Ayon sa DOH ang piccolo ang nangunguna sa mapaminsalang paputok.
komento ng isang reporter, "kung walang Piccolo, ilan lang sana ang magiging biktima taon-taon"
marami sa mga bikitima ay mga bata. ang ilan ay nagtamo ng 2nd degree burn, may bata pa nga na ilang araw namaga ang kamay, at ang iba ay huntikan ng putulan ng daliri.
naranasan ko nang magcelebrate ng new year sa hospital. ayayay! hindi ka makakangiti sa masasaksihan mo.
ang isumbongmo.blogspot.com ay sumusuporta sa ligtas na pagsalubong sa New Year.
umiwas sa lahat ng klase ng paputok mula watusi hanggang atomic bomb.
magdiwang ng tahimik(joke). magdiwang ng masaya, maingay ngunit ligtas, at---
(habang nagsasalita ay isang kulot na negosyante ang umagaw sa mikropono ko.)
(feedback ng mikropono)
vooh vohh,
mike test.... mike test. check.... check mike.
:Kulot na lalake:
ako po si Dr. Piccolot, ako po ang nakaimbento ng paputok na sinasabi niyong pinakadelikado. ngunit bago niyo ako batuhin, makinig po muna kayo.
Ayon sa DOH ito ang nangunguna sa listahan. opo tama yun,
ito ba ang pinakadelikado? (????)
kung wala po bang piccolo hindi aabot sa daan-daan ang biktima?
sa tingin ko po ay hindi rin.
kahit tanggalin ang piccolo, mero't merong mauusong bagong paputok. o maaring sumikat uli ang 5-star na paputok. kung saan mas grabe at sure ball na mamumulaklak ang kamay mo pag nadale ka.
ang 5-star ang dating nangunguna sa listahan.
kung titignan ang datos bago nauso ang piccolo. mas grabe ang sinapit ng mga bata sa kamay este sa paputok na 5-star.
kaya siya tinawag na 5-star kasi 5 daliri ang mawawala sa'yo at sisikat ka na parang star.
sa madaling sabi. ang piccolo ay hindi nagpalala, sa halip ay kabaliktaran. bumaba ang bilang nang naaksidente dahil sa piccolo.
naagaw nito ang publiko sa pag-gamit ng 5-star, camara, 3-star, bawang, og atbp na mas delikado at bumiktima ng daan-daan dati.
kesa yan piccolo na lang, mura, mas marami -----at di kasing delikado.
bumaba ang bilang ng mga naaksidente. dahil
ikukumpara sa sumusunod sa kanya sa dami ng nadale.
ang piccolo po , bago pumutok ay meron siyang visible na usok na nilalabas, warning timer niya na puputok na siya. gaya ng bulkan na nagbubuga muna ng usok bago lava. kaya mas less dangerous.
kaysa sa 5-star na boom! kaagad.
bukod dun ay kung madisgrasya ka sa piccolo ay onti lang ang pulbura nito na hahalo sa laman mo. medyo malaki ang chance na di na pinuputol kundi nililinis na lang, unlike sa pla pla na hanggang balikat ang pagkalat ng pulbura. at maari ring matamaan ng impact o splash damage ang taong malapit sa'yo. ganun katindi.
yung kwitis na laging tumatagilid ng lipad. ang daming nasunog na bahay at nadale. yung nakakatarantang whistle bomb naku mag-ingat diyan.
siya nga pala ang whistle bomb at pla pla ay di kasali sa top 5. ibig sabihin safer siya ? tingnan niyo.
merong aksidente ang nangyari na kagagawan ng piccolo. opo!
ngunit nang wala pang piccolo umaabot ng libo ang naputukan, ngayong mabenta ang piccolo ay daan-daan na lang. kasi ang less dangerous na piccolo na ang ginamit ng marami.
try mo pong ikumpara ang mga naputukan ng piccolo sa naputukan ng 5-star, bawang, kwitis, whistle bomb o pla pla. kumpara mo yung naputukan noong di pa uso ang piccolo at ng nauso na ito.
mas marami at mas grabe ang naputukan ng di pa uso ang piccolo.
kung walang piccolo ngayon. hindi lang 2nd degree burn, pamamaga ng kamay,o huntikan ng putulan ng daliri.
sa five star yan minimum damage na ang matanggalan ng 3 daliri
tingnan po uli ang datos ng DOH,
simula po nang nauso ang piccolo bumaba po ang bilang ng mga naputukan. hindi po dahil sumayaw sayaw si secretary Tayag. wa epek yon, cute lang siya.
bumaba po ng malaki ang bilang hindi dahil maya-maya ang infomercial ng gobyerno at media. although nakatulong din yun. ngunit ang totoong nakatulong kung bakit bumaba ng malaki ang bilang ng naputukan ay dahil nauso ang piccolo. truth hurts.
di epektib ang pananakot ng gobyerno dahil di naman bumaba ang bilang ng mga nagpapaputok, dumami pa nga kasi lumaki ang populasyon.
sa katunayan, marami paring negosyante at mamimili. sa bocaue, sa divisoria, sa kanto, sa amin at sa inyo. kahit pinagbabawal kikita ka pa rin. mataas ang demand. malusog ang industriya ng paputok.
so epektib ba talaga ang pananakot ng media? hindi.
napaliwanag na ni Bob Ong Kung Bakit Baliktad Magbasa ang Mga Pinoy. pag pinagsabihan mong bawal lalo silang maku-curious. masarap daw ang bawal.
marami pa ring nagpapaputok yun nga lang mas less dangerous na ang karaniwang ginagamit ---ang piccolo.
siya ang nagpababa ng bilang.
di epektib ang pananakot ng gobyerno dahil di naman bumaba ang bilang ng mga nagpapaputok, dumami pa nga kasi lumaki ang populasyon.
sa katunayan, marami paring negosyante at mamimili. sa bocaue, sa divisoria, sa kanto, sa amin at sa inyo. kahit pinagbabawal kikita ka pa rin. mataas ang demand. malusog ang industriya ng paputok.
so epektib ba talaga ang pananakot ng media? hindi.
napaliwanag na ni Bob Ong Kung Bakit Baliktad Magbasa ang Mga Pinoy. pag pinagsabihan mong bawal lalo silang maku-curious. masarap daw ang bawal.
marami pa ring nagpapaputok yun nga lang mas less dangerous na ang karaniwang ginagamit ---ang piccolo.
siya ang nagpababa ng bilang.
aminin natin, bumaba ang bilang ng mga naputukan dahil sa piccolo. di na rin ganun kagrabe.
kaya sa reporter na nagsabi na kung walang piccolo, higit dalawampu lang sana ang biktima ay malaking MALI. kung walang piccolo higit sa nabanggit ang magiging biktima. hindi yan true-love na kung walang piccolo di na ako magpaputok. hahanap at hahanap sila ng iba.
isa itong mind manipulating, para masabi ng publiko:
grabe ang piccolo, mapunta sana yan sa impiyerno, daming nabiktima, bad ka, hashtag NoToPiccolo, dangerous, bad, you name it.
pero ito ang totoo. mas maliit ang chance mong maaksidente sa piccolo kumpara sa iba.
mas hindi delikado ang piccolo kumpara sa mga paputok na tinalo nito sa bentahan. uulitin ko bumaba ang bilang ng naputukan sapagkat mas tinangkilik ang piccolo. dahil ito na ang karaniwang ginagamit ito ang nanguna sa listahan ng pinakamaraming nabiktima. ngunit kung iisipin lang natin. inagaw o
iniwas nito ang marami sa paggamit ng ibang paputok na mas delikado at grabe ang disgrasya.
parang condom lang yan. dati may nauusong condom na lagi namang nabubutas, may ibang brand pero ganun din. dumating si Brand X, nabubutas siya minsan. pero hindi kasing taas ng porsyento ng pagkapalpak ng ibang brand. kaya bumaba ang napu-
iniwas nito ang marami sa paggamit ng ibang paputok na mas delikado at grabe ang disgrasya.
parang condom lang yan. dati may nauusong condom na lagi namang nabubutas, may ibang brand pero ganun din. dumating si Brand X, nabubutas siya minsan. pero hindi kasing taas ng porsyento ng pagkapalpak ng ibang brand. kaya bumaba ang napu-
(hindi pa natatapos ang kanyang argumento ay isang hitman ang lumabas at nag hagis ng piccolo, tumalbog ng tatlong beses sa lapag bago na shoot sa puwet niya)
kawawang Dr.P.
sad nu?
kawawang Dr.P.
sad nu?
hahaha.. kung maalala ko isang beses ko lang nagamit yung picolo pero pagkatapos nun ayaw ko na.. hahaha matatakutin ako sa mga biglang ingay.. hhahaha
ReplyDelete