: bakit?
Boy:Kasi ikaw lang talaga sa puso ko.
Girl: ????
Boy: ikaw lang talaga, CHICKEN mo pa

Boy: Peanut ka ba?
Girl: bakit?
Boy: PEANUTibok mo kasi ang puso ko.

Boy: Gusto mo ba ng SIOMAI?
Girl: Huh, bakit?
Boy: to SIOMAI love for you

Boy: may lahi ka bang Kalabaw?
Girl: bakit?
Boy: kasi sabi ng puso ko, TAMARAW na ibigin kita.

Boy: Ikaw ba si Auntie Netty?
Girl: bakit?
Boy: ikaw kasi Auntie Netty-bok ng puso ko..

Boy: Ini-small ka ba nila?
Girl: bakit?
Boy: Di bale, ini-iBIG naman kita.

Boy: Narra ka ba?
Girl:  bakit?
Boy: kasi, ikaw kasi ang NARRApat sa puso ko.

Boy: Sadako ka ba?
Girl:  bakit?
Boy: kasi, pag wala ka, SAD AKO.

Boy: alam mo ano ang pinakamasarap na feeling sa buong mundo?
Girl: ano ???
Boy: ang maka-feeling ka

Boy: Asin ka ba?
Girl:  bakit?
Boy: kasi I love you ALAT

Boy: Langka ka ba?
Girl:  bakit?
Boy: kasi ang pag-ibig ko sayo'y, LANGKAtapusan.

Boy: May 1 ka ba?
Girl:  bakit?
Boy: kasi you're MAY 1 and only

Sunday, April 7, 2013

Operation San Andreas


Sa Lungsod ng San Andreas. Napapabalita ang tungkol sa notorious na gangster. Umabot sa kaalaman namin na madalas siyang sangkot sa mga frat war. Walang kinikilalang batas ang barumbadong black-american . siya ang suspect sa mga bugbugan, hit and run, panghohold-up, carjacking,  pagdadala ng mga delikadong armas at marami pang ibang kabalustugan na kung isusulat kong lahat ay makakagawa na ako ng libro.





Ang nanakapagtaka lang ay bakit tila takot sa kanya ang kapulisan. hindi siya hinuhuli sa kabila ng mga krimeng nabanggit. Kaya nga ang aming team ay nagtungo roon para masaksihan mismo at itigil na ang anumang mali na mahagip ng aming mga mata.
Sa Main Street ng siyudad. naglakadlakad ako roon at nagpanggap na karaniwang sibilyan. Kailangan kong itago ang gwapo kong mukha para di agaw atensyon. Maya-maya isang sakay ng isang ATV (Monster mash) ang humaharurot sa kalsada at biglang nabangga. Isang lalakeng semi-kalbo at naka-sundo ang tumilapon. Himalang hindi nasaktan ang lalake at parang walang nangyari at agad bumangon. ang taong yaon ay si CJ--- at siya na ang hinahanap namin.
Di ko alam kung paano siya nagkaroon ng Bazooka at pinasabog ang isang schoolbus. Nakaligtas naman  ang nag-iisang sakay nito. Pero di ko siya natantiya at kahit wala sa plano ay sinugod ko na.
“kapoom!” tinamaan ko siya ng lumilipad na suntok. Pero animo’y wala siyang naramdaman kahit yamot. Tumawa pa nga siya at tinutukan ako ng baril. Buti na lang at natutunan ko ang mga techniques ng mga snatcher sa Quiapo. Madaling naagaw ko ang baril. Siya ngayon ang tinawanan ko.
Ngunit siya ay naiinis at lumaki ang katawan, sinuntok niya ako.
“bangggg!” tinamaan ako sa balikat.
“aray, inaano ka ba?” ang iyak ko.
Nang akmang lalapitan ako, yumuko ako at palusob na nagpakawala ng uppercut sa maselang parte niya. Ang tawag ko roon ay “omelet punch” o “scrambling the eggs up”.
Hindi pa rin siya natinag at tumawa lamang ulit. Ano ba tong nilalang na ito at parang bato sa tibay.
Nang tumawa siya, sabi ko sa sarili ko “Sige tawa lang”.
Hinawakan niya ang ulo ko at iaangat dahil nakayuko nga ako. Pero natigilan ang loko ng nalaman niyang hindi ko basta sinuntok ang mga itlog niya.
Hawak ko ito at pinihit na parang gripo.
Pumatak ang luha sa mga mata niya at nanliit ang malaki niyang boses.
Tila maamong tupa na nagmamakaawa sa akin.
Sa habag ko ay binitawan ko na at binalaan siya.
“if you ever… do that again, I’ll do this again. Because I, you, he or she, it we they. In short don’t try me cos its not  nice try. Understand?.”

“Opo” ang magalang niyang tugon ( marunong palang magtagalog?.)

Kinutusan ko yung ungas. “checkkk”
“walang hiya ka, pinahirapan mo pa akong mag-ingles.”

Umalis na kami roon at iniwan siyang animo’y napilayang elepante o tumaob na giraffee

Makalipas ang ilang buwan. Inalam namin ang update sa pagbabago ni CJ. So far ay nagbago nga siya.
Lagi siyang uma-attend ng bible study. Nagtatanim ng mga puno. At tuwing lingo ay nagsisimba. Pag walang magawa ay nagwawalis sa kapilya.

Wednesday, March 20, 2013

Tama Pero Di Dapat

"Freedom of speech" salamat na lang at meron tayo niyan, malaya akong nakakapag-blog ngayon dahil diyan. pero dapat alam natin ang responsibilidad natin. mahirap yung banat ng banat!
parang pick-up lines kailangan alam natin kung kailan at paano gamitin(timing).
nitong March. 20, 2012. isang "status" ang nabasa ko sa friend ko. tungkol ito sa istudyanteng nag-suicide dahil sa problema sa eskuwela.
ganito ang comment niya:

"It isn’t her parents’ fault. Suicide is a selfish and self-centered way to deal with one’s problems. It is sad that she wasn't able to pay for her tuition, but I can bet you that the only person she was thinking before committing suicide was herself."

ang status na yan ay umani ng maraming likes, may mga nagcomment pa ng ganito.

"Siya tapos niya na ang problema niya, paano ang magulang niya. habambuhay na maghihinagpis."

Oo na, tama na kayo! kaso mali pa rin, tama pero di dapat.
maari niyo naman itong i-comment pero di ngayon, sa kasagsagan ng pagdadalamhati ng mga naiwan niya.
pero in-fairnes naman at nagsorry ang ilan sa kanila. nakakapagtaka lang at ayaw nilang idelete ang kanilang "words of wisdom(daw?)" na na-post.
may mga bagay talagang mas nakakabuti kung ipagpaliban muna o kaya naman ay kalimutan na lang.

hindi pwedeng maging pabaya tayo sa mga bibitawang salita. baka sa halip na mapabuti ay mapasama ka pa. nagmamalasakit ka lang ang lumabas, ikaw pa ang mali. laging ilulugar ang sarili.

Kahit galit ka, sikaping wag gumamit ng mura at mga maseselang salita lalo na't may mga bata.

Kung may matanda kang kausap at ito ay nagkamali kausapin mo ito ng buong galang at kagaya ng iyong ama kahit ikaw pa ang tama. 

may joke pa;  paano mo raw sasabihin sa katabi na bad breath siya. eto ang mga sagot..
"masarap ba talaga ang kinain mong durian?
"sibuyas ba agahan niyo kanina?"
" Wow pare ang baho ng hininga mo, kainggit ka"
"chat o text na lang tayo"
"anak ng... ambaho ng hininga mo!"

Pero di ba mas makakabuti na wag ka nang magtanong? 100% kasing mao-offend siya lalo na kung di kaniya close.
isa pa mas makakabuting wag ka na talagang magtanong para di niya na ibuka ang bibig niya. hehehe.
magtiis ka na lang, wag mong ipahalata na naiirita ka. tiis lang at may awa din si batman.

isa pa, tulad mo minsan nangigigil din ako sa mga sitwasyong ganito.
nakita ko sa facebook yung kaibigan ko na may kasamang sobrang hot na girl. minsan gusto ko nang maniwalang love is blind. biruin mo nakabulag yung mukhang ganoon(mukhang kontrabida). kung makita mo itsura non kasama yung girl, ay naku magdurobdob kang magcomment dahil kawawa yung babae.
LUGING LUGI TALAGA!.
kung may kapangyarihan lang ako. iuuntog ko yung girl nang magising.
gusto kong i-comment sa fb kung  anong hinalo niya sa alak----vetsin  ba o floorwax?
maraming masasakit na salita akong naiiisip. maraming panlalait akong nakikita sa mukha ng bestfriend ko.
mga salitang humihiwa ng laman at tumatagos hanggang buto.
hindi na ako makahinga sa tindi ng gigil at awa sa babae nang bumalik ang ulirat ko.
at "no comment" na lang ang isinulat ko sa comment.
hindi kaya ng kunsensiya ko na sabihing: "naks bagay kayo!"
sayang din ang kaibigan ko baka di niya maintindahan na nagsasabi lang ako ng totoo. kaya pinili kong manahimik at magkunwaring masaya ako nang maka-jackpot siya

kailangan mo talagang magtimpi. baka pag pinagsabay mo ang galit at talim nang salita ay makagat ng ngipin mo ang dila mo. ikaw din pala ang masasaktan. kaya chillax lang!
pabayaan mo na. minsan mas magandang manahimik na lang.
ang nawawala lang sa taong mapagkumbaba ay ang pride niya.

maging maingat sa pagbitiw ng salita. lahat tayo ay may karapatang ihayag ang damdamin. pero minsan talaga nagiging mali

"to be right is good but to be kind is better"
pero kung gustong mong "the best"--- gamitin ang puso't isip.

sana ay may natutunan ka, tulad ko na akala ko rati ay napakatalino ko at kaya kung harapin ang lahat. yun pala imbes na matalino ka tingnan eh nagmumukha kang mayabang, bastos at walang bait.
original link: http://sphotos-c.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash3/c67.0.403.403/p403x403/544180_437483696333243_1544629880_n.jpg


maraming salamat sa pagbasa, napaiyak ba kita?.

Saturday, March 16, 2013

300 Spartan (Pinoy Version) ahoo ahoo!

Filipino warriors puro pogi mas pogi pa sa mga spartans

Feb. 11, 2013 nag simula ang Sabah Standoff. Tumuntong ang mga tausug warriors sa distrito ng Lahad Datu, Sabah sa pangunguna ni leonidas este Raja Muda ("crown prince"), Agbimuddin Kiram. sila ay mula sa isla ng tawi-tawi na kadikit lang ng Sabah.
pinaglalaban nila ang kanilang historical dispute patungkol sa karapatan nila sa Sabah.
hundreds vs a nation.

isang hamon na naman ito sa ating gobyerno at sa bawat pilipino.

ako man ay hindi pabor sa digmaan lugi man o hindi.
Pero natuloy na nga ang kinakatakutan. March 1, 2013 ng lumusob na ang Persian este Malaysian Police.
ganyang ganyan yung itsura nila

Nagpadala ang gobyerno ng mga tulong at patuloy parin ang paghikayat nito sa mga kapatid natin na umuwi na dahil siguradong kakatayin lang sila. pero talagang buo na ang isip nila. ganyan talaga pag awayan sa lupa.

Matigas ang ulo, nagmamatigas. ganito ang definition ng media sa mga kapatid nating Tausug. imbes na Filipino ang itawag sa mga tausug na ito, sa balita "mga tagasunod ng sultan" ang tawag nila. 
Bakit? 
eh ganyan tayong mga pinoy watak-watak. bahala ka sa buhay mo.

Naglabas pa sila ng malisyosong balita na diumano ay hinikayat ng sultanato ng sulu ang mga tausug na pumunta at mag-alsa sa malaysia kapalit ng pera.

Binalita pa nila na "nagpapansin" lang daw ang mga ito dahil naechepwera sila nang buohin ang Bansamoro Framework Agreement.

Isa pa, may nanunulsol daw o sabwatan.

Magaling talaga tayong bumanat pag pinoy ang babanatan (Pinoy Media as its Best).
gma7 at abs-cbn

Ang tangi yatang nila pakay ay para di makuha ng Sulu Royal Security Force ang simpatya ng mga pinoy.
effective kasi eh,  Maraming mga pinoy ang nabola ng media. Kumbaga sila si Traitoro ng movie na 300. 
Ilang Persian gold coins este Malaysian Ringgits kaya ang bayad nila sa Kapatid, Kapuso at Kapamilya Station.

May ilang Pinoy Warriors ang nakauwi na sa bansa. at yung gobyerno ambilis ng aksiyon.
sinampahan sila ng kaso. (impressive!)

Tapos  ayan na nga, Ang nangyari  lang ay dumanak ang dugo.
Sana hindi nangyari ito kung naging mahusay si Pnoy. Sana nabasa niya ang sulat ng sultanato na nawala (burara).
Di sana nangyari ito kung may aksiyon at hindi lang puro painterbyu.

Ganoon pamandin. ang isang pagkukulang na ito ay di sapat para mawalan ng tiwala sa ating pangulo.
Hindi pa lubos na huli. nawa'y magawan ito ng aksiyon.
Nakakatakot baka isang araw, Alukin ng Malaysian Gov't ang Sultanate ng Sulu na jumoin na lang sa kanila.
Di nila kasi maramdaman na pinoy sila sa ginagawa ng gobyerno.

Teka anong nagyari sa pagkamkam ng China sa Scarborough, Baka nandiyan na sila sa Palawan.

Ano man ang sabihin ng pangulo. Sino man ang sisihin niya. Sino man ang latest GF niya.
sa pangyayaring ito tulad ng pangyayari sa pelikulang 300
ang Pangulong Noy ay ginampanan ang karakter ni Ephialtes ang nagtraydor sa mga Spartans.
Totoo kaya ang sabi-sabi na ang Gobyerno ay tumatanggap ng pera mula sa Malaysia itikom lang ang bibig?
Cryptobrowser