Thursday, January 1, 2015

Mauusong Hairstyle sa mga Lalake

Hindi ako manghuhula, hindi ako fashionistas o hairstylist.
pero maniwala kayo, mas may sense at malapit sa katotohanan ang magiging prediction ko tungkol sa mauusong hairstyle this year. isa rin lang akong taong curious sa mga new looks.
lagi kong inaabangan sa balita ang magiging uso raw. pero alam niyo ba lagi akong nabibigo. laging mali ang prediction nila.

nakaraang taon sabi nila ganito raw ang mauuso
Futuristic raw?
naniwala naman ako. pati yung sinasabi nilang mauusong outfit. may temang modern indian raw. ginaya ko.  mukha akong pharoah-wala nga lang pera.. naging kamukha ko yung ininterview.
di ako nakikilala ng nanay ko, kala siguro niya rambutan ako.
nagulat ang kaibigan ko. ba't ganyan daw itsura ko. manalamin daw ako.
"bakit ako mananalamin, di naman malabo ang mga mata ko"
grabe nagtapos na ang taon hindi naman nauso. inabangan ko kaya kahit sa huling segundo.

kaya yun, hindi purket nabalita sa TV na ito ang magiging porma ay yun na. minsan kasi bayad lang yung reporter. exposure kasi yan. isang palatastas o marketing strategy nila. para marami pumunta sa salon nila o bumili ng mga produkto nila. mas paniwalan mo ako kaysa sa beking ini-interview. dahil ang sasabihin ko ay ayon sa survey ko sa mas maraming kabataan. pinakita ko sa kanila ang mga posibleng mauuso at yung tingin nila ay babagay sa kanila. at ito ang mga nag-top.

Heto ang nausong hairstyle ng nakaraang taon.

at ito naman ang mauuso ayon sa prediction ko
ito ang hairstyle na mauuso ayon sa pulso ng bayan.

Ang Mauusong Hair Style
1. long hair na brush up ni brad pitt
2. super mohawk-brush up, maganda yan pagnag-motor ka. sa gilid mo lang dadaan ang hangin. maririnig mo rin ang sipol nito.
3. Police Look Hairdo version8.1, one side na brush up. 
4. Army Brush-up (brad Pitt). wag lang maging assuming kasi buhok lang niya ang magagaya mo. para ring sa no. 2, hindi lang ganoon kataas ang ahit sa gilid.
5. Mafia look na Brush Up, malinis na brush up. bagay din pag may patilya ka. at magsuot ng shades para kunwari si steven seagal ka
6. Sa mga hindi mahaba ang buhok. ito ang pupwede. Mike Shinoda of Linkin Park Hair Style
(MSLPHS)
pag magpapagupit kayo sa barbero sabihin niyo MSLPHS. alam na nila yon.
7. Soccer Player Look tulad ng kay Paolo Ballesteros. medyo "be-free" ang dating na parang relax lang ang tikwas ng mga buhok. okay na ito kaysa kay wally ang gayahin natin.
Ayan na lahat ang mauusong buhok ayon sa Survey ko karamihan ay brush up. ano sa tingin mo? alin kaya ang mauuso sa mga nabanggit?
pwede kang magcomment gamit ang iyong facebook. maari kang magsuggest. 
salamat sa pagbabasa.  paalam mga kapwa. 

No comments:

Post a Comment

Comments, Complaints, Reaction

Cryptobrowser