nagsadya ang isang hudlum este kawawang lalake. puro pasa, bugbog, tama, sugat, pilat etc. -siya raw ay ang biktimang si Asdf.
nahabag ang puso ko at nakunsensiya. inakala kong siya ay masamang tao dahil sa panlabas niyang anyo.
pinaliwanag niya naman na ganyan daw talaga ang mukhang suot niya.
Ben 2lfowh : "sinong sumalbahe sa yo?"
Asdf : "kung inaakala niyo binugbog ako ay hindi. ganyan na po talaga ang mukha ni Qwerty kaibigan ko, mukhang bugbog pero hindi hahaha"
Ben 2lfowh : "Qwerty? sino yun. naguguluhan ako iho. nasaan siya"
Asdf : "siya po ang may-ari nitong muka. nagkapalit po kami. gwapo (pwera usog) po ako dati nang sinumpa kami ni Hedlayts.
at si Qwerty, tsk tsk tsk di ko na mahanap yung traydor na yun. enjoy na enjoy siguro sa nangyari, bumagay pa dahil matangkad siya. samanatalang ako. pandak na nga ako nawala pa sa akin ang good looks."
Ben 2lfowh : " sino naman si H-Hedlayts?"
inilabas niya ang picture ni Hedlayts."siya po si hedlayts. siya ang may kagagawan ng problema ko ngayon. please help me sir b3n"
B3n 2lfowh : bueno hijo, gagawin namin ang lahat para makatulong sa problema mo.
Ang Suspek ay binansagang si HEDLAYTS. ---Ano kaya ang pinagbasehan nila?
larawan ni hedlayts, grab lang mula sa fb niya |
Sa madilim na lugar madalas magtrip si hedlayts
example: sa kanal.
sa mga kalsada o lugar na walang gaanong botante. walang poste ng ilaw roon. walang project si mayor o kong. mga lugar na di kailangan lagyan ng tarps kasi wala namang makakakita.
Si hedlayts ay notorious sa gawain niya na pinagpapalit ang mukha ng dalawang tao. nagreresulta naman ito sa kalituhan at kaguluhan ng buhay ng mga biktima.
di parin malinaw ang kanyang motibo. mahirap ang paghahanap.
habang nangagamote, patuloy naman si Hedlayts sa pagpapalit ng mukha ng mga sibilyan.
may madyowang pinagpalit ang mukha, may mag classmate, tindero at mamimili, pari at most wanted, aso at amo, maging kambal etc. di mabilang ang kaso, sunod-sunod ang aksidente at matinding pressure at kalaban talaga si hedlayts.
samantala... isang di inaasahang sulat ang ipinihatid sa akin ni Hedlayts
"WALANG FOREVER! magkita tayo sa sm spratly--hedlayts ;)"
sa sm. bigla niya akong inatake.
B3n 2lfowh: nyeh, di naman masakit!
Hedlayts: bwuhahaha, isa pa, wachAAa!
B3n 2lfowh: aray.
Hedlayts: bwuhaha. wala ka pala eh. great b3n the chicken hearted. nasaan na yung sinasabi mo sa blog mo na matindi ka sa masasama. bwuhahaha. keyboard "warrior lang" pala. nyahhhh!
B3n 2lfowh: kulang pa ang sama mo para patulan ko. 'wag mong hintayin yon. #atake-pa-more
Hedlayts: anong sabi mo? humanda ka sa ulti ko. di-dibdiban kita sa batok.
(patuloy ang bunuan. napuno ng usok ng alikabok ang lugar dahil sa tagisan nila.
sa huli ay nasukol ng idol natin ang kalaban)
-- na headlock ko si hedlayts.)
Hedlayts: bitiwan mo ako
B3n 2Lfowh: sabihin mo muna please
Hedlayts: bitiwan mo ako please
B3n 2Lfowh: sinong pogi
Hedlayts: ikaw.
B3n 2lfowh: sabihin mo muna. di na po ako manggugulo master.
matiisin din si hedlayts at hindi basta sumusuko. makalipas ang 20 seconds ay kumanta na siya at nanumpa na di na po ako mangugulo master. pagkatapos ay binitawan ko na siya. at nagsimula siyang humagulgol at nagtapat.
:Hedlayts Confession:
Walang forever sir b3n. huhuhu kaya ko lang naman ginawa iyon kasi naiinis ako. walang forever yan ang paniniwala ko. kaya nung nakasalubong ko yuing dalawang magkaibigan (Qwerty and Asdf) isang pogi at isang hindi. sabi nila BFF, best friend forever daw sila. sobrang closed, kulang na lang magkapalit na ng mukha. edi sinubukan ko kung paninindigan nila ang salitang forever. pinagpalit ko nga ang mukha. iglap lang at yung magkaibigan naging magka-away. lugi kasi yung pogi hahaha. yung panget feel na feel niya maging heartthrob, kinalimutan ang pinagsamahan. nasaan na ang forever?kaya walang forever wala!
b3n 2Lfowh: sa kulungan may forever. gusto mo matesting?
madali rin palang kausap si hedlayts. humingi siya ng tawad. ikunuwento niya na galing siya sa planetang "motortradia".
nangako si hedlayts na makikipagtulungan sa amin at ibabalik na ang napagpalit na mukha.
sa huli, naibalik sa normal ang lahat. sa kaso ni Asdf na gwapo na uli at ni Qwerty na hindi. ang huli nama'y di na kami pinahirapan at siya na ang kusang nakipagkita sa amin. umaasa tayo na maayos ang dalawa. time heals all wounds ika nga. after all, pinalad tayo at isa nanamang kaso ang nalutas, sa huli atin pa rin ang Huling
jejeje
#hashtag
No comments:
Post a Comment
Comments, Complaints, Reaction